Pinalagpas ko muna ang ilang minuto bago ko napagpasyahang bumalik sa resthouse . Nakapark na ang kotse ni Dave, marahil ay nasa loob na iyon .
Buo na ang pasya ko . Babalik na ako ng Manila at haharapin kong muli ang buhay na meron ako . Pero hindi ko maatim na umalis ng hindi pormal na nakapagpaalam sa kanya . Siya pa ren naman ang nagdala sa akin dito . Siya pa ren naman ang tumulong sa akin .
Naabutan ko siyang nakaupo, ang dalawa niyang kamay ay nakasampay sa mahabang sofa .
Nakagat ko ang labi ko ng mapansin kong ang hot niya lang tingnan sa pwesto niya ..
Yung kilay niya , yung mga panga , yung ilong , yung labi ... Bahagya akong natigil ng mapadapo ang tingin ko sa mga mata niya . Walang pagbabago doon , nakakatakot pa ren tumitig .
"Stop staring" . Masungit na saway niya . "Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking kasing perfect ko?" . Nanunuya ang tinig niya . Pero hindi siya nakangiti .
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko . Nakangisi siya pero hindi man lang nagbago ang ekpresyon ng mata niya .
"Magpapaalam na sana ako para bumalik na ng Manila" . Sa huli ay naisatinig ko pa ren .
"Bakit hinahanap ka na ba sainyo ?" . Nakairap pa reng tanong niya .
Sasagot pa lang sana ako ng bigla na naman siyang magsalita .
"O baka naman kaya gusto mo ng bumalik ay dahil hindi mo magawa rito ang mga nakasanayan mong gawin sa Manila" . Bahagyang umigting ang panga niya . "Hindi kaba makapagboys hunting dito?" .
Para akong sinaksak ng tatlong beses sa sinabi niya . Ang linaw linaw ng pinupunto niya .
"Look at yourself , sobrang ikli naman yata ng suot mo para akalain kong sa akin ka lang nagpapaseksi" .
Sobra na siya . Alam kong marami na siyang naitulong sa akin pero hindi sapat na dahilan yun para insultuhin niya ko . Hindi niya pa ako kilala .
"You can actually seduce someone dahil sa itsura mo" . Bahagyang tumaas ang tono niya .
Hindi ko na napigilan ang sarili ko .
"Wala akong ginagawang masama , wala akong inaakit!" . Halos manginig ang boses ko sa sinabi ko .
"Alam mo nagpapasalamat ako na sa tuwing kailangan ko ng tulong ay nandiyan ka para sa akin pero yung kwestiyunin ako sa kung ano ang dapat na itsura ko ay hindi mo na karapatan yun" . Para akong maiiyak sa mga salitang binitawan ko .
Akala ko ay tatalikuran niya na lamang ako . Ngunit isang hakbang lang ang ginawa niya ay sakop na ng mga bisig niya ang baywang ko . Mabilis niya akong isinandal sa pader na naroon .
Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko . Ni hindi ko siya matingnan ng diretso .
"I don't care kung anong plano mo sa buhay mo , pero as long as nandito ka sa bahay ko give me some respect . Act as my girlfriend! Ayokong napapahiya sa mga tao ! " Halos matunaw ako sa talim ng nga titig niya . Pero hindi ko maipagkakailang siya lang ang nakapagpakaba sa akin ng ganito .
"Bitawan mo ako . Uuwi na ako" . Nagpupumiglas ako sa kanya pero hindi pa ren umuubra dahil sa lakas niya . Lalo lamang kaming nagkalapit na dalawa .
"Not now, Love" . Parang kumawala sa akin ang kaluluwa ko sa endearment na binanggit niya .
"Ako ang magdedesisyon kung kelan ka uuwi" .Bahagyang lumambing ang boses niya .
"Kaya kong umuwi mag isa , kaya ko ang ..." . Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong siniil ng halik . Para akong naistatwa sa ginagawa niya . Hindi ako makagalaw . Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko .
Dahan dahan lang ang halik na iyon pero para akong tatakasan ng bait . Hindi ko magawang tumugon hinayaan ko lamang siya . Unti unting bumibilis ang halik naghahanap ng katugon . Wala akong magawa kundi mapapikit na lang . Naghuhumiyaw ang utak ko at sinasabing sampalin ko siya sa ginagawa niya pero walang lakas ang nga palad kong gawin iyon.
"Dave ! Aysusmaryosep kayo!" . Boses ni Yaya Iska ang nagpabalikwas sa aming dalawa . Mabilis kong inayos ang damit kong bahagyang nalukot ngunit sigurado akong pulang pula ako sa nangyari . Ng tingnan ko si Dave ay kalmado lang ang itsura niya . Parang walang nangyari . Nakuha niya pang ngumisi .
"Pasensya na kayo" . Hinging paumanhin ni Yaya Iska . Ni hindi ako makatingin sa kanya . Nakakahiya lang talaga .
"Don't worry Ya , okay lang yun . Sorry sa eksena " . Nakangising sabi ni Dave . " Namiss ko lang si Margaux" .
Sabay hapit niya sa akin . Napaawang ang bibig ko sa mga salitang binitiwan niya .Tila kinilig naman si Yaya Iska sa narinig niya .
"Akyat lang ho kami sa taas Ya" . Sabay kindat niya sa akin . Na sinuklian ko lang ng pagkatulala . "Let's go Love" .
Nagpatianod na lamang ako ng akbayan niya ako at sabay kaming umakyat sa taas .
Ng malapit na kami sa silid ay agad niya na akong binitiwan . Tila hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla kanina kaya wala pa ren akong kibo .
"Next time wag matigas ang ulo mo". Malamig na bigkas niya .
Pabago bago lang siya ng mood .
"You look scared" . Bahagya siyang lumapit na may nanunuyang ngiti .
Walang salita na gustong kumawala sa bibig ko kahit pilitin ko man siyang sagutin .
"I know that im a good kisser " . Nang aasar niyang sabi . Hindi pa ako makamove on sa eksena kanina ay heto na naman siya at pinapaalala iyon .
"All you need to do is to close your eyes" . Natatawa niyang sabi bago ako tinalikuran . Naiwan akong nakaawang ang labi sa sinabi niya . Ilang minuto pa akong nakatitig sa kawalan bago ko napagpasyahang magmartsa sa silid ko .
Ng makaupo sa kama ay agad kong tinutop ang dibdib ko . Ibang klaseng emosyon ang naroon . Isang estrangherong pakiramdam .
Ng humiga ako ay hinawakan ko ang labi ko . Ramdam ko pa ren ang marahas na labing umangkin dito .
Tssss. Mali ito . Maling mali .