Celes' Point Of View
Nandito na kami nila Shane sa canteen, and you know what? Nag-order lang naman si Chan ng sandamakmak na pagkain and she said that treat niya daw ito sa amin for some reason
Maybe nag ce-celebrate na siya dahil mission accomplished siya kay Kian sa paglagay ng dalawang bubble gum sa upuan niya
Napailing nalang ako dahil sa babaw nun.
I searched a lot about Kian and I also found out na wala siyang records sa pinag-aralan niya sa Biñan. I asked some guy to do that research at sabi pa nito na tamihik lang si Kian na estudyante roon at halos allergic din sa mga tao.
He's rich. Sikat din daw siya sa school nila noon syempre pati na din dito. Hindi mo kasi maipagkakaila na may maipagmamalaki siya sa itsura kaya kahit noong nag transfer siya dito ay pinagkakaguluhan pa din siya
"Right Celes?"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Shane at mukhang hinihingi ang pagkumpirma ko sa di ko alam na dahilan kaya tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa gusto nito dahil hindi ko din naman alam kung ano 'yung pinag-uusapan nilang dalawa
Nilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang grupo nila Kian pero wala ang lalaki duon
Nandun din si Ella na kaklase namin. Ang alam ko'y same school din sila ng pinanggalingan pero hindi sila magkakilala noon. Napunta naman sa iba ang tingin ko. He's...umm Justin I think? Di ko maalala pero yun ang pagkakaalam ko
Halos magkanda-buhol buhol naman yung mga bulate ko sa tiyan nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya
Nakakahiya!
May kung anong naramdaman din akong kakaiba sa tiyan ko kaya nag-iwas nalang ako ng paningin ko sa kaniya
Kinuha ko yung fries at burger para ma-divert sa iba ang atensyon ko dahil hindi pa din ako makagalaw ng maayos dahil sa panginginig ko
"Are you okay Celes?" Chan asked me habang nakakunot ang kaniyang noo at nakatingin sa kamay kong may hawak na isang pirasong fries at sa kabila naman ay ang burger na kinuha ko
"O-Of course" I answered uneasy. Shit! Why did I stuttered?
"I see" She said at napalingon din sa table nila Kian at nakita namin ni Shane ang pag-kunot ng noo nito
"Why Chan?"
Bumalik agad ang tingin ni Chan sa amin "Nothing" She answered then carefully poured the water into her glass.
Hindi ko nalang sila pinansin at inubos nalang itong pagkaing kinuha ko at uminom nalang din ng coke na nakahanda din sa harap namin
"Kyaahhh ayan na siya!!"
"Ang gwapo niya sheeet kahit mukhang haggard na haggard na"
"Oh my geee, mukhang good mood na good mood siya, look!!"
"Girls! Kailangan ko pa bang magretouch? Look at me guys? Maganda pa din ba ako?"
"Waaa basta akin si fafa Oliver"
"Kyaaahhhhh si bebe Justin ang sa akin"
BINABASA MO ANG
My Enemy
Teen Fiction"LOST TIME IS NEVER FOUND AGAIN" Date Started: August 12, 2019 Date Finished: January 14, 2021 [No portrayer intended]