Nathalie Chanell's Point Of View
Hindi ko na pinatapos yung klase dahil dun sa nangyari sa canteen kanina. Inatake na din ako ng kahihiyan dahil sa ginawa kong pagsigaw kanina
NAKAKAHIYA!
Kaya naman napagdesisyunan ko nalang na umuwi at hindi ko na din nakibo pa sina Mommy at Daddy kung bakit ako maagang umuwi. Wala pa akong kinibo mula kanina nung mangyari yun
Naaalala ko pa din kasi yung ngisi nung babae.
Nakakapangilabot!
Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ng biglang may kumatok dito
~KNOCK KNOCK KNOCK~
Si Mommy...Nginitian ko lang ito pero bakit parang mas malaki pa ang ngiti nito kaysa sa akin?
"Why are you smiling like that Mom?" I asked. Ngayon ko lang ito kinibo simula nung makarating ako dito sa bahay
"Get up baby, may bisita ka sa baba" Excited na aniya
She's being chilish again pero bisita? Sino naman ang bibisita sa akin eh wala naman akong sakit ah?
Hindi lang naman sakit ang dahilan kung bakit binibisita ang isang tao diba?
Para naman akong tangang tumango-tango pa para sang-ayunan yung iniisip ko
"Baba ka na baby ah? Magpe-prepare lang ako ng foods para sa meryenda niyo hihihihi" Humagikgik pa ito bago tuluyang umalis. Hayst, di bale nang ganito si Mommy kaysa naman yung napakaseryoso niya gaya kaninang umaga
Napaka-bipolar talaga tsk!
Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa taas ng TV at 5:33 PM na pala. Edi halos kakauwi lang nina Shane at Celes?
Malamang!
Ano naman kaya ang ginagawa nila dito at may pa bisita pa sila? Akmang pipihitin ko na ang door knob ko nang biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Napakunot nuo na lamang ako dahil sa weirdong nararamdaman ko
Naka-loose shirt lang ako at cycling. Magulo din ang buhok kong kulot at haggard pa ako masyado
AS IN HAGGARD! OILY FACE NA NGA, NO POWDER PA!
Hmm sila Shane at Celes lang naman
Nasa ikalawang palapag na ako ng bahay at isang palapag nalang para masungitan ko na sila dahil sa pa-bisita slash bwisita effect nila pero nagtaka ako kung bakit parang walang maingay? Mostly kasi maingay yung mga yun kahit nasa second floor palang ako ay dinig na dinig ko na ang mga boses nila mula sa baba
This is new!
Kamot-kamot ulo pa ako habang pababa pero di ko pa din nilingon yung sala dahil paniguradong nandun lang naman sila. Pero nakakapanibago na tahimik sila
Humikab pa ako at dahan-dahang lumingon sa sala habang matalim ang tingin ko pero...SHOCKSSS!!!
ANONG G-GINAGAWA NIYA DITO???
Asan sina Shane at Celes??????????
LETC—
*Ehem*
BINABASA MO ANG
My Enemy
Teen Fiction"LOST TIME IS NEVER FOUND AGAIN" Date Started: August 12, 2019 Date Finished: January 14, 2021 [No portrayer intended]