Mariin kong inihilamos ang mga palad ko sa mukha ko .Mahigit dalawampung minuto nako dito sa comfort room pero wala pa akong balak lumabas . Masyado talagang maliit ang mundo . Sinong mag aakalang dito ko pa siya makikita sa wedding ni Andrew .
Pero bakit ganun yung reaksyon niya ? Of course what did you expect ? sigaw ng utak ko .Parang hindi niya ko naaalala . Sabagay sino ba naman ako para alalahanin niya ? Eh ako lang naman yung taong isang beses niya lang nakita , pinagdudahan pa yung pagkatao niya .
I felt a little pain inside me . Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
And Mr.Cruz ? Sino siya sa buhay ni Margaux ?
Sari saring tanong ang naglalaro sa utak ko .
Ginugulo ng babaeng yun ang isipan ko .
Bago ko lang kakilala si Mr.Cruz when he choose to invest in my company . Wala akong alam sa personal niyang buhay . And Margaux ? wala siyang sinabi tungkol dito . Ni hindi niya nga ipinakilala si Margaux as his daughter . Hindi ren bilang kaibigan .
May isang sagot ng binibigay yung utak ko pero ayokong sang ayunan yun .
Hindi siya ganon ...
As i go back to the reception ay dancing time na . Pinangunahan ito ng bagong kasal . Hinahanap ng mga mata ko si Margaux .
Then i saw her dancing with Mr.Cruz .
Banayad na nakahilig ang ulo nito sa balikat ng matanda .
"Bro , wala ka bang balak sumayaw ?" . Si Lucas na kababalik palang .
"Ayoko" .
"Haha you're missing the chance again bro , andami daming babae oh" .
"Andami reng babaeng kanina pa nakatingin sa direksyon mo" .
"Ayoko nga bro" . Ang kulit lang ni Lucas para ulit ulitin yung mga sinasabi niya . I don't care kung may mga babaeng nakatitig saken . Okupado ng isang babae yung atensyon ko .
"Magaling din pumili si Mr.Cruz noh bro ?" .
"What do you mean ?" .
Inginuso nito ang direksyon nila Margaux .
"You're being judgemental Lucas , huwag ngang kung anu ano yung iniisip mo" .
"Bro , im just being honest." . Kibit balikat nito .
"Sayang lang si Margaux , she's so pretty . Sana man lang humanap siya ng kasing edad naten" .
Mabilis kong nilagok ang beer na kanina pang nasa harapan ko .
"Hindi siya ganon bro" .
"She looks so innocent for a mistress role" .
Bahagyang nagsalubong yung kilay ko . Kung wala lang party dito malamang naupakan ko na toh .
"Lucas can you please shut your fucking mouth , hindi mo nga kilala yung tao jinudge mo na agad" .
"What if anak talaga siya ni Mr.Cruz ? na hindi lang niya ipinakilala saten kase baka malaman ng iba yun at maligawan lang dito." .
Ang nonsense ng reason ko pero ibinida ko pa ren baka sakaling makumbinsi ko si Lucas na mali yung iniisip niya .
Si Lucas nga ba ang kinukumbinsi ko o yung sarili ko mismo ??
"Bro i've met a lot of women in the world , at alam ko ang karakas ng mga yan . Titingnan ko palang , alam ko na agad kung ano sila kaya nga nung gabing pinara niya yung sasakyan naten isinakay ko diba ? kase alam kong easy to get siya . Sasama kahit saan."
"Alam mo hindi ko alam kung bakit naging kaibigan kita!" . At mabilis ko na siyang iniwan sa mesang iyon . Ayokong mauwi kami sa pagtatalo .
Ng makapasok ako sa sasakyan ay malakas kong hinampas ang manibela ko .
---
"Tapos na yung kasal ni Andrew , iho ?" . Nagtatakang tanong ni Yaya Luding sa akin .
"Tapos na ho Ya" . Pagdadahilan ko .
"Akalain mo noh , nung kelan lang papunta punta lang dito yung batang yun ngayon may asawa na" .
Wala akong maisagot sa kanya .
"Ya , gusto ko lang ho malaman kung anong itsura ng babaeng dinala ko dito ?" .
Napangiti muna ito bago sumagot .
"Ay yun ba , napakagandang babae . Para siyang anghel . Sabi ko nga bagay kayo . Sayang lang at hindi kayo nagkakilala ."
"Wala siyang pagkakakilanlan , para siyang magandang panaginip na basta na lamang dumaan" .
"Bakit ba gustong gusto niyo nako magkanobya Ya ?" .
Masuyo ko itong inakbayan .
"Aba siyempre , gusto ko namang makita na masaya ka . Yung hindi sa bahay at opisina lang umiikot yung buhay mo" .
"Soon Ya , pasasaan ba't makikilala ko ren yung babaeng para sakin" .
----
MARGAUX's pov :Napadpad na naman ako sa isang lugar na magulo , lahat nagkakasiyahan , lahat pasosyal . Nasa pintuan pa lamang kami ng venue ay agad ng pumailanlang ang baritonong boses ng isang lalaki. Pamilyar sa akin ang tinig na iyon . Napasinghap ako sa pagbilis ng pintig ng puso ko .
"Are you okay ? " . Nag aalalang tanong saakin ni Honorio .
Nakasanayan ko ng iyon ang itawag sa kanya .
Napalis ang ngiti sa mga labi ko sa tanong niya .
"Okay lang" . Malamig na tugon ko .
"Let's go" . Muling bigkas niya saakin .
Ng tuluyang makapasok kami sa venue ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko .
Siya nga . Siya nga yung lalaking iyon .
Malayo ako sa direksyon niya dahil nasa entablado siya at tila nagbibigay ng mensahe sa bagong kasal .
Malayo siya sakin , pero nagtama pa ren ang paningin naming dalawa .
Parang hinahaplos yung puso ko sa mga titig niya .
Hindi ko pwedeng makalimutan yung mukhang iyon .
Yung mukhang nung masilayan ko ay hindi na maalis sa isip ko .
Binawi ko ang tingin ko nung mapansin kong nakatingin saakin si Honorio .
"Is there something wrong Margaux ?" .
"Wala" .
Tila nakumbinsi naman siya .
Maya maya pa'y lumapit saamin isang lalaki .
Hindi ako nagpahalatang namumukhaan ko siya . Paiwas ang mga tingin ko . Ayokong makalkal ang isyu nung gabing yun .
Kagaya ng mga lumalapit saamin kanina ay napag alaman kong kakilala din siya ni Honorio . Sa trabaho marahil .
Sinulyapan ko ang lalaking kasama nila , nakatitig lamang eto sa gawi namin .
Hanggang sa mag aya si Honorio para puntahan ang pwesto nung lalaking kanina pa nagpapabalisa saakin .
Nagkabatian sila . Magkakilala din pala sila . Ang liit ng mundo . Ng ipakilala ako ni Honorio ay hindi ko siya maiwasang kamustahin , tila naman nabigla siya sa sinabi ko . Nakatitig lang siya sakin .
At hindi ko maikakailang natutunaw ako sa mga titig niya . Napakagwapo niya ngayon sa suot niya .
Tila may tensyon sa pagitan namin n napansin ni Honorio kung kaya't kaagad na etong nag aya .
Bago pako tumalikod ay napansin ko ang pagkabigla sa mukha niya . Pero mas hindi nakaligtas sa paningin ko ang banayad na paglamlam ng mga mata niya .
---
sorry for the late update mga sibs 💖