Hindi ko ren alam kung anong mahika ang gamit niya at napapayag niya akong isama siya . Nakaidlip na siya lahat lahat ay hindi ko pa ren maisip kung saan ko siya dadalhin . Nagpakawala ako ng buntong hininga , naguguluhan ako maging sa sarili ko . Alam kong mali na tinulungan ko siya , respetadong tao ako at kapag may nakaalam na kasama ko ang babaeng ito ay malamang headline na ako ng pahayagan kinabukasan . As much as i want ay gusto ko siyang ikubli pero hindi ko naman siya maaaring dalhin sa bahay ko dahil malamang magtataka sa kanya ang mga tao doon lalo na si Yaya Luding . At sariwa pa sa alaala ko yung babaeng tinulungan ko at pinatuloy ko sa bahay pero tinakasan ako . Marahas akong napasuntok sa manibela ng maalala ko ang tagpong yun .
Kung sa hotel naman ay malamang may makakakilala sa akin o di kaya'y sa kanya , tsaka siguradong ang panget ng imahe ko kung sa lugar ko na yun siya dadalhin . Maingat kong itinigil ang sasakyan habang nag iisip . Binibigyan ako ng problema ng babaeng ito . Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako namroblema ng ganito . Agad nahagip ng mata ko ang telepono ko . Kung tawagan ko nalang kaya si Mr.Cruz para ipaalam na kasama ko ang .....
Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam kaano ano nga ba siya ni Mr.Cruz . Napakabastos naman ng dating ko kung sakaling ako pa mismo ang magtatanong sa kanya . And besides , two tmes palang kami nagmeet ni Mr.Cruz although nagkausap na kami but it was all about business labas ang mga personal na buhay .
It took me more minutes to decide . Then finally eto ako at binabaybay ang kahabaan ng highway papuntang tagaytay . Yes . Sa tagaytay ko siya dadalhin since may resthouse kami doon at isa pa malayo ren yun sa maraming matang pwedeng makakilala sa akin .
I looked at her na mahimbing na natutulog . Bahagyang nakasubsob ang ulo nito sa pagkakayuko . Parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko dahilan para iabot ko yung unan na nasa likuran ng sasakyan at ipatong dun yung ulo niya . I slightly bite my lips ng mapadako ang tingin ko sa labi niya . She had the most beautiful lips . Medyo nasira nga lang dahil sa sugat sa gilid ng labi nito .
Isa . Dalawa . Tatlong magkakasunod na hikab ang pinakawalan ko . Pagod ako pero kalahating oras pa bago ko tuluyang marating ang resthouse . Wala akong choice kundi magmaneho para makapagpahinga na ren .
***
"We're here" . Bulong ko sa kanya ng itigil ko na ng tuluyan ang sasakyan dahil narating na namin ang resthouse . Agad siyang tila nahimasmasan at walang kibo na iginala ang tingin sa paligid . Madaling araw na at mas lalong lumalamig ang paligid . Maingat siyang bumaba ng sasakyan pero iniwan niya sa loob ang jacket na kaninang ibinigay ko . Agad ko naman iyong kinuha ng mapansin kong ilang minuto palang ay nilalamig na siya .
"Wear this" . Malamig pa sa yelong wika ko .
Tila naman napansin niya ang pagkawala ko sa mood kung kaya't dali dali niyang isinuot ang jacket na bigay ko .
Nauna na akong naglakad upang buksan na ang bahay nakasunod lamang siya na wala pa reng kibo .
"This is my resthouse , dito na kita dinala dahil hindi kita pwedeng dalhin sa bahay ko" . May diin ang huling salitang binanggit ko na ikinayuko niya lang .
"Bakit kase sa dinami dami ng tao , ako pa ang nakakita sayo ?" .
"Pasensya na" . Malungkot ang naging paghingi niya ng paumanhin .
"Hindi ko sinasadyang abalahin ka , patawarin mo ako" .
"Abalahin ? Sana naisip mo yan bago mo hinarang ang kotse ko" . Inis na sabi ko .
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa kanya . Ni hindi man lang siya mangatwiran saakin . Ang hina hina ng aura niya . Yung tipong mataasan mo lang ng boses ay agad ng bubunghalit sa pag iyak . Ni hindi man lang kayang ipagtanggol ang sarili . Nagmumukha tuloy siyang kawawa sa paningin ko .