Chapter 14: Fairness
HANNAH's POV
"She's here with us now."
Tinignan ko siya habang sinabi ko yang mga salita na yan. And yes, i was right. Kitang kita ko sa mga mata nya ang galit. I guess huli ko na ito.
"Sino ba kasi? Pa thrill ka pa diyan!" reklamo ni Pia.
Tinignan ko ulit siya. Nakakatakot. Di na ako makapagsalita dahil sa mga titig niya. Kakaiba eh.
"Hannah?"
Alam kong huling araw ko na 'to at sigurado ako na ako ang target niya mamayang gabi. Wala na siguro akong takas neto.
"Hannah!" Agad akong natauhan ng sinigawan ako ni Blaire.
"U-uh? Ba-bakit?"
"Wala ka ba talagang plano na sabihin saamin?" tanong ni Renz.
Umiling ako. "I cant. Sorry. Ayokong mapahamak din kayo. Mas ok muna siguro if ako lang nakakaalam."
"Duh! Ayaw mong mapahamak kami? Eh ngayon palng nasa panganib na kami Hannah!" sabi ni Tina.
Di ko man alam ang rason kung bat pumapatay yang killer nayan pero sure ako na konektado saamin ang mga rason na yan. Napatingin ulit ako sakanya, ano bang nagawa namin sayo? Bakit ikaw pa?
"Hannah ano ba? Pinaglalaruan mo lang siguro kami?" tanong ni Pia
Hindi na ako sumagot. Basta nasabi ko na ang dapt kong sabihin. Tapos.
KILLER's POV
Putek! Paano nalaman ni Hannah na ako? Tangina napansin ko kasi habang nagsasalita siya kanina sige siya tingin sakin na parang pinaparinggan niya ako. Pero paano niya nalaman? Wow naman ha kahit tahimik yang batang yan, may silbi din pala siya, may talino din pala sya.
Gago mapapatay ko talaga kayong lahat ng sabay-sabay pag binulgar yan ni Hannah. At di nako susunod sa The Killer Game rules nayun!
BELLA's POV
"Tama na guys. Kung ayaw sabihin ni Hannah, hayaan nalang natin siya" sabi ko. Well ayoko lang naman ng gulo eh kaya sinabi ko ang mga yan.
"Hay ewan ko sainyo!" sabi ni Pia sabay alis sa harapan namin.
__
5:47 pm.
And its almost 7 pm. Ang oras na kinakatakutan naming lahat. Takot kaming pag gising namin may kaibigan na naman na mawawala saamin.
"Hannah shh! Hindi namin hahayaan na may mangyayaring masama sayo" pagpakalma ni Blaire kay Hannah.
Kanina pa kasi umiyak si Hannah dahil kinakabahan daw siya dahil baka siya raw ang papatayin ng killer mamaya.
"Loko kasalanan nya rin yan eh! Nag bulgar bulgar kasi siya ng nalaman nya ayan tuloy." sabi naman ni Tina.
"Tina naman imbis na takutin mo pa lalo si Hannah mas mabuti if pakalmahin mo nalang." sabi naman ni Blaire.
"Whatever."
"Guys!" tawag ni Dylan saamin. Kaya nilapitan namin siya sa Kusina banda at may inabot siyang papel saamin. Eto na naman tayo sa pa papel ni killer hayst.
Dear Hannah,
Inform lang kita na huli mo na to. Pag sumapit na ang 7 pm. Magtago kana kung ayaw mo pang mamatay. Goodluck!-Killer
"I knew it!" sigaw ni Hannah habang tumakbo papunta sa sofa at umiyak.
"Hannah!" tawag ni Blaire.
"Guys, ayaw ko pang mamatay!" Tumingin si Hannah sakin habang umiiyak at nilapitan niya ako. "Bella!! Please help me! Ayaw ko pang mamatay! Di pa ako nakapagpaalam kina Mom and Dad!" sabi niya habang niyuyogyog ako.
Pinigilan ko ang pagyugyug niya sakin. "Okay. I-I'll try. Pero di ako mangangako." sabi ko.
"What's the plan?" Dylan asked.
"What if di nalang tayo matulog ngayong gabi? Bantayan natin si Hannah?" suggest ko.
"Sira! Tapos if naka survive siya this night? Paano naman ang susunod na mga gabi? Babantayan parin natin siya? Ano siya reyna?" Reklamo ni Tina.
"She has a point" sabi ni Pia.
"A-ano? So mamamatay na talaga ako mamaya?
Ple-please!!" pagmamakaawa ni Hannah."Hannah! Be fair! Di nga namin na ligtas sina Tyler ikaw pa kaya?" sigaw ni Tina. "Napaka swerte mo naman kung maliligtas ka namin habang yung iba na nawala na di man lang namin naligtas."
"So ano minemean mo Tina? Na dapat mamatay nalang ako para fair sakanila?!" Galit na sabi ni Hannah.
"OO!!" Sigaw na sagot ni Tina.
"Tina!" awat ni Renz.
Tinignan ko si Hannah at kita ko sa mga mata niya ang galit.
"Okay. Ganon pala ang gusto niyo eh!" Agad tumayo si Hannah at nagtaka kami ng pumunta siya sa kusina at kumuha ng kutsilyo. WAIT? KUTSILYO?! WTF!!
"HANNAH!! BITAWAN MO YAN!" awat ko. Lalapitan ko sana si Hannah kaso pinigilan ako ni Dylan. "HANNAH! WAG MO NG ITULOY KUNG ANONG BALAK MONG GAWIN!"
"This is what you want. So ibibigay ko kung anong gusto niyo. Mahal na mahal ko kayo" Sabi ni Hannah at agad niyang tinusok ang kutsilyo sa sarili niya. SHIT!!
"HANNAH!!!" Di ako maka galaw dahil hinahawakan ako ni Dylan. "BITAWAN MOKO!! HANNAHHHH!!" Sigaw ko habang tumutulo ang luha ko.
Nakita ko nalang na dahan-dahan bumagsak ang katawan ni Hannah sa sahig. Napatulala kaming lahat dahil sa nangyari. Ang bilis lang ng pangyayari.
Ng binitawan na ako ni Dylan isa lang ang pumasok sa isip ko. Galit. Agad kong nilapitan si Tina at sinampal siya.
"BAKIT MO YUN SINABI SAKANYA!!" sigaw ko sakanya.
"BAKIT? Ayaw mo yun mas napaaga sya ng pagkamatay. Wala naman yang purpose dito sa barkada eh." Demonyo! Napaka demonyo mo Valentina!!
Sinampal ko na naman siya ng malakas. "ANG MANHID MONG GAGO KA! KAIBIGAN PARIN NATIN YAN!!" sagot ko.
"Bella" awat ni Dylan saakin. Isa pa to.
"AT IKAW? BAKIT MOKO PINIGILAN KANINA HA? KUNG DI MOKO PINIGILAN EDI SANA NAPIGILAN KO PA SI HANNAH NA GAWIN YON!!" Sigaw ko kay Dylan.
"Bella" awat ni Blaire
"Pinrotektahan lang kita, Bella" sagot ni Dylan.
"PROTEKTAHAN? THAT'S BULLSHIT! IM NOT A BABY ANYMORE OKAY?!" sagot ko. Ayoko lang naman mawalan pa ng isang kaibigan eh. Ang sakit na.
"PINOPROTEKTAHAN KITA KASI BAKA MASAKTAN KA NI HANNAH NUNG TIME NA YON! ALAM KONG DI KA NA BATA PERO NAWAWALA KANA SA SARILI MO! SOBRANG SELFLESS MO NA!! PAANO NAMAN YUNG SARILI MO HA?!" sagot ni Dylan.
Speechless. Im speechless. Dylan made me speechless again. Napa upo nalang ako sa sofa at napayuko.
"Sorry" sagot ko. "Sorry, Dylan" dagdag ko.
Lumuhod si Dylan at inangat ang ulo ko. "I've made a promise na di ko hahayaan na may mangyayaring masama sayo. I will do everything to protect you. I promise" At niyakap niya ako. Yung mga yakap na kailangan ko talaga. Gosh i love this man so much.
BINABASA MO ANG
The Killer Game
Mystery / ThrillerNag simula sa isang masayang laro, na napunta sa galit, asaran, pikonan, at mga secretong kailangang itago ay kanilang ibinulgar. The Killer Game Find the...Killer Inspired by Bloody Crayons Date Written: September 2019 Date Finished: May 2020