@Andrew's Wedding :
Ng magsimula na ang wedding ni Andrew ay tahimik ang lahat . Beautiful in white started to play as a background music .
The moment na Lumabas ang bride and started to walk down the aisle ay iba ang feeling . The moment was magical na kahit hindi ako ang groom ay nadadala ako . I saw Andrew controlling his tears .At hindi ko maiwasang maisip ang sarili ko , at the age of 26 ay isa nakong well known business man sa loob at labas ng bansa . I already had everything . Kung tutuusin kahit ngayon pwede nakong magsettle down but i choose to be free . Yes maraming babae sa mundo . Pero kailangan pumili ka ng babaeng alam mong pang habang buhay na yung hindi ka iiwan sa simpleng misunderstanding Lang .
"Ang saya ni Andrew oh" . untag sakin ng katabi kong si Aldwin .
"Of course masaya siya , kasal niya toh eh" .
"Hahaha what i mean is hindi ba siya kinakabahan?" .
"For what?" .
"Look bro , ilang oras na lang iba na yung buhay niya , wala ng atrasan yan" .
"Sira ulo ka talaga noh , of course alam niya na yan kaya nga siya nagsettle down diba kase ready na siya" .
"Eh ikaw bro ? kelan ?" .
Natatawang baling ni Lucas .
"I don't know" .
"Antagal mo ng single bro , last relationship mo is 5years ago na" .
"Hindi ako nagmamadali bro" .
"Hindi mo kase sila pormahan bro eh" .
"I don't like that idea , kung darating man yung para sakin darating siya" .
"Ayoko magmadali , gusto ko munang ihanda yung sarili ko para pag dumating siya alam kong karapat dapat nako sa kanya" .
He held my hand. Gagong Aldwin .
"Sayo ako naiiyak bro , grabe napakaswerte naman ng babaeng yun kung saka sakali" .
I smirked .
"In god's perfect time bro , lets wait for that" .
Mahabang seremonya na nagtapos sa isang napakagandang pag iisang dibdib . Pagkatapos ng wedding ay sa reception na kami tumuloy .
Walang humpay na tawanan, kaligayahan , sayawan at kainan . Lahat masaya .
Nagsimula na ren ang bukingan na lalong pinasaya ng emcee . Salitan niyang tinatawag ang mga friends at relatives ng couple . Kanya kanyang messages para sa bagong kasal . Mataman lang akong nakikinig ng biglang ....
"Good evening everybody , pwede ko bang tawagin iyong gwapong lalaki doon sa may bandang gilid . The one who wear the green suit . Ang gwapo mamsh" .
Halatang kilig na kilig yung gay na emcee . Lumakas yung hiyawan sa paligid . Lahat sila ay napalingon sa gawi namin .
"Pinahamak ka niyang green suit mo bro" . Natatawang tapik sakin ni Lucas .
"Tawag ka bro , its your turn" .
Wala akong nagawa kundi pumunta sa maliit na entablado . Mas lalong lumakas yung hiyawan nung nandun nako sa gitna siyempre nangunguna na yung mga bunganga nila Aldwin at Lucas .
"Ay mas gwapo pala sa malapitan mga besh" .
Umakma pa etong hihimatayin .
"Gosh , nung nagsabog siguro ng kagwapuhan gising na gising ka noh ?" .
Napangiti nalang ako sa mga sinasabi niya .
"Ayyy shet , ngumiti pa , wala na . Dalin niyo nako sa hospital . Charot" .
"I think i know you , yung mukha mo kasensg ganyan madalas nasa mga billboards and magazines diba ?" .
"Single ka ?" .
Napangiti ulet ako sa tanong niya . Hindi pa man ako sumasagot ay pumailanlang na ang boses ni Andrew .
"Single yan" .
"Aytss labas tayo after neto charr . Anyway go , magmessage ka na diyan sa kaibigan mo" .
Kinuha ko ang mic at nagsimula akong magbigay ng mensahe .
"Hi everyone , Congrats on the newlyweds . Andrew and i had been friends since college . Maraming bagay kaming napagkakasunduan, siguro kase parehas kaming businessminded kaya click agad kami . But one thing for sure , Andrew is such a good guy . Napakamapagmahal niyang tao , lahat ibibigay niya wag lang mawala sa kanya si Pauline , i remember one time puyat na puyat noon si Andrew sa pagbabantay kay Pauline noong nagkasakit eto pero wala kang maririnig na reklamo sa kanya . Plus thesis pa namin nun " .
Nahagip ng mga mata ko si Andrew na nagpupunas ng luha .
"Pauline is so lucky to have you bro , Cheers to you guys . Another bachelor is officially out of the market ."
Thankyou bro ' he mouthed .
Bago ko pa man Lagukin yung beer na nasa kamay ko , ay naagaw na ng atensyon ko ang pagpasok ng isang lalaking may edad na at ang kasama nitong magandang babaeng naka angkla sa kamay nito .
-----
Hi guys sorry for the Late update 😂
Busy lang ho .Anyway gusto niyo na bang magkakakilala sila ?
Pagtatagpuin ko na ba yung mga landas nila ? 😂