ooo6 :

291 24 4
                                    

Hinayaan ko lang na may tumutulong dugo sa kamao ko . Ano pa nga bang ieexpect ko ? Natural lang naman na masugatan ako , semento ba naman yung sinuntok ko eh . Hindi ako warfreak pero iba yung galit na inihatid saakin ng babaeng yun . Hindi ko magawang kumalma .

Nasan na kaya yung babaeng yun ?

Ng wala akong mapagbalingan ay naisip kong icheck ang mga video ng cctv . Baka sakaling sa pamamagitan nito ay matukoy ko kung sino ang babaeng yun .

Nagsimula kong panuorin ang bawat clip ng video sa pag asang dun ko siya makikita .

10 pm yan yung oras na dumating ako , si Manong Johnny pa ang nagbukas ng gate para saakin .

Ilang oras pang tahimik eto marahil ang mga oras kung saan nagpapahinga na ang babaeng bisita ko .

2 am nakikita ko sa video na nakadalawang ikot pa si Manong Johnny sa buong kabahayan upang icheck bago ito mamahinga . Daily routine niya ito .

Pero namangha ako sa sunod na nangyare ,

At exactly 3:am may isang babaeng nakaputi na maingat na tinatahak ang daan papunta sa gate ng bahay ko . Halata sa mga kilos niya ang pag iingat .

Dahan dahan itong naglalakad . Pero may nakatabing sa mukha nito . Ang maskarang suot niya nung nakita ko siya ay suot niya pa ren hanggang sa paglabas niya . Aral ang mga kilos ng babae . Halatang ensayado ito sa ganoong mga sitwasyon .

Pinilit nitong buksan ang gate , subalit mukhang natigilan eto ng makarinig ng munting ingay sa pagbubukas nito . At sa susunod niyang ginawa ako halos mawalan ng hininga .

Akma niyang aakyatin ang gate ng bahay . Anong klaseng babae toh ? Ni hindi niya man lang naisip na baka malaglag siya at mabagok ang ulo niya ?

Ng makakuha ng tiyempo ay dali dali na nitong inakyat ang gate ng bahay ko at ng makababa ay tuluyan na itong kumaripas ng takbo .

Ano ba siya ? Sino ba siya ?
Bakit ganun yung mga kilos niya ?

Ilan lang yan sa mga tanong na patuloy na naglalaro sa isipan ko .

Bakit siya nakamaskara hanggang sa pumuslit ng bahay ko ? Bakit parang hasang hasa siya sa mga pagtakas sa ganoong sitwasyon .

Masama kaya siyang tao ? O baka miyembro ng sindikato na minamanmanan ako .

Na baka palabas lang niya yung kagabing natagpuan ko siya para maiuwi ko siya dito sa bahay ko .

Hindi ko alam kung tama yung mga iniisip ko pero nakaramdam ako ng konting panghihinayang . Panghihinayang na mas nangingibabaw yung galit .

Nagulat pako sa pagtunog ng phone ko .

Lucas is calling ...

"Bakit ba ?" .

"Woahhh , ang aga aga ang highblood naten bro ?" .

Patawa tawa pa eto sa kabilang linya .

"Anong kailangan mo ? Be specific !" .

"Wow bro , ikaw pa tong galit ? ikaw na nga tong basta basta nalang nawawala ! .

Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya . Ni hindi ko pa pala natatawagan si Andrew para sabihin yung dahilan ng pag alis ko .

"Alam mo bang andaming ganap kagabi bro ?" .

"Andaming chixx" .

Parang nakikini kinita ko na yung mukha ni Lucas habang sinasabi yun . Babaero talaga .

"For sure nag enjoy ka ?" .

"For the record ? Siyempre oo! Pero bro , Siyempre babae pa ren yung mga yun kahit na sabihing wala pa dun yung pinakahighlight ng event" .

"What do you mean ?" .

"I mean yung pinaka pasabog sa party ni Andrew" .

"Ano yun ?" .

"Hindi ano ! Kundi sino!" .

Bigla kong naaalala ang babaeng kasama ko kagabi . Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Lucas .

"Kasi bro , nung andiyan na yung mga gift , alamuna . Dalawang babae lang yung lumabas ng cake para paligayahin si Andrew"  .

Parang nagtagis yung bagang ko sa narinig  .

"Can you please shut up" .

"Bro its normal ! kaya nga bachelors party diba tsaka Last na yun , para namang hindi mo alam yun" .

"Yeah i know" .

"And then naghahanap yung organizer dun sa pangatlong babae pero wala bro"  .

"Umuwi yata"  .

"Pero sayang bro , kase sabi sa bulong bulungan . Sobrang ganda daw nung babaeng yun . Pag nagkataon ang swerte naman ni Andrew diba" .

"Ang gago mo , chismoso ka talaga kahit kelan!"  .

"Haha , andaming chixx kagabi bro , kung hindi ka lang umuwi ng maaga malamang nagkagirlfriend kana"  .

"Wag mo nga kong itulad sainyo ni Aldwin , kahit sino lang papatusin niyo"  .

"Hahaha learn from the expert bro" .

Marami pa siyang gustong sabihin .

"Anong oras ba yung kasal ni Andrew ?" .

"3:oopm bro, don't tell me pupunta ka ?" .

"Yes , pambawi ko na dahil maaga akong umuwi kagabi" .

"Uy sama kami ni Aldwin diyan" .

"Okay , kita kita nalang tayo dun" .

"Daanan mo nalang ako dito sa pad ko bro" .

"Bakit wala ka bang kotse ?" .

"Siyempre meron , pero mas gusto kong sumabay sayo eh" .

"Gusto ko mo lang makatipid eh" .

"Sige na , ill call you when im ready" .

Then i ended that call  .

Muling rumehistro sa isip ko ang itsura ng babae kagabi . Ganun nga ba siyang klase ng babae ? Nagbibigay ng aliw sa mga lalaking malapit ng ikasal ? Para ano ? Ano ang kapalit nun ?

Napangiti ako ng mapakla ng maisip kong pera . Pera ang kapalit nun . Handa niyang ibigay ang sarili sa kung sino man para lang sa pera .

Well , money makes the world go round . Lahat ng bagay may katapat na presyo .
Lahat ....

-----

EstrangheraWhere stories live. Discover now