Chapter 3: La Coriña

367 12 3
                                    

Chapter 3: La Coriña

BELLA'S POV

Maaga akong gumising dahil maaga akong pupunta kila Hannah para mag paalam sa parents niya. Ang plano kasi namin ay dahil naka empake na si Hannah tapos kaibigan pa nya ang mag papaalam at ngayon na agad kami aalis, parang no choice na yung parents niya kundi payagan nalang siya.

Agad kong hinanda ang mga gamit ko. At pinuntahan ko sila mommy sa baba.

"Mom,Dad, alis na po ako." Pag paalam ko.

"Sige anak mag iingat kayo ha. Text mo lang kami if may kailangan kayo." Sabi ni Mom.

"Yes mom" sagot ko at bumeso ako sakanila.

Nagpahatid ako kay Dad papunta kila Hannah, pagkarating ko roon, sinalubong agad ako ni Hannah.

"Bella! Kinakabahan ako! First time ko kasi tong mag punta sa malayong lugar tapos di ko pa kasama parents ko." Sabi ni Hannah.

Only child lang kasi si Hannah kaya sobrang strict ng parents niya.

"Dont worry, ako naman yung mag papaalam eh hindi ikaw."

Pumasok kami sa loob ng bahay niya at sinalubong kami ng Daddy ni Hannah.

"Oh Bella? Ba't ka napapunta dito?" Tanong ng dad niya.

"Ahmm Hi po tito, may ipapaalam lang po sana ako sainyo."

"Ano yon? At bakit ang dami mong dala, bella?" Tanong ulit ng dad nya.

"Pupunta po kasi kaming mag barkada sa La Coriña, ipapaalam ko lang po sana si Hannah."

"La Coriña? Ang layo non ah? Kailan ba kayo aalis?"

"Ngayon na po."

Agad na pa ubo ang Daddy ni Hannah.

"Jusko po. Ilang araw kayo mag tatagal doon?" Tanong niya ulit.

"2 weeks po tito."

"Ba't naman ganoon ka tagal, hija?"

"Para mas masulit po namin yung lugar at mas masusulit din po namin yung bond namin."

"Dad pleaseee! Minsan lang naman to eh!" Pag mamakaawa ni Hannah.

"Sigesige. Ako na bahalang mag sabi sa mommy mo since tulog pa naman siya."

"Thanks dad!" Agad niyakap ni Hannah ang daddy niya.

YES SUCCESS!!

Agad kong kinuha ang phone ko at nagtext sa gc namin.

Isabella Claire Cortes- Guys, Success tayo! Pinayagan na si Hannah. San na kayo?

Valentina Gonzales- Coming..

Lawrence Conner- Nandito

Isabella Claire Cortes- Ha? Nandito? Saan ka?

Lawrence Conner- Nandito pa sa kama.

Valentina Gonzales- Di ka talaga matinong kausap Renz noh? Tumahimik ka nalang kaya.

Lawrence Conner- Ay sorry naman.

Napatigil ako sa pagbabasa sa gc ng biglang may tumakip ng mata ko sa likod.

"ARGH! SINO TO?!" sigaw ko. Nasa labas ako ngayon ng bahay nila Hannah. So ok lang na sumigaw ako.

"Secret" yung boses palang na yon nakilala ko na agad kung sino.

The Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon