Nathalie Chanell's Point Of View
Nanghinayang ako sa pagkakataong yun nang pagmasdan ko silang nakiupo sa kanilang kakilala
Tsk, I don't share pala ah? Ang sabihin mo, mataas lang talaga ang pride mo dahil sa pinakamagandang babae ka makiki-table hmft. Kung maramot ka pala'y ano nalang ang tawag sa akin? Sakim?
Kumain lang talaga ang ginawa ko at hindi na nakipagdaldalan pa. 5 minutes nalang magta-time na kaya agad kong inubos LAHAT ng inorder kong pangwalong katao. Sabi ko naman sayo eh! I'M NOT HUNGRY, I'M STARVING! That's why!
May minsan pang titignan ko sila Santita sa gilid ng mata ko at nahuhuli ko silang nagtatawanan kasama yung mga may ari ng pwesto
Kasalukuyan pa din namang nandito sina Justin, Oliver at Erick. Pareho ding kumakain at nagkwekwentuhan.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at lahat sila'y napansin kong masaya kaya naman wala sa sariling napatayo ako kaya napatingin sa akin ang mga kasama ko and they pointed their worrying eyes at me.
"Punta lang ako sa locker, tapos punta nalang kayo sa room. 2 minutes nalang din kasi" Paliwanag ko. Binilisan naman nilang kumain dahil sa sinabi kong natitirang oras
Lumabas naman na ako sa canteen at nagtungo sa locker na may hindi naman kalayuan dito sa canteen
Nang makarating ako'y mabilisang palit lang din ng notes ang ginawa ko at nahagip ng mata ko ang worksheet ko na iba't ibang column
Tsk! Akmang isasara ko na ang pinto ng locker ko nang biglang may napansin akong bultong kakadating lamang
Hinayaan ko nalang ito at nilock na ang locker ko. Akmang aalis na ako ng marinig ko pa ang boses nito...
"Hi" Boses babae. Nakakunot nuo naman akong lumingon dito pero sa pagkakataong iyon ay wala akong bultong nakita. Pinalibot ko ang mga mata ko at pumunta sa kaduluduluhan pero walang taong naroroon
Agad akong kinilabutan sa kaba. Nagmadali na akong lumabas dun upang makapunta sa ABM building. Paniguradong late na ako nito. Iwinaglit ko nalang yun sa isip ko dahil baka praning lang talaga ako
Nasa fourth floor pa man din yung room ko tsk. Sasakit na naman ang mga binti ko dito. Sina-suggest ko ngang palagyan ng elevator pero pinag iisipan pa nila Lolap
Malapit na, malapit na talaga. Nakasanayan ko kasi na dito dumaan eh kaya ayan ang napapala ko. Magkabilaan ang hagdan nito at kapag nakaharap ka sa building ay sa kaliwa yung bandang room namin dahil dulo to dulo nga diba? Pero sa kanang hagdan ako nasanay dumaan
Inshort, madadaanan ko pa yung four classrooms bago ako makarating sa room ko. At nung binuksan ko na nga'y...
NAGDIDISCUSS NA SI MISS ABBY!
"Im sorry Miss, I'm late" Tugon ko. Mabait si Miss Abby kaya naman tinanguan lang ako nito at hindi na binigyan ng detention slip.
Agad akong nagtungo sa aking upuan at nakinig. Review-review nalang ngayon dahil exam na namin bukas
Hayst semestrial break naaaa!!! Ano kayang magandang gawin sa isang linggong bakasyon na 'yun?
Vacation in...
"Chan workbook mo" Si Celes. Natauhan ako dahil sa sinabi nito. Yes, hindi ko na kalapit yung pangit na 'yun. Kahapon lang bago mag-uwian kami nagdecide para sa new sitting arrangement namin. Kung dati kasi ay nasa harap ako at pangatlong upuan. Ngayon naman ay nasa likod na 'ko dahil naaalibadbaran ako sa harap at kitang-kita ko ng malinaw ang pagmumukha ni Tanda. Sakto namang palipat-lipat na din ng seats itong mga classmates ko kaya napagkasunduan ng mga itong choose your own seat nalang kaya heto at pinaggigitnaan na ako ng dalawa
BINABASA MO ANG
My Enemy
Teen Fiction"LOST TIME IS NEVER FOUND AGAIN" Date Started: August 12, 2019 Date Finished: January 14, 2021 [No portrayer intended]