kringggg . Kringgg
Halos maibato ko ang kung anumang bagay na nasa table ko sa pag istorbo sa akin ng kung sino mang tumatawag sa akin .
Tuluyan ng naantala ang tulog ko . Nagdadalawang isip pa ako kung dapat ba akong tumawag para kamustahin si Margaux .
Umuwi na kaya siya ?
"Hello Ya?" . Yaya Iska is on the other Line .
"Bakit iho ? Pabalik ka na ba dito sa tagaytay ?"
Sandali akong naging blangko sa isasagot .
"Nagluto naman na ako maging ng tanghalian .. kaya lang kase iyong nobya mo , hindi pa ren bumababa" .
"Pero ipinatawag ko na ren naman kay Sandra" .
"Aba'y gusto na ren namin siyang makilala" .
Shit ! That woman . Anong balak niya sa buhay niya ?
Gugutumin niya ba talaga yung sarili niya .
Halos mapairap ako sa inis .
"Ya , pakibigay na lang ho sa kanya yung telepono . Pakisabi na lang po may sasabihin ako" .
Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang hinihintay ang boses niya sa kabilang linya .
Ng ilang minuto ang lumipas ay heto na siya .
Hindi pa man niya nakakapaghello ay umarangkada na ako .
"Hey ! Ano bang balak mo sa sarili mo ? Ni hindi mo magawang kumain !".
Sunod sunod na pagsinghap ang narinig ko sa kabilang linya .
Ilang minuto pa bago siya magsalita .
And i fucking hate that !
Gusto kong marinig yung boses niya .
"Pababa na ren naman ako Dave , sorry natagalan" . Mahinang bulong niya .
"Bumalik ka na pala ng Manila" . Ramdam ko ang lungkot sa boses niya .
"I have a lot of things to do , wala akong panahong magbakasyon" . Malamig na sagot ko .
"Uuwi ka na ba sa Manila ngayon ? Ipapasundo kita sa driver ko" .
Narinig ko ang pagsinghap niya . "Pinapauwi mo na ako?" .
"Yes. Marahil ay hinahanap ka na sainyo" . Wala sa loob na naisagot ko .
Pero agad ko ren iyong pinagsisihan .
"Salamat sa pagpapatuloy sa akin Dave" .
Bahagya akong natigilan . Parang gusto kong bawiin ang kaninang sinabi ko . Did i offend her ?
"If you say so" .
Yun na lang ang tanging nasabi ko ng ibaba ko ang tawag .
Damn ! Ang gago ko lang .
Mabilisan kong nilisan ang opisina at nagmamadaling tinungo ang sasakyan ko sa parking lot .
---
Margaux Pov :
Pababa pa lamang ako sa hagdan ay nakaabang na sa akin ang mga matang sa pakiwari ko ay mga nanunungkulan dito sa bahay .
"Magandang umaga hija" . Nakangiting bati sa akin ng isang may edad ng babae , sa tabi niya ay ang babaeng sa tingin ko ay hindi kami naglalayo ng edad . Marahil ay siya iyong tumawag sa akin kanina . Kung anong ganda ng pagkakangiti ng matanda ay siya namang kabaliktaran ng mukha ng anak niyang dalaga . Nakasimangot lang itong nakatingin sa akin .