chapter 6

602 11 0
                                    

>>>>chapter 6

"Ng..."

Ng ano?V!

I bite my lower lip and sigh in defeat.

"Ng di ko alam,basta masama ka." Sabi ko

Nag smirk sya at umastang nag iisip

"Ako?ako ang masama ,nakalimutan mo ba na yang mga tiles na yan,yang mga haligi na yan,yang siling,yang mga computer lahat ng tables ,upuan lahat yan ,AKIN ,in short you dont have any rights to talk back" sabi niya

"Alam ko,pero sumosobra ka na kasi .Remember your threat?sabi mo papatalsikin mo ako dito sa kompanya ng DADDY MO,hindi sayo" sabi ko

He scan me,gusto niyang hanapin ang kahinaan ko ,but sorry mr.Louis ,matapang na ako ngayon.

May sasabihin pa sana sya kaso lang nag ring ang phone niya.

Tiningnan niya ako bago niya sinagot ito.

"Hello,so?check it again!why?!cant you fix yourselves and dont be stupid! Change the texture!"galit niyang sabi

Kitams pati cellphone inaaway,baliw .

Pagkatapos ng away niya ay parang nakalimutan na niyang nag away din kami ,naglakad na sya paalis ng maalala kong yung papel na kailangan niya..

Napatingin ako sa kamay ko na kung saan hawak hawak ko ang papel..

Amo ko parin sya kaya dapat gawin ko ang nararapat.

Tumakbo ako para habulin sya

Magsasara na ang elevator ng tawagin ko sya.

" sir!"sigaw ko

Napatingin sya sa akin kaya may pinindot sya sa elevator para di pa ito magsara.

"Sir,yung-yung papel niyo po" hingal na sabi ko .Nasa labas ako ng elevator habang sya ay nasa loob

Kinuha niya ito ar tiningnan ako

"Diretsuhin mo nga ako ms.Valerde ano ba talaga ang gusto mo?"

"Sir.Louis isa lang ang gusto ko ,ang magkaroon ng trabaho at maging masaya ,kayo lang naman yung ayaw sa akin eh." Sabi ko

"Buti,alam.mo na ayaw ko sayo" sabi niya

Pinindot niya ang up button at magsasara na sana ito ng harangan ko ang pinto gamit ang dalawang kamay ko.

"What?!"

"Sir,pinapangako ko pong gagawin ko ang lahat para di matanggal sa trabaho ko,kahit na ipapatay niyo pa ako" sabi ko at tumakbo paalis.

Sa totoo lang kinakabahan ako,kinakabahan na talaga ako sa mga balak niyang gawin .

"Sino ba yun?"

Napahinto ako ,nagtago ako sa gilid ng sliding door at pinakinggan sila.

"Yung baguhan?"

"Oo"

"Vanessa yata ang pangalan?"

"Ang tapang niya ha"

"Oo nga eh ,biruin mo yun ,napahiya ang reyna reynahan na c sherlyn  "

"Oo nga eh,pero di niyo ba napasin ,parang may something sa kanila ni sir Louis?"

"Napansin ko rin"

"Pero nag away nga sila eh"

"Panu kung palabas lang yun?"

"Parang nga kasi pagkaalis ni sir,sumunod itong si miss maganda ."

"Sya na kaya ang makakapagpabago kay sir?"

His Threats - Ugly Truth ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon