Chapter 8: The Real Game
CHIARA'S POV
12:17 am
Nagising ako para umihi sa cr. Pero bago ako pumunta sa cr, nagdadalawang isip ako, natatakot kasi ako na mag isang pumunta sa cr.
Ginising ko si Pia para magpasama sa Cr.
"Pia! Samahan moko sa cr please!" Bulong ko sakanya.
"Hmm" argh mahimbing talaga tulog niya eh.
At dahil naiihi na talaga ako dumiretso na agad ako sa cr dahil ihing-ihi na talaga ako.
Habang umiihi ako sa banyo, naka rinig ako ng katok mula sa pintuan.
"Sandali lang!" Sigaw ko. Ngunit patuloy parin siya sa pagkatok. Hay sabing sandali lang eh.
"Wait, eto na palabas na" sabi ko. Nagmadali kong inayos ang damit ko at finlush ang inidoro.
Pagkalabas ko, walang tao. Madilim.
Doon na ako kinabahan, imposible naman siguro na kuro-kuro ko lang yung kumatok eh ang lakas nga nung pagkatok eh."Ahm hello?" Kinakabahan na sabi ko.
Biglang nandilim ang paningin ko ng biglang may tumakip sa mukha ko.
"AHH---" di ako makasigaw dahil sobrang higpit ng pag takip nya sa mukha ko.
Pinipilit kong kumawala sa pagtakip nya sakin. Tinatry kong sumigaw kaso di ko kaya.
"Shut the fuck up!" Bulong nya sakin. Kilala ko tong boses na to. Siya? Di ako makapaniwala na siya ang pumapatay!
Bigla kong naramdaman na may kutsilong naka saksak sa puso ko. At nandilim na ang paningin ko.
BELLA'S POV
6:34 am
"AHHHHHHHHHHH!!" Bigla akong napabangon ng nakarinig ako ng sigaw sa labas.
Pagka labas ako tumakbo ako papunta kung saan ko narinig yung sigaw. Napunta ako sa labas ng banyo. Kaso di ko makita kung anong meron dahil nakapalibot sila doon.
"Anong meron?" Bulong ko kay Dylan.
"Si-- Chiara" napatulala nalang si Dylan. Sumingit ako at agad kong nakita ang katawan ni Chiara na may saksak sa puso. Patay na siya. Di maari.
"CHIARAAA!!" Sigaw ni Pia habang umiiyak. "Kasalanan ko to!! Narinig ko kasi na ginising nya ako kagabi para mag cr kaso sobrag antok ako kaya di ko pinansin. Pasensya na!!" Iyak ni Pia.
"Gosh Pia! Alam mo ikaw talaga yung tingin ko na killer eh! Ang galing mo kasing magpanggap!" Taray na sabi ni Tina. And here we go again.
"Ako? Ako na naman? Lagi nalang ako ang pinagbibintangan niyo! Eh kung alam ko lang na mangyayari to kay Chiara edi sana sinamahan ko nalang siya non!" Paliwanag ni Pia.
"Stop! Ngayon pa talaga kayo mag aaway-away na kita niyo naman sguro na nawalan na tayo ng kaibigan!" Awat ni Blaire.
"Mag papel guys!" Pinulot ni Tyler ang papel na naka ipit sa katawan ni Chiara. At binasa ito..
Tsk tsk sabi ko naman sainyo na laruin at TAPUSIN niyo yung laro. Look what happened now? Ang tanga lang talaga ng narrator niyo eh noh? Sana inisip niya nalang na tapusin yung laro since she's the one who is responsable sa game.
Chiara Delos Santos your game is over.
"Seryoso ba yang killer na yan?! Ghad nakaka stress sya! Kita niya naman sguro na wala tayo sa mood kahapon para mag laro! Argh!" Reklamo ni Tina.
BINABASA MO ANG
The Killer Game
Mystery / ThrillerNag simula sa isang masayang laro, na napunta sa galit, asaran, pikonan, at mga secretong kailangang itago ay kanilang ibinulgar. The Killer Game Find the...Killer Inspired by Bloody Crayons Date Written: September 2019 Date Finished: May 2020