Masakit ang sentido ko pagkagising ko ngayong umaga , hindi naman ganun karami yung nainom ko pero mukhang tinamaan ako .
Hinihimas himas ko ang ulo ko ng maalala ko ang mga pangyayari kagabi .
Galing nga kami sa Bar kung saan nagkita kita kami ng mga dati kong classmates nung college .
May isa kase kaming tropa na balak nang magpakasal so yung party na yun advance celebration lang para sa kanya .
Walang humpay na kwentuhan , pasikatan at inuman lang ang tema namin .
6pm palang nandun na kami , pero 12am na halos nakauwi . Kung hindi ko pa kase yayain yung dalawa kong kaibigan ay wala talaga silang balak umuwi . (Referring to Aldwin and Lucas) ..
Sa kotse nalang kami ni Aldwin sumakay . Dahil pinauwi ko na sa driver ko yung kotse ko sa kadahilanang ayoko magdrive ng nakainom , mahirap na .
Malayo layo na kami ng biglang may babaeng pumapara .
Oo tama , yung babae .
Pero bakit ang linaw ng rehistro niya sa utak ko ?
Yung mala anghel niyang mukha , yung singkit niyang mga mata , and then her lips . Fuck ! she's so damn pretty !
ARRGHHH !
Control yourself Dave .
Babae lang siya , Babae Lang ...
Babaeng walang pangalan .
Pilit ko siyang iwinawaksi sa isip ko ng tunguhin ko ang bathroom para makapagshower na .
Matapos maligo ay naginhawaan yung pakiramdam ko .
...
"Mag almusal ka na muna Dave" .
Si Yaya Luding . Ang babaeng nag alaga sakin mula pa nung maliit ako .
"Malilate na ho ako sa opisina Ya , Doon nalang ho ako kakain" .
Malungkot ang mukha niya kaya mabilis ko siyang nilapitan at niyapos .
"Ya , may meeting pa ho kase ako ng 10am . Baka ho matraffic ako pag umupo pako sa lamesa . Ansasarap pa naman ng nakahain pag inupuan ko po yan mahihirapan na po akong tumayo" .
Paglalambing ko sa kanya . Mukhang hindi pa ren nawawala ang tampo niya .
"But ill promise uuwi ho ako ng maaga para sabay po tayong mgdinner" .
At dun ko nakita ang sigla sa mga mata ng yaya/nanay nanayan ko . Napangiti ako . Bukod kase sa mga magulang ko ay si Yaya Luding ang isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko .
"Ay naku kang bata ka ! Hala sige . Lumakad ka na . At mag iingat ka" .
Matapos ko siyang halikan sa noo ay umalis na nga ako .
"Kuya Manuel wala na ho ba tayong pwedeng madaanang shortcut , malapit na ho kase ang meeting ko" .
Nakakunot ang noo kong tanong sa driver ko . Lumingon lang siya saakin at ngumiti .
"Pasensiya na sir Dave , marami po kaseng road constructions ngayon kaya po matraffic eh" .
Paghingi niya ng paumanhin . Tanging buntong hininga lang ang isinagot ko sa kanya .
After 30minutes ay heto nako at paakyat na sa "ReaLonda Steels Company" . Ang kumpanyang pagmamay ari ng pamilya ko . Since my family is in the U.S ako na ang naatasang mamahala neto .
Isinuot ko ang salamin ko ng tuluyang magbukas ang elevator .
"Goodmorning Sir" . Bati sa akin ng mga empleyadong nakasabay ko .