Nathalie Chanell's Point Of View
I don't like to be nice again. They're using it to get close to you, just like now.
"So you're so close na kay Kian gurl hah?"
"Oo nga, I thought you hate him and that Ella too?"
"She's nice na kasi"
"Oo nga, sige gurl ligo na kami huh"
Dati walang nakakalapit sa akin para kausapin ako dahil sa maldita daw ako. Porket nakita lang nilang kayakap ko si Kian kanina ay akala nila bumait na ako!
Gusto ko silang irapan isa-isa pero pinabayaan ko na lang. Nakakasira ng beauty yun nuh. I just want to be nice, just for tonight. Bawal ba yun? Na hayaan ko muna sila? Jeez!
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa gilid ng pool habang pinagmamasdan silang nagsasaya
Malawak 'tong pool namin kaya nandito lang ako sa pinakagilid at tinatanaw lang sila sa dulo. Ang iba naman ay nag-iihaw ng kung ano-anong hinahanda ng mga maid papunta dito sa garden
Barbeque, hotdog, fish, may mallows at marami pang iba. Lumapit ako banda dun kila Shane na siyang nangungunang mag-ihaw ng mga ito. Kumuha ako ng isang tuhog ng barbeque at hotdog pero napansin kong may lumapit sa akin
"Oh what happened to your face, Lie?" Shane asked me nang makaupo ako sa mga upuang nanduon
Di ko naman siya kinibo dahil may iniisip pa rin ako "Aww! Broken hearted ka din ba gaya nun?" Nguso nito kay Celes na nakasalampak sa blanket na nilagay niya sa bermuda grass. I return my gaze back to Shane then gave her a 'what-are-you-talking-about-look'
"HAHAHA" Sarkastiko nitong tawa. Napailing nalang ako dahil sa ginawa niya "I just noticed her after your Dad's party and you!" Turo nito sa akin at biglang nagseryoso
"You look like her. I mean, your emotions were blank, but I can still see the sadness in your eyes, those glints like Celes, that you have a problem" I just smiled bitterly to answer her because I really dont know what to say. She's right, I'm not in the mood pero yung problemang sinasabi niya na gaya kay Celes? No, I'm not!
"Hey, cheer up birthday girl. Don't mess up your party just because of your problems. Iniwan mo na dapat yan sa school kaninang umaga para di na sumama dito" Tumigil muna ito sa pagsasalita at hinarap ang kaniyang iniihaw. At mukhang may naalala pa yata ito kaya agad itong lumingon sa dereksiyon ko
"By the way, nakita mo na ba yung gift ko? It's cute isn't it? Hihi" She's being childish again
Tumayo ako pagkatapos kong ubusin yung barbeque na nasa kamay ko. Kinuha ko ang regalo nito na nasa iisang table lang ang pinaglagyan kasama ang ibang regalo na nanduon.
Agad namang nakuha ng paningin ko itong regalo niya sa akin dahil nga cheap wrapper lang 'to kumpara sa ibang regalong nanduon
"Slit it! Slit it now!" Excited? Eh alam naman na niya 'to kasi siya naman ang nagregalo sa akin eh psh
Unti-unti ko nang tinatanggal ang wrapper na nakabalot dito pero may na-realized ako. Aishhh masyado talagang kuripot ang mga 'to kapag regalo ang usapan. Five pesos lang kaya 'tong wrapper na nakapangbalot dito. Hindi manlang paper bag tsk, kayaman-yaman eh fifty pesos lang kaya ang paper bag sa mall na nakita ko ayst
"Oh, hindi mo pa nakikita ganiyan na agad ang mukha mo!" Inirapan ko naman ito bago nagsalita
"Wow hah, thank you talaga. Halatang masyadong mahal 'to eh, sa gift wrapper palang halata na. Di ko yata to afford, kaya di kayo bagay ni Vier eh"
BINABASA MO ANG
My Enemy
Teen Fiction"LOST TIME IS NEVER FOUND AGAIN" Date Started: August 12, 2019 Date Finished: January 14, 2021 [No portrayer intended]