After ng meeting inabala ko naman ang sarili kong pumirma ng kung ano anong papeles . Pirma dito . Pirma diyan . Nakakasawa kung tutuusin . Well ito kase yung buhay ko eh . Wala akong magagawa .
"B.C bro ?" .
Si Lucas na malaya na palang nakapasok sa opisina ko. Kasunod naman si Aldwin . They're currently working in my company . Since pre school days magkakasama na kami kaya alam na ng bawat isa saamin ang likaw ng bituka ng isa't isa .
"What brought you here guys?" . Kahit kaibigan ko sila ay strikto ako lagi lalo na't nandito kami sa opisina . Ayoko ng special treatment .
"You're too serious bro" .
At tinawanan lang nila ko .
"May invitation si Andrew , remember?" .
Ohh Andrew , yeah . His one of our college friend .
"Im not sure kung makakapunta ako bro , nakapagpromise kase ako kay yaya luding ng dinner tonight . Magtatampo yun kapag hindi ko tinupad " .
"Bro hindi naman tayo magtatagal eh" .
"Tsaka bro , bachelors party niya yun , natural lang na andun tayo" .
Bachelors party . Nakakailang bachelors party din kami every week .
"Kayo nalang muna" .
"3hours bro , ganun lang kabilis" .
Si Aldwin na kinukumbinse ako at sinasamahan pa ng pagpout ng Lips . Sa aming tatlo ay siya ang pinaka makulit . Pinakababaero naman si Lucas . At ako ? Nevermind .
"Im sure Yaya Luding will understand kung bakit hindi kayo makakapagdinner ng sabay" .
"Wow bro , di pa naman ako pumapayag ah" .
"Im sure na papayag ka , ayaw mo naman sigurong magtampo si Pareng Andrew sayo na wala ka sa huling gabi ng pagiging binata niya" .
"Okay , okay go back to work" .
"Sisisantehin ko kayo !" .
"Do it bro , ng mawalan ka ng mga kaibigang goodlooking" .
"Fuck , di hamak na mas gwapo ako sa inyo " . Sabay ng paglabas niLa ay ang pagbato ko ng mga nilamukos na papel .
Ganyan lang kami magbiruan ng mg kaibigan ko . Bukod kay Yaya Luding ay sila lang ang meron ako dito sa Pilipinas .
"Sir , nagkakalat kayo" . Bungad saakin ng sekretarya ko . Ms.Dimaano has been working in my company for three months . Sa lahat ng sekretarya ko ay siya lang ang tumagal .
Ang kalog kase ng personality niya . Yung tipong kahit asar na asar ako sa presensiya niya ay never siyang nagresign at ngumawa sa harap ko .
"Edi linisin mo!" . Pabalang kong sagot sa kaniya .
Ngumiti lang siya sakin .
"Lilinisin ko naman po talaga sir , nakakunot naman agad yung noo niyo" .
"I don't need your opinion" .
"Ang gwapo gwapo niyo pa naman sir , lagi nalang kayong galit" .
"Really ?" .
"Dapat kase sir naghahanap na kayo ng girlfriend ng hindi kayo laging highblood" .
At pilya etong tumawa . Sa lahat ng empleyado ko ay siya lang ang nakakapagbiro saakin ng ganyan . Kaya kahit sinisigaw sigawan ko siya ay saglit lang siyang tatahimik at pagakatapos noon ay hyper na ulet siya .
"The door is widely open Ms.Dimaano , you can leave my office right now!" .
Isang ngiti lang ang tinugon niya saakin bago niya tuluyang nilisan ang opisina ko .