Chapter 11: Hair
BELLA'S POV
12:15 pm
Lunch Time. Well obviously nasa kusina kami ngayon, kumakain. Tahimik lang kami. Di tulad ng dati, masaya.
Bawas-bawas na kami ngayon. May mga upuan na bakante. Ika limang araw na namin ngayon sa lugar na 'to. Makakaabot pa kaya kami hanggang next week? Kakayanin kaya namin? Ika limang araw, walong magkakaibigan nalang ang natitira.
Bigla akong natauhan ng narinig kong tumatawa na sila. Masaya sila.
"Gago Renz! HAHAHAH" tawa ni Tyler.
Di ko alam kung bakit sila tumatawa. Kanina pa kasi ako naka tunga-nga kaya di ko na babantayan ang mga sinasabi nila. Pero nakakaginhawa sa pakiramdam ng makita silang masaya. Yung parang walang problemang hinaharap.
Di ko napansin na naka ngiti ako habang pinapanood silang nag uusap ng masaya.
"Ang saya mo ata?" Biglang sabi ni Dylan sakin.
"Im just happy na happy kayo." Sagot ko habang naka ngiti.
"Masaya rin ako na nakikita kang masaya" and here goes my heart again. Lakas ata ng kabog ng dibdib ko? Ugh.
"Sana ganito lang lagi." Bulong ko sa sarili.
__
4:56 pm.
Naisipan kong tumambay sa kwarto. Yung iba? Nasa labas ata.
Kinuha ko yung cellphone ko. And yes, wala paring signal. Di din kami makaka hingi ng tulong dito dahil wala masyadong mga taong naka tira. Kung meron man, malayo-layo naman sila. Gustong gusto ko na talaga maka alis sa lugar na 'to kasama ang mga kaibigan ko. Yung totoo kong mga kaibigan.
At dahil wala naman akong magawa sa phone ko inopen ko nalang ang gallery. Ang app sa phone kung saan nandodoon ang mga masasayang alaala mo.
Napangiti ako ng nakita ang isang picture. Si Zoey. Kasama pa namin siya nong panahon na 'to. San na kaya siya? Still, tinatanong ko parin sa isipan ko kung bakit iniwan niya kami bigla. Di man lang siya nag paalam. At yung parents niya ngayon, lumipat na sa ibang lugar. Nakakamiss. Nakakamiss siyang makasama.
Si Zoey. Siya yung klase ng kaibigan na sobrang masayahin. Di ko nga alam kung may problema bayun kasi lagi lang yun naka ngiti eh. Pero di masyado siya nag oopen up saamin, kaya wala kaming ideya kung may poblema ba sya o wala.
Sobrang close saamin si Zoey. Pinaka close niya talaga ay sina Pia at Chiara. Sila yung lagi niyang kinakausap. Well, close rin naman kami pero iba yung closeness nila nina Pia eh.
"Bella?" Napalingon ako sa pintuan ng may tumawag saakin. Si Dylan pala.
"Oh?"
"Ba't ka mag isa dyan?" Tanong niya.
"Wala. Naisipan ko lang mag isa. Ikaw? Ba't ka naparito?"
"Wala lang din. Nagtaka kasi ako ng wala ka sa labas." Sagot niya. Ba't parang ang awkward ng pag uusap namin? Argh.
"Ah ganon ba"
"Tara sa labas?" Aya niya. Tumango lang ako at binalik ang cellphone ko sa bag.
__
KILLER'S POV
Nandito kami sa sala ngayon. Kakalabas lang ni Bella at Dylan galing sa kwarto mukhang pinalabas ata ni Dylan si Bella.
Napatingin ako sa wall clock, tangina naman. Ang tagal mag 7 pm. Gustong-gusto ko ng pumatay eh.
Kung natatanong niyo kung bakit 7 pm ako mismo pumapatay? Wala lang para may twist, para mas enjoy. Kasi pwedeng-pwede naman ako pumatay anytime eh. But gusto ko may twist kaya ayon.
BINABASA MO ANG
The Killer Game
Mystery / ThrillerNag simula sa isang masayang laro, na napunta sa galit, asaran, pikonan, at mga secretong kailangang itago ay kanilang ibinulgar. The Killer Game Find the...Killer Inspired by Bloody Crayons Date Written: September 2019 Date Finished: May 2020