Chapter 13: Lockscreen
BELLA's POV
"Should we continue the game?" Pia asked
"Wag nalang sguro. Baka may mas malala pang mangyari naikakasira ng barkada" sagot ni Blaire.
Napatingin kami kay Tina ng tumawa siya ng nakakaloko. "Pinopoblema mo pa talaga yan? Eh alam mo naman siguro na sirang-sira na ang barkadang ito!!" sabi ni Tina
She's right. Sirang-sira na.
"I know, Tina. Pero sana nga wag lang natin palalain ang sitwasyon." tahan na sabi ni Blaire
"Okay sige tama na." sabi ni Hannah
—
Naisipan kong umakyat sa taas at pumunta sa balcony sa taas. Buti pa kasi doon nakakarelax.
Ang sarap ng hangin, nakakaginhawa sa pakiramdam.
Ngunit, nagtaka ako ng nakarinig ako ng tunog na nanggagaling sa library dito sa taas. At dahil sa curiosity, pinuntahan ko ang library.
Pagkapasok ko doon, parang may naramdaman akong kakaiba. Kinakabahan ako.
"M-May tao b-ba di-dito?" nauutal na sabi ko.
Habang naglalakad ako sa loob ng library na 'to. Napunta ako sa lugar kung saan may mga papel, maraming papel, at iba iba ang klase ng papel na ito.
Shit baka ito yung ginagamit ng killer.
Pinulot ko ang mga papel, at tinignan ito. Wala pang sulat ang mga papel, sure ako na ito ang ginagamit ng killer sa mga letters na binibigay niya saamin tuwing may pinapatay siya.
At mas lalo akong kinabahan ng nakarinig ako ng tunog galing sa pintuan.
"He-hello?" sabi ko
Nakita kong dahan dahan na lumalapit ang anino ng isang tao papunta saakin. Shit.
Pinikit ko ang mata ko dahil sa kaba. Ng naramdaman kong nasa harapan ko na siya.
"Bella" tawag niya
Binuksan ko ang mga mata ko at..
"P-Pia? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Wala. Nabobored kasi ako sa baba kaya naisipan kong pumunta dito but then, naka rinig ako ng boses galing dito sa library kaya pumasok ako dito" sabi niya
Napahinga ako ng maluwag. Buti nalang talaga.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong niya
"Wala din. Actually, naka rinig ako ng tunog dito kanina. And i saw these papers here" inabot ko sakanya ang mga papel na nakita ko. "Mukhang ito yung papel na ginagamit ng killer"
"Then?"
"Wala lang. Basta sure na ako na isa sa ating pito ang pumapatay." sagot ko. "Tara balik na tayo sa baba?" aya ko. Tumango naman siya at lumabas na kami sa library.
Pagkabalik namin sa sala nakita ko si Dylan na kakalabas lang sa kwarto nila. Tumingin siya sakin, tumingin rin ako sakanya so nagkatinginan kami hmp.
Pero agad siyang umiwas ng tingin. Gusto ko siyang kausapin. Di dapat kami ganito eh lalo na ngayon na may pinagdaraanan kaming magbarkada.
Tinignan at binantayan ko talaga ang kilos niya. Ng naka upo na siya sa sofa, naisip kong lapitan at kausapin siya, kaso naisip ko lang yun, di ko pa ginagawa. Argh ang hina ko na talaga lately.
"Huy!" Pangbibigla ni Blaire saakin.
"O-oh?"
"Alam mo, kung ako ang nasa posisyon mo, Kakausapin ko siya." seryosong sabi niya saakin.
Huminga ako ng malalim. I need to talk to him. Lumapit ako sa kanya at tumabi.
"D-dylan" tawag ko. Lumingon din naman agad siya. At tinaasan ako ng kilay. "U-Uh ano kasi.. I just want to say sorry kung nasaktan man kita." dagdag ko.
Nakita kong ngumiti siya. "It's okay. Di mo naman kailangan mag sorry. Di mo naman kasalanan na di moko gusto." sabi niya.
Putangina lang Dylan! Gusto kita!! Bakit ba di ko kayang sabihin yon sayo?
Napayuko ako. "S-Sorry kung ang duwag ko." bulong ko sa sarili ko.
"Ano?" shit mukhang narinig niya.
"Wala." sagot ko.
Ngayon palang duwag na ako paano ko nalang haharapin ang mga susunod na mga mangyayari saamin?
—
HANNAH's POV
It's already 1:03 pm. And nandito ako ngayon sa kwarto namin. Gusto kong mag imbestiga dito. Inopen ko ang mga cabinet dito at nag imbestiga. Gusto ko ng tapusin tong kalokohan na to.
Kung kailan pinayagan akong sumama sakanila, doon pa nagkakagulo. Ganon nalang ba talaga ka malas ang buhay ko?
At dahil wala akong nahanap sa cabinet. Naisip kong what if sa mga bag nila ako maghanap? Pero nakakaguilty rin kasi if gagawin ko yun. Ugh bahala na.
Una kong binuksan ang bag ni Tina at hinanap ko ang cellphone niya. Baka sakali lang may kakaiba dito. Pagka open ko sa cp niya ang nasa lockscreen niya ay ang picture nila ni Tyler. But then di ko ma open dahil may password. Binalik ko na yung cp niya sa bag since wala naman akong mahahanap dito.
Next bag na inopen ko ay kay? Kaninong bag ba to?
Binuksan ko nalang ito at hinanap ang cellphone, ng nakita ko ang phone, di ko naopen agad ang phone niya dahil naka power off ito, ng na open ko na ang lockscreen niya ay naka collage ang picture, ang isa ay picture ng barkada at ang isa ay.. shit..Picture niya na kasama si...
Kinabahan ako bigla, di ko alam kung ba't ako kinabahan. Agad kong binalik ang cellphone niya sa bag ng nakarinig ako ng sigawan sa labas.
BELLA's POV
"SINO??! S-SINONG MAY GAWA NON KAY TYLER? BAKIT DI PARIN KAYO UMAAMIN?! PUTA!!!" Sigaw ni Tina habang umiiyak.
Bigla nalang siyang nag wala kanina, di niya parin tanggap na wala na si Tyler.
"ALAM NIYO BA GAANO KASAKIT MAWALAN NG MAHAL SA BUHAY?! SIYA NALANG YUNG NATITIRANG TAO NA TOTOONG MINAMAHAL AKO TAPOS MAWAWALA SIYA NG DAHIL SA GAGONG BAKASYON NA TO?!!!!"
Nakita kong kakalabas lang ni Hannah sa kwarto narinig niya siguro ang mga sigaw ni Tina. Agad napa tingin ng masama si Tina kay Hannah.
"IKAW? ANG TAHI-TAHIMIK MO! BAKA MAY KINALAMAN KA SA PAGKAMATAY NI TYLER?! BAKA MAY DEMONYO KANG TINATAGO DIYAN!! TELL ME!!!!" sigaw ni Tina kay Hannah.
"Ako? Wala naman akong ginagawa ha?" sagot ni Hannah. Gosh nababaliw na talaga si Tina.
"PUTA NAG MAANG-MAANGAN KA NA NAMAN!!" sigaw ni Tina.
"Tina ano ba! Kung sino-sino nalang ang pinagbibintangan mo!" Sabi ni Blaire.
"PAKEALAM MO HA? EH KUNG IKAW PATAYIN KO?! TIGNAN NATIN MAGIGING REAKSYON MO!"
Gosh Tina. Please stop.
"Tina!" awat ni Renz
"So immature of you, Valentina. Di nakakatulong yang pagbibintang mo saamin." sabi naman ni Pia.
Di na nakasagot si Tina. At umiyak ng umiyak nalang siya.
"So-Sorry. I can't accept it lang na w-wala na si Tyler. It's so hard to accept it lang." hagulgol na sabi ni Tina.
"Guys!" tawag ni Hannah saamin. Di ko alam kung bat ako kinabahan ng biglang nagsalita si Hannah, minsan lang kasi siya nagsasalita. at nagsasalita lang siya if may importante siyang sasabihin. Napalingon kami sakanya at naghihintay sa susunod niyang sabihin.
"May ideya na ako sa killer. But im not still sure kung siya ba." sabi niya.
"Sino?" tanong ko.
"U-uh i cant tell you pa cause im not sure pa nga eh. Pero 60% sure ako na posibleng siya ang killer. May ideya na din ako sa dahilan kung bakit siya pumapatay. Im not 100% sure nga lang." sabi ni Hannah.
"Sino nga! sabihin mo na!" pagpipilit ko.
"She's here with us now." -Hannah
BINABASA MO ANG
The Killer Game
Mystery / ThrillerNag simula sa isang masayang laro, na napunta sa galit, asaran, pikonan, at mga secretong kailangang itago ay kanilang ibinulgar. The Killer Game Find the...Killer Inspired by Bloody Crayons Date Written: September 2019 Date Finished: May 2020