Nathalie Chanell's Point Of View
Gusto kong sumigaw pero nanghihina ako dulot sa pangyayari kanina at maging sa madilim na paligid na naranasan ko sa loob ng cubicle na 'yon
Nanlalaking mata lang ang nagawa ko nang makita ko ang nakasulat sa malaking salamin
"BLACK"
Biglang tumunog ang aking cellphone kaya naman kahit medyo hindi makagalaw ay pinilit ko pa ding tignan ito kung sino sa dalawa ang tumatawag at nakapaskil sa screen nito na si Shane iyon
Iniba ko talaga ang ringtone para sa kanila. The rest is normal ringtone at sa tingin ko ay ganun din ang ginawa ng dalawa para malaman namin agad na sa amin lang tatlo umiikot ang tawag na iyon
Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko at muntik pang end call button ang napindot ko dahil magalaw masyado ang mga daliri ko dahil pa din sa panginginig na nararamdaman ko.
"S-Sha—"
[Ano ba naman yan Lie!! Katagal mo naman mag CR! May LBM ka ba? Bakit di mo agad sa amin sinabi para nakabili na sana kami ng gamot ni Celes kanina pa at—]
"S-Shane"
[At desidido ka na ba talaga sa—]
"Sh—"
[Ano ba!! Bakit mo ba ako pinuputol? Shane ka ng Shane, alam kong Shane ang pangalan ko kaya wag ka nang paulit-ulit my gosh desidido ka na ba talagang magmadre bakit hin—]
"Shane please help me out of here"
[Please help me out of–o-out–What the hell Lie? Where are youuu!!] Sigaw nito matapos akong gayahin sa linya ko. Kung wala lang sana ako sa sitwasyon na 'to ay malamang umikot na ng todo ang mata ko dahil kakasabi niya lang na 'bakit ang tagal ko dito sa cr' tapos ngayon tatanungin niya kung nasaan ako?
"Look! I'm l-locked Shane Ryie, please faster. Jeezz I hate this place anymore!!" Sabi ko kay Shane kasabay ng pagbanggit ko ng 'Ryie' sa kaniyang pangalan. Alam kong si Zafrane lang ang tumatawag sa kaniya ng second name niya pero hindi ko na napigilan pa dahil sa nginig ko dito sa loob
[O-Okay I'm on my way!!] Aniya tska nito pinatay ang tawag.
Paikot-ikot lang ako sa loob ng CR at hindi mapakali. Sinubukan kong pihitin muli ang pinto nitong CR pero wala talaga. Parang may puwersang pumipigil sa labas nun kahit alam kong impossible dahil baka may makakita sa black na yun kung sino man ang may lakas ng loob para gawin ito sa akin ngayon
Sa inis ko ay bigla ko nalang tinadyakan iyon pero kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto at tumambad sa akin ang dalawa kong kaibigan na halata sa mukha nila ang pag-aalala. Kasama din nila yung dalawang key keeper ng unibersidad at maingat nila akong pinagmasdan na mukhang sinusuri ang kabuuan ko
"Oh my badness. Lie, what happened to you?" Hindi ko na sila sinagot pa at dali-dali ko nang linisan ang lugar na iyon
Narinig ko pa silang nagpasalamat sa key keeper bago ako sinundan. Pasimple ko pang sinulyapan ang aking relong pambisig at napasinghap ako nang malaman kong halos thirty minutes akong nakakulong sa CR na 'yon. 4:33 PM na at hindi pa ako nakakapag-meryenda ngayong hapon dahil may kinailangan akong tapusing requirements. Tatlo sa umaga ang itinake namin na exam at dalawa naman sa hapon kaya bali isang oras ang break time namin nitong hapon pero ginugol ko lang iyon sa paggawa nung project na 'yun
"Chan please kausapin mo naman kami, we're so worried about you" Tugon ni Celes. Dumeretso ako sa upuan duon sa may umbrella tree at napabuntong-hininga ng malakas sapat lang para marinig nila at maramdamang wala akong balak na magkwento sa ngayon
BINABASA MO ANG
My Enemy
Teen Fiction"LOST TIME IS NEVER FOUND AGAIN" Date Started: August 12, 2019 Date Finished: January 14, 2021 [No portrayer intended]