Epilogue
BELLA's POV
"Anak? Anak? Gising na!"
Napabangon agad ako sa gulat. Hinihingal ako. Puno ng luha ang mga mata ko, At puno ng pawis ang mukha ko.
Bu-Buhay ako?
"Anak?? Ano bang nangyari sayo ha? Natulog kalang naman tapos pawis na pawis kana.." sabi ni Mommy habang pinupunasan ang mukha ko. Nakatunganga lang ako.
Nanaginip lang ako?
"..Umiiyak kaba anak? Ano bang nangyari sayo? May napaginipan kaba?" tanong ni mommy
"I-Im okay, Mom." walang emosyon na sabi ko. I still can't believe it na buhay ako. Na hindi totoo lahat ng yon.
"You sure anak?" Tumango lang ako. "Osige mag handa kana at baka malate ka sa school." hinalikan muna ni mommy yung noo ko bago umalis sa kwarto ko.
—
Pagkatapos kong maghanda, pumunta agad ako sa school, at agad akong pumunta sa classroom.
Napangiti ako ng nakita ko ang mga barkada ko. Masaya sila, nagkekwentuhan. At mas lalo akong napangiti ng nakita ko sina Blaire at Zoey na nagkekwentuhan.
Panaginip nga lang lahat ng iyon.
"Oy Bella! Ang tagal mo naman ngayon?" sabi ni Renz. Ngumiti lang ako sakanya at pumunta sa upuan ko, sa tabi ni Blaire.
"You okay, Bella?" Tanong ni Blaire ng nakita niyang umupo ako.
Tumango ako at ngumiti. Napatingin ako sakanilang dalawa ni Zoey..
"Hi-Hindi naman kayo mag kapatid diba?" Tanong ko sakanilang dalawa.
Biglang natawa si Blaire at Zoey sa tinanong ko. "Ano bang pinagsasabi mo dyan? Kakaloka ka girl." sabi ni Blaire habang natatawa.
Okay. Nag mukha akong tanga don.
Ngumiti nalang ako sakanila. Panaginip nga lang yon. Okay sila, safe ang mga kaibigan ko, masaya sila, masayang masaya.
Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko at hinalikan ang noo ko. Pag lingon ko.. Si Dylan.
"Goodmorning, love." bati niya habang nakangiti.
Ewan ko ba't naawkward ako siguro dahil doon sa panaginip ko hindi kami mag jowa. Gosh. Yung panaginip nayun parang ilang araw nangyari.
"Goodmorning din, love" bati ko.
"Sana all!!" rinig kong sigaw nila James. Tumawa nalang kami ni Dylan.
Ang saya ko na makita silang buhay. Na walang nangyaring masama sa mga kaibigan ko.
—
Nang mag recess na, sabay sabay kaming magbarkada pumunta sa canteen at kumain habang nag kekwentuhan.
"Bili muna kami ni Tyler ng pagkain, kulang pa yung kinain ko eh." sabi ni Renz.
"Eh kung ikaw nalang bumili mag isa? Dinamay mo pa ako ha."
"Sge na Ty! Napaka tamad naman neto oh!"
"Hayst sige na nga."
Gosh ang saya ko na makita sila na kompleto. Gumagaan yung pakiramdam ko.
"Ay babe, pabili nalang ng water please" rinig kong sabi ni Tina kay Tyler.
"Sige babe"
Nang nakabalik na sina Tyler, balik ulit sa kwentuhan ang lahat. Ako lang ata yung tahimik eh. Di pa ako nakakapag move on sa panaginip ko.
"Huy Bella? Kanina kapa tulala diyan. Tapos kanina kapa tahimik, di panaman kami sanay na tahimik na Si Hannah lang naman yung tahimik dito eh." Sabi ni Chiara
"Kaya nga sis. Okay kalang ba?" tanong ni Pia.
Tumango ako. "Yes, Im okay. Very okay. Siguro masyado lang akong masaya ngayon na nakikita kong kompleto at masaya tayo." sabi ko habang ngumingiti.
"Drama neto" sabi ni Zoey.
"Ano bang nakain mo Isabella Claire?" tanong ni Blaire.
Natawa nalang ako sa mga reaksyon nila. "Okay nga lang kasi ako. Dont mind me okay?"
"You sure you're okay, love?" tanong ng katabi kong si Dylan.
"Yes, love. Okay pa ako sa okay." nakangiting sabi ko.
Tumango lang sya at ngumiti.
Okay kaming lahat. Walang nangyaring masama. At sisiguraduhin ko ngayon na wala talagang mangyayaring masama. I'll protect my friends.
"Oy guys, alam niyo ba may nakita akong game ngayon. And i think super fun siyang laruin." sabi ni Chiara. Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng nakarinig ko ang sinabi niya. Bumilis bigla yung kabog ng puso ko.
"Ano bayan Chia?" tanong ni Hannah.
"The Killer Game"
Fuck. No. Please, No.
"Ows? Sge nga try natin ya—" naputol ang sinabi ni Renz ng bigla akong sumingit.
"NO!!" Napatayo ako at napasigaw.
Nagtaka yung mga mukha nila.
"Bakit, Bella?" tanong ni Tina.
"Ahmm.. Ano.. Baka malalate na tayo sa next subject natin.. Balik na tayo sa room? Atsaka, mukhang hindi maganda laruin yang game nayan so wag nalang...please??" gosh ang awkward tignan ng mga reaksyon nila parang na wiweirdohan sila sakin.
"She has a point tho. Tara na baka malate tayo eh." sabi ni Pia.
Nakahinga ako ng maluwag ng sumang ayon silang lahat sakin.
—
Nangnakabalik na kami sa room. Medyo gumaan na yung pakiramdam ko.
"You're acting weird today, love." Sabi ni Dylan.
"No im not, love. Ayoko lang may mangyaring masama sainyo." Ngumiti ako.
"What do you mean?"
Umiling ako. "Nothing, love. Don't mind it."
"I love you okay?" sabi niya at hinalikan ang noo ko.
"I love you too, love. Mahal ko kayong lahat."
"Naks buti naman nasama kami dyan sa Love love niyo HAHAHAHAHA" Pota narinig pala ni James pag uusap namin ni Dylan.
"Gago ka talaga" natatawang sabi ko.
Nagtawanan lang kaming lahat. Masaya kami. Walang Problema. Kompleto at Masaya.
END :)
BINABASA MO ANG
The Killer Game
Mystery / ThrillerNag simula sa isang masayang laro, na napunta sa galit, asaran, pikonan, at mga secretong kailangang itago ay kanilang ibinulgar. The Killer Game Find the...Killer Inspired by Bloody Crayons Date Written: September 2019 Date Finished: May 2020