ooo8:

278 27 6
                                    

Pulos hiyawan at palakpakan lang ang naririnig ko sa paligid . Mabilis kong tinawid ang maliit na espasyo pababa ng entablado . Hindi ko maintindihan pero parang hinihila ako ng mga paa ko upang malapitan ang dalawang bagong dating na bisita .

Isang lamesa lamang ang pagitan ng pwesto namin sa kanila . Ng makaupo ay mabilis kong pinasadahan ng tingin ang kanina pang pares na naging dahilan ng pagkataranta ko .

"Mr.Cruz?" . Mahina kong bulong .

Yeah , hindi ako pwedeng magkamali si Mr.Cruz nga ang huling bisita ng kasal ni Andrew . He's one of my investors . 

Busy pa eto sa pakikipag usap kaya malamang ay hindi nito napapansin ang mga tinging inuukol ko sa kanya .

But beside him is a lady wearing a creamy latte gown . Nakatalikod siya kaya hindi ko pa gaanong masilayan ang itsura niya . But her backview are so damn attractive . 

Parang may kung anong mga flashbacks sa memorya ko na bigla na lang nagsisidatingan .

"Bro diba si Mr.Cruz yun" . Nakangusong untag sakin ni Aldwin .

"Siyanga" .

"Ill never thought na magkakilala din sila ni Andrew" .

"Baka si Pauline ang kakilala niya bro"  .

"Hindi mo lalapitan bro ?" . Si Lucas .

"Bakit ko siya lalapitan ?" . Oo nga , kailangan bang ako pa ang unang magreach sa kanya para makita niyang nasa iisang event lang kami ?

"Grabe bro ang ganda ng kasama niya , tingnan mo" . sabay hila nito sakin . Kung hindi ko lang eto kaibigan malamang nasikmuraan ko na toh .

Ng magtama ang tingin namin nung babae ay nakaramdam ako ng kakaiba . Parang hinahalukay yung sikmura ko . Hindi mainit pero ang init ng pakiramdam ko .

Her eyes are really captivating . Pero pamilyar ang mukha niya sakin . Saan ko nga ba siya nakita ? Nagmeet na ba kami somewhere ? or nagkakilala na ba kami ? sa office ? one of the employee's ba siya ? o baka naman sa mga business meeting ko ?

Literal na sumasakit ang sentido ko sa pag iisip kung saan ko nga ba nasilayan ang ganoong mukha .

Ng mapatingin ako kay Aldwin at Lucas ay bakas ren ang pagkabigla sa mga mukha nila .

"Bro , nakita na naten yung babaeng yan!" .

"Saan ?" .

"Remember , yung babaeng pumapara nung minsang nagbar tayo"   .

"Kelan lang yun bro , don't tell me nakalimutan niyo na"    .

Oo siyanga yun , siya yung babaeng malakas ang loob na pinara ang sasakyan namin wala pang isang linggo ang nakakalipas . Yung babaeng kwinestiyon ko muna bago namin  pinasakay . Yung babaeng puting puti ang damit na napagkamalan pang white lady ng mga kaibigan ko . Yung babaeng nakatabi ko sa halos 30minuto ng biyahe . Yung babaeng walang sapin ang paa ng sumakay ng kotse .Yung babaeng sa convenient store lang nagpababa . Yung babaeng paggising ko kinabukasan ay gumulo na sa  isipan ko . At gumulo na sa sistema ko .

Siyanga yun . Siyanga yung babaeng yun .

"Small world huh" . Natatawang sabi ni Aldwin . Akma pa etong tatayo napigilan ko lang  . Napakunot ang noo ko sa kanya  .

"What are you doing bro ?" . Nagtataka kong tanong kahit may ideya nako ng konti sa balak niya  .

"Edi lalapitan sila , common bro kilala ko din si Mr.Cruz tsaka yung babaeng kasama niya baka natatandaan niya tayo"  .

EstrangheraWhere stories live. Discover now