Chapter 19

849 79 2
                                    

Shane's Point Of View

"Gosh!! Hell week is coming!!" Reklamo ko. Paano ba naman kasi, kadaming requirements at dumagdag pa na exam na sa huwebes at biyernes

I'm so frustrated!

Bakit kasi ngayon lang nila in-announced?

May dalawang araw pa ako para hindi bumagsak pero sure ba akong makakapagreview pa ako sa lagay na yon? Ang dami kayang gagawin. Badnesss!!

"Really Bad" Sabi ko pa. Kasalukuyan akong nandito sa drinking fountain dahil feeling ko madede-dehydrate ako dahil sa narinig kong announcement na iyon na gamit ang intercom at kalat ang mga speaker na connected duon kaya naman rinig na rinig ito ng dalawang tainga ko!

Iniwan ko naman sila Celes sa quadrangle kasama sila Kian. Si Lie? Ayun di na namin mahagilap. Di ko pa nga nakikita yun simula nung umalis siya papunta sa Dean's Office eh

*Ting*

Bigla kong kinapa yung bulsa ng coat ko nang tumunog ang cellphone ko

Kinlick ko ang chat head na nagpop dito dahil sa messenger naman kasi nagchat itong babaeng ito

Nathalie Chanell Buenaventura
"Where are you?"
4:10 PM Received.

Shane Ryie Vicquerra
"Drinking Fountain"
4:10 PM Delivered.

Nathalie Chanell Buenaventura
"At sa tingin mo pupuntahan ko pa yung tatlong drinking fountain ng campus para lang mahanap ka?"
4:11 PM Received.

Shane Ryie Vicquerra
"Miss me na ba Lie?"
4:11 PM Delivered.

Nathalie Chanell Buenaventura
"Nope. Where the hell are you?"
4:13 PM Received.

Shane Ryie Vicquerra
"Ouch! It hurts! Aistt malapit ako sa quadrangle"
4:15 PM Delivered.

Sinadya ko talagang hindi magreply agad para inisin siya. Alam ko namang bugnot na bugnot na yun kahit two minutes lang ang hinintay niya

"Shane" Ayan na po siya. Liningon ko ito at kalmado naman ang mukha niya

Woaaahh kinabahan ako dun ah!

"Where's Celes?" She suddenly asked at hinanap pa ito sa paligid

"Wow! Ako ba talaga ang hinahanap mo o si Celes?" I asked sarcastically. Paano ba naman kasi, ako lang ang hinahanap niya kanina tapos si Celes naman na ngayon?

Tampo ak-"Aww" Masakit yun ah? Hinampas lang naman ako ng dragona. Bwisit talaga 'tong babaeng ito kahit kailan!!

"Bakit ka ba nanghahampas?!" Hinimas-himas ko pa yung parte ng braso ko na hinampas niya

"Don't pout, hindi bagay sayo" Anito at siniringan pa ako ng kaniyang mata. Tsk, tusukin ko yan eh!!

"You're so mean!" Sabi ko sabay irap sa kaniya. Aba ano bang problema nito? Pati pag-nguso ko sisitahin pa? Maka-irap pa wagas, kawawa naman ang kagandahan ko, naaapi lang ng dragonang ito.

My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon