Chapter 2: Old Friend
BELLA'S POV
Naglalakad lakad muna kami ni Dylan, at Blaire sa mall. Habang yung iba ay pumunta sa Arcade para mag laro.
"Ahmm Bella may itatanong lang sana ako" -blaire.
"Oh?"
"Sino yung Zoey na sinasabi nila kanina?" Tanong ni Blaire.
Ngayon na school year kasi, new student si Blaire then naging close sya samin kaya ayun napabilang sya sa barkada namin, kaya hindi niya kilala si Zoey.
"Old Classmate, Old Friend" sagot ko.
"Bakit sya nawala?"
Tumigil muna ako sa paglalakad at sumunod naman sila.
"Hmm di ko rin alam. Basta bigla nalang syang nawala. And just dont mind Zoey okay? Hayaan mo nalang. And besides, ayaw ko talagang pag usapan si Zoey eh." Sagot ko.
"Aw ganon ba, sorry curious lang" sabi ni blaire. Ngumiti lang ako sakanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
__
Naisipan namin na puntahan sina Chiara sa Arcade.
Pagkadating namin doon, nakita namin sila sa KTV kung saan kumakanta sila. Pumasok kami doon at tumabi ako kay Chiara.
"HANGGANG SA DULO NG ATING WALANG HANGGANNNN.." pagkanta ni James.
"Pangit ng boses mo!! Boo!" Pag aasar ni Renz.
Tumigil sa pagkanta si James. "Wow naman ha kala mo ang ganda ng boses mo?!" Sabi niya.
"Pikon na pikon james? HAHAHAHAH" sabi ni Renz.
Habang kumakanta sila, biglang tumabi sakin si Pia at sumandal sa balikat ko.
"Na miss ko na si Zoey" bulong nya sakin. Inalis niya yung pagsasandal sa balikat ko.
"Seroiusly? Hanggang ngayon siya parin yung bukambibig niyo?" Reklamo ko. Ayaw ko na kasing maalala si Zoey, parang na dissapoint talaga ako kay zoey dahil bigla nalang siyang nawala na parang bula.
Napatigil sila sa pag kanta ng marinig ang reklamo ko.
"Hindi naman sa ganoon Bella, sadyang mahilig rin kasi si Zoey sa pagkanta kahit di siya ganoon ka galing kumanta." Pagpaliwanag ni Pia.
"Ewan ko sainyo, sure naman ako na kinalimutan na tayo nung Zoey na yun" sabi ko.
"Bella naman, wag ka namang ganyan." Sabi ni Chiara.
Huminga ako ng maluwag. "Sorry" sagot ko.
Tumabi sakin si Dylan at pinagaan ang loob ko.
"Okay ka lang?" Bulong ni Dylan
"Oo. Sorry sa mga sinabi ko. Di ko lang matanggap na iniwan tayo ni Zoey ng ganon ganon nalang" sagot ko.
"I understand."
__
4:05 pm
Naka uwi nako sa bahay. Agad akong pumunta sa kwarto ko. At umidlip ako saglit.
6:18 pm
Nagising ako ng nag vibrate ang cp ko pagka open ko neto may nag message pala sa gc namin.Sophia Mae Gomez- Guys, La Coriña yung name ng place.
Isabella Claire Cortes- So kailan na talaga yung final na date para sa gala natin?
Lawrence Conner- Bukas.
Isabella Claire Cortes- Grabe bukas agad?
Lawrence Conner- Para mas masulit natin diba?
Chiara Delos Santos- I agree with Renz. Mas masusulit natin yung lugar na yon if matagal tayong mag stastay doon. So maybe mga 2 weeks tayong mag stastay doon since 2 weeks naman din yung bakasyon natin. Ano okay ba kayo don?
Sophia Mae Gomez- I agree!!
Lawrence Conner- I agree din!
Isabella Claire Cortes- Okay so final na na bukas na tayo gagala sa La Coriña. Mag prepare na kayo dyan magkikita tayo sa bahay nina Hannah bukas. Ako ng bahala mag kumbinsi sa parents ni Hannah.
Lawrence Conner- Yes boss!
Hannah Marie Valencia- Thankyou guys especially to you, Bella!
Isabella Claire Cortes- You're Welcome!
Nag empake na agad ako ng mga gamit ko since 2 weeks naman kami mag sta-stay doon marami-rami din talaga tong dadalhin ko.
If natatanong niyo kung papayagan ba ako ng parents ko ng ganitong gala? Well yes, hinahayaan lang naman nila ako since di na naman ako bata. 18 years old na kami nina Blaire at Dylan habang yung iba naman ay 17 pa lamang.
Nang natapos na akong mag empake, agad akong nagpahinga. Maaga pa ko gigising bukas.
BINABASA MO ANG
The Killer Game
Mystery / ThrillerNag simula sa isang masayang laro, na napunta sa galit, asaran, pikonan, at mga secretong kailangang itago ay kanilang ibinulgar. The Killer Game Find the...Killer Inspired by Bloody Crayons Date Written: September 2019 Date Finished: May 2020