Chapter 28

627 51 6
                                    

Kian Luis' Point Of View

Nagulat ako nang may makabanggan ako dahil sa kamamadali ko

Damn! Late nako!

Paglingon ko ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Hinila ko ito papalapit nang akmang matutumba na siya dahil mukhang mawawalan na ito ng balanse

"KIAN?" Gulat na tugon nito kaya napatitig ako sa kaniyang magagandang mata.

Hazel!

I still can't forget the first day I stared at her closely and saw her beautiful eyes. Why is it that every time I bump into someone it is always her? Is destiny so aware that we don’t like each other?

I lowered my gaze to her sharp nose that better suited her face. And her reddened lips na bahagya pang nakaawang dahil sa gulat ay parang hihilain ang mga mata mo papunta sa mga labi niya

Gulat itong kumurap kaya natauhan ako sa anumang iniisip ko. Muntikan ko pa siyang mabitawan dahil lumuwag ang pagkakahapit ko sa kaniyang likod

Dali-dali itong lumayo sa akin at natatarantang tumingin sa mga mata ko. Tinignan pa nito ang orasang pang-bisig at aligagang pinagpagan ang kaniyang bag at dali-dali din itong tumakbo na akala mo'y siya nalang ang late sa lahat ng estudyante sa BRIA

Napailing nalang ako dahil sa inasal nito. Hindi manlang nagawang magpaalam tsk

Wala sa sarili kong nagaya ang ginawa niya bago siya umalis at halos mapamura na ako dahil late na talaga ako. 7:54 AM na!!! Sa taranta ay dali-dali akong tumakbo papunta sa building namin na kay layo mula sa gate hanggang duon

Gusto kong magmura dahil talagang late na 'ko kahit pa magmadali ako, wala akong magagawa kundi tapusin ang exam ko ng tatlumpu't lampas na minuto

When it's a regular school day, our class starts at 7:00 and we go home at 5:30 in the afternoon. But when it's examination day, we starts at 7:30 AM and still go home at 5:30 in the afternoon

Laking pasasalamat ko nang matanawan ko na ang building namin, nakita ko pa si Natalya na panay ang takbo paakyat sa hagdan ng ikatlong palapag kaya kahit na pagod na pagod na ako'y dinalian ko pa din ang pagtakbo

Napakabilis naman niyang tumakbo?

Kalaunan ay nakita ko siyang bigla nalang umupo sa hagdan at tinignan ang kaniyang relos at biglang hihilamos sa mukha na parang lalaki kung mainis. Tumingin pa ito sa taas at natigilan ito tska muling hihilamos sa mukha.

Binilisan ko ang pagtakbo kaya ngayo'y tinatahak ko na ang unang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Parehas pala kami ng dinadaanan, madadaanan pa namin ang apat na silid sa dulo bago kami makapunta sa paroroonan namin

Nang makaakyat ako sa ikalawang palapag ay agad ko din tinahak ang ikatlo kung saan bigla nalang umupo si Natalya na hindi alintana ang suot niyang palda

May pakiramdam pa akong nakatingin sa gawi namin kaya naman napalingon ako sa taas na siyang nasa ika-apat na palapag at ayun si Questly, nakasandal sa pinto at nakatingin banda sa gawi namin, mukhang wala pa ang proctor nila dahil pakalat-kalat pa sila. Nakilala ko siya nuong first day pa, pero napapasin ko na siya nuon pa man sa Catarina National High. Umiling nalang ako at nginitian ko ito ngunit bigla din siyang tumalikod at pumunta na sa kanilang silid aralan na siyang nasa gitna dahil ikatlong silid ang kinaroroonan nila

Hinarap ko naman si Natalya na parang hindi pa ramdam ang presensiya ko kaya bahagya ko pang nilingon ang relos ko at halos mapamura na naman ako dahil alas otso na, kaya naman wala sa sarili ko itong kinalbit at tinawag

My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon