Chapter 1: Meeting
BELLA'S POV
Maaga akong nagising, pupunta kasi ako ngayon sa bahay ni Hannah. May pag uusapan kasi kami about sa pupuntahan naming lugar ngayong bakasyon.
Kila Hannah na bahay nalang kami pumunta kasi strict ang parents ni Hannah di kasi sya pinapayagan na pumunta kung saan saan kaya kukumbinsihin namin yung parents niya para kompleto kami magbabarkada.
Nang naka rinig ako ng busina, nag mamadali agad akong lumabas sa bahay at nakita ko si Dylan.
"Goodmorning bella" bati niya
"Goodmorning. Magpapasundo rin daw si Blaire sa bahay nila" sabi ko.
Sina Dylan at Blaire talaga ang pinaka close ko sa barkada, matino kasi silang kausap at kasama.
"O sige tara sakay kana"
__
BLAIRE'S POV
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay naghihintay ako ngayon kina Bella.
Ilang minuto sa pag hihintay nakita ko ng papalapit ang sasakyan ni Dylan. Binuksan ni Bella ang window sa passenger seat, since doon sya naka upo.
"Tara na blaire, baka tayo nalang hinihintay doon." Sabi niya.
Ewan ko ba pero kinikilig talaga ako kina Bella at Dylan, feel ko talaga may something sakanila hehehe. Saaming mag babarkada silang dalawa talaga yung ship ko hihi.
__
BELLA'S POV
Ilang minuto ang lumipas, nakarating na kami sa bahay nila Hannah. At pagka pasok namin roon, nandoon na pala sina Tina, Tyler, Renz, James, at Chiara.
"Gosh ang tagal niyo naman, kanina pa kami nandito" reklamo ni Tina.
"Si Hannah saan?" Tanong ko.
"Hmm nasa kusina ata nag hahanda ng makakain natin." Sagot ni Chiara.
"Si Pia nalang kulang, isa pa yun, napaka tagal non" sabi ni Tina.
Pinuntahan ko sa kusina si Hannah at nakita ko syang nag peprepare ng tinapay at juice.
"Tulungan na kita." Sabi ko at kumuha ako ng tinapay at nilagyan ko ng palaman.
"Naku, wag na Bella. Nakakahiya na nga sainyo eh kasi kayo pa mag kukumbinsi sa parents ko." Sabi niya.
"Ano kaba, okay lng mas masaya if kompleto tayo diba?" Ngumiti lang sya sakin.
At ng natapos na namin iprepare ang pagkain bumalik kami roon sa Sala kung saan nadoon sila. At inilapag ko sa lamesa ang pagkain.
"Yown ohh may foods" sabi ni James.
"San na ba si Pia? Ang tagal naman" sabi naman ni Blaire.
Nabigla kami ng biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si Sophia.
"So-Sorry guys! Natagalan ako ng pag gising" sabi niya habang hinihingal. Mukhang nag mamadali nga sya.
"Upo kana dito Pia." Sabi ko.
__
"So saan ba kasi yung final na lugar para sa pasyal natin? Mas maganda if ilang araw tayo mag sta-stay para worth it." Sabi ni Tina.
"Ako! May isusuggest akong lugar" sabi ni Renz sabay taas pa ng kanang kamay nya.
"Oh? Saan?" Sagot ni Chiara.
"Sa mall" naka tikim ng sapak si Renz galing kay Tina.
"Tumahimik ka nalang nga Renz! Hindi naman nakakatulong yang mga sinasabi mo!" Reklamo ni Tina.
"Ha? Bakit? Mas ok yung mall, may possibility pa na papayagan si Hannah, and mas safe pa sya kasi malapit lang." Sabi ni Renz.
"Just shut up! Di naman worth it yung bakasyon natin if sa mall lang. Gosh" reklamo ulit ni Tina.
"Oh sge tama na ang away. Ikaw Pia? Mag maisusuggest kabang lugar?" Tanong ko.
"Hmm. Oo kaso malayo sya." -Pia
"Saan?"
"Nakalimutan ko yung name but sobrang ganda dun, may dagat rin sa lugar na yun kung saan pwede tayo maligo. "
"Oh meron na pala yan, diyan na tayo para matapos na tong meeting na to" sabi ni Tyler.
"Nag mamadali boss?" Angal ni Renz.
"May date pa kami ni Tina" sagot ni Tyler.
"Sana all" sabi ni Pia.
"Oh so final na ba yung sabi ni Pia?" Tanong ko.
"Yeah yeah." Sagot nila.
"Ipapaalam ko lang sainyo yung name ng lugar isesend ko lng sa gc natin." Sabi ni Pia.
Saktong 11:00 am natapos yung meeting namin. Kasama ko ngayon sina Dylan, Blaire, Chiara, Pia, Renz at James.
Papunta kami ngayon sa mall para kumain ng lunch.Di na sumama sina Tyler at Tina kasi nga raw may date daw sila. Habang si Hannah ay di raw ata pinayagan sumama samin kasi may aasikasuhin pa sya.
Pumasok kami sa McDo at nag hanap ng mauupuan. Sina Chiara at Pia na ang nag order.
Ng dumating na ang foods namin, nag simula na kaming kumain. Tahimik lng kaming kumakain ng biglang nag salita si Chiara.
"Nakakamiss si Zoey" napatigil kami sa pagkain ng marinig yon.
"San na kaya siya? Its been a year na ng di sya nag paparamdam. Wala man lang tayong balita kung na pano siya." Dagdag ni Chiara.
"Chiara naman, ni hindi nga tayo inisip ni Zoey nung nawala sya. Sana man lang nag paalam siya, kaso wala eh. Bigla nalang nawala. Di man lang nya inisip na nag-aalala rin tayo. Hayaan mo na yun" Sagot ni James.
"Nag-aalala? Wow naman james." Sabi ni Chiara.
"Oh? Bakit? Nag-alala kaya tayo non nung nawala sya bigla." Sagot ulit ni James.
"Sayo pa talaga nanggaling yung nag-aalala na word, eh halos wala ka ngang pake kay Zoey eh lagi mo lang siyang binubully duhhh" Sabi ni Chiara.
"Grabe di naman. Kaibigan ko par--" di na natapos ni James ang kanyang sinabi dahil biglang sumingit si Chiara.
"Shut up James! Ang peke mo pakinggan!" -Chiara.
"Guys please. Kumakain tayo oh respeto naman" suway ko sakanila.
At buti naman tumahimik na sila. Kung natatanong niyo kung sino si Zoey, kabarkada din namin yan. Kaso last year, isang araw bigla nalang siyang nawala, sabi ng parents nya nilipat daw sya ng school. Walang goodbyes na naganap, nawala lang talaga sya bigla. Si Audrey Zoey Perez na hanggang ngayon, tinatanong parin namin sa sarili namin kung nasaan na ba sya.
BINABASA MO ANG
The Killer Game
Mystery / ThrillerNag simula sa isang masayang laro, na napunta sa galit, asaran, pikonan, at mga secretong kailangang itago ay kanilang ibinulgar. The Killer Game Find the...Killer Inspired by Bloody Crayons Date Written: September 2019 Date Finished: May 2020