Nathalie Chanell's Point Of View
Hindi ako makapag-focus dahil nasa isip ko pa rin yung sinabi ni Tita Erja kanina. Hindi ko alam kung bakit hindi matanggal-tanggal yun sa isip ko dahilan kung bakit hindi ko maintindihan yung nire-review sa amin ni Mrs Dela Cuesta
Oo si Tanda. Binalik siya nina Mommy at Daddy dahil nalaman nila yung totoong nangyari that time. Akala ko hahanapan nila ng bagong trabaho pero wala, binago na naman nila ang desisyon nila
Lutang na naman ako at paniguradong mapapagalitan ako ng tandang ito. Kinausap na siya nina Mommy at Daddy na tratuhin ako bilang normal na estudyante at hindi bilang apo ng may ari. No special treatment daw. Eh wala naman talaga in the first place psh!
Putol na ang dila ko pagdating sa kaniya dahil ayokong mapunta sa school na—eww whatever
Hindi na din ako makakapalag pa dito dahil masyadong delikado ang pag-aaral ko
I don't want to look poor so I have to get along with them. Normal na estudyante na lamang ako at limitado na lamang ang galaw ko dahil sa pinermahan kong kasulatan
Oo, alam na ng lahat ang tungkol duon at parang hindi na nila ako nirerespeto
Those bitch who's tryin' to annoy me? Back off! They'll regret hitting me
Nasa loob ang mga kulo nung mga luka-lukang iyon. Actually, I see them every day in every direction that I used to go
Tingin sila ng tingin nuon palang pero hindi ko napapansin yung matalim nilang mga tingin dahil ngayon ko lang na-realized yun dahil sa wala nang bisa yung titulo ko
"Miss Buenaventura"
Kapag isa ka kasing campus princess, campus queen o queen of this university ay tinitingala ka ng bawat estudyante. Pero ngayong wala na ay wala na ding respeto sa akin yung mga taong hate na hate ako nuon pa man
Dapat pala ay pinahirapan ko na yung mga yun nuon palang eh para naman na try nila, hindi yung panay si Ella at Kian lang ang sumasalo sa init ng ulo ko
"Miss Buenaventura!"
Lagot na ako kay Mommy at Daddy pag nangbully pa ako, bagsak public school ako at yuckkk!! I don't want that to happen
Nakakadiri! I can't imagine myself there
"MISS BUENAVENTURA!!!" Natauhan ako sa sigaw ni Tanda dahilan kung bakit impit na tumawa sa sulok ang mga plastic kong kaklase
"Are you with me?!! Kanina pa kita tinatawag at aba'y hindi ka manlang nalingon?" Galit na tugon nito
Kung gaya palang din sana nuon ay nasasagot ko pa siya pero ngayon para na akong pagong na nagtatago sa bahay nito dahil sa pagkakayuko
"Get your worksheet paper then do this one. You'll pass it before the time, begin!!" Sigaw nito. Nagulat naman ako dahil dun. Sheeett I hate analyzation—I HATE JOURNALIZING!!!!
Agad itong kumuha ng nakaphoto copy at nakapaloob dun yung 18 transactions na iaanalyze namin
Napalingon naman ako sa wrist watch ko at 20 minutes nalang bago mag time
Shit!
Tumingin naman ng masama yung tatlong mga makakapal na mukha kong kaklase and as usual, tinarayan ko lang ang mga 'to at hindi na pinansin pa
And then one thing I realized...
HINDI KO DALA YUNG WORKSHIT KO!!!
Bwisit naman talaga oo, kung minamalas ka nga naman. Dali-dali kong tinignan yung transactions at nahihilo na agad ako dahil dun
BINABASA MO ANG
My Enemy
Teen Fiction"LOST TIME IS NEVER FOUND AGAIN" Date Started: August 12, 2019 Date Finished: January 14, 2021 [No portrayer intended]