Ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko ang naging dahilan ng pagbangon ko .
Ng tingnan ko ang phone ay puno ng mga messages galing sa mga kaibigan ko .Marahil ay nagtataka sila sa biglaang pagkawala ko sa party . Agad akong bumangon ng mapagtanto ko ang dahilan ng pag alis ko . Yung babae . Oo yung babaeng kasama ko . Na dito ko dinala sa bahay ko .
Ng sipatin ko ang orasan ay ika walo na ng umaga . Linggo ngayon at wala akong pasok sa opisina . Hindi ko maitanggi ang excitement na nararamdaman ko . Gusto ko ng bumaba , baka nasa hapag kainan na ang babae . O di kaya'y kasama na ito ni Yaya Luding sa baba .
Mabilis kong tinungo ang banyo at mabilisang naghilamos at nagtoothbrush . Daig ko pa ang hinahabol ng mga aso sa sobrang bilis ko .
Nagpalit na ren ako ng tshirt at nagwisik ng pabango . Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin . Bahagya kong inayos ang buhok ko at saka ako ngumiti .
"Gwapo mo" . Pagpuri ko sa sarili ko .
Am i too excited ?
Shit Dave , act normal .
Pinalis ko ang ngiting kanina ko pa nakikita sa repleksyon ko sa salamin . Yun yung mga totoong ngiti na hindi ko kailanman pinapakita sa mga taong nakalasalamuha ko sa araw araw .
Yung mga ngiting ipinagkakait ko maging sa sarili ko .
Pero hindi ngayon .
Ng bumaba ako ay nadatnan ko ang mga pagkaing nakahain sa lamesa .
Marahil ay ipinahanda ito ni Yaya Luding sa iba naming kasambahay .
Ng balingan ko ang isa sa mga kasambahay .
"Aling Net si Yaya Luding ba gising na ?" .
Hindi na sumagot ang kasambahay dahil niyakap nako mula sa likuran ng nanay nanayan ko .
"Magandang umaga iho , pasensiya kana at tinanghali ako ng gising" .
"Goodmorning din Ya , kamusta ang bisita natin ?" . Hindi ko mapigilang maitanong .
Bahagyang nagliwanag ang mukha ng matanda sa tanong ko .
"Alam mo bang kasyang kasya sa kanya ang mga damit ni Vanna , ni hindi nga siya nagising habang binibihisan ko siya" .
Sa tono ng pagsasalita ni Yaya ay halata kong ansaya saya niya .
"At . At" .
Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng masuyo ko siyang inakbayan .
"Ya , kakaen na tayo . Pwede ho bang pakipuntahan na siya sa kwarto ni Vanna siguradong gising na iyon baka magtaka kase siya kapag ako ang pumunta doon" .
"O sige , sandali at aakyatin ko Lang . Pumwesto kana diyan" .
"Alam ko namang excited kang makilala siya , dapat lang na maexcite ka iho" .
"Ako nalang ho ba ang gigising sa kanya Ya" . Ganting biro ko dahil hindi magkamayaw sa pagsasalita ang nanay nanayan ko .
"Ay ako nalang . Sige na at pupuntahan ko muna" .
Ng makaakyat si Yaya ay mabilis nakong pumwesto sa hapag kainan . Mula dito ay matatanaw ko ang pagbaba nila .
I felt something na hindi ko maipaliwanag . Hindi ako mapakali . Ano na lang ang sasabihin ko kapag nakaharap ko ang babaeng yun ?
But my inner self said na "Ako si Dave Realonda" . Kahit kelan ay hindi ako nangingimi sa kahit sinong taong makaharap ko .
Makalipas ang ilang minuto ay natanaw kong mag isa lang na bumababa ng hagdan si Yaya .