Chapter 21

810 69 7
                                    

Nathalie Chanell's Point Of View

"Arrgggghhh" Ungot ko dahil parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. What happened? Bakit ganito kasakit?

Nang mamulat ko ang dalawang mata ko ay si Mommy agad ang nakita ko. May nilagay itong gamot sa bedside table at tubig para siguro pang pawala sa sakit ng ulo ko

I'm so thankful that I have her. I smile pero walang bakas na kasiyahan sa mukha nito kaya nagtaka ako. She's so serious!

"M-Mom" Usal ko pero umupo lang ito sa gilid ng higaan ko at pinakatitigan ako

Naalala ko namang kagigising ko at malamang sa malamang ay amoy panis na laway ako kaya nagpaalam muna ako saglit para magsepilyo

Nang pagpasok na pagpasok ko sa CR ng kwarto ko ay napasandal nalang ako sa pinto nito at napahinga ng malalim

Pumunta ako sa maliit na lababo na nandoon at nagsimula na akong magsepilyo. At bawat slide ng toothbrush sa ngipin ko ay napapaisip ako kung ano ba talaga ang kasalanan ko. Pilit ko 'tong hinahalungkat sa isipan ko pero wala talaga akong maalalang nagawa ko para mag-act si Mommy ng ganito

Nang matapos ako ay dahan-dahan kong pinihit ang door knob at sinilip muna si Mommy. Kasalukuyan nitong pinagmamasdan ang litrato namin ni Vier na nasa tabi niya kaya naman lumabas na ako

"Liechan" Oh goodness! I'm boom! Inabot muna sa akin nito ang dalang gamot at sa bawat lunok ko ng tubig ay tanging ito lang ang maririnig mo sa apat na sulok na silid na ito

Hindi naman sa takot ako pero parang ganun na nga. Hindi marunong magalit si Mommy pero batay sa ekspresyon nitong hindi ko mabasa, mukhang may nagawa nga akong hindi maganda na hindi manlang ako aware!

Galit ba ito dahil umuwi ako ng lasing o galit ito dahil kasama ko si Kian na nag-uwi sa akin?

I froze and blink multiple of fucking times. Si Kian ang nag hatid sa akin? Kung ganun, bakit parang galit si Mommy eh baka mas gustong-gusto pa nga nito ang senaryong iyon eh!

"Liechan" Tugong muli nito. Nilingon ko si Mommy at tipid na ngiti lang ang naisukli ko

Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan. Ganito kasi si Mommy kapag nagagalit, hindi palaimik. In short, nakakatakot, kasi mamaya pinapatay ka na pala sa isip-isip niya

Mom is nice! Yan ang sabi ng kabilang bahagi ng utak ko

Yeah, she's really nice

"M-Mom" Tanging naiusal ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko at wala akong kaide-ideya kung bakit wala ang hyper ng Mommy ko na lagi kong nakikita. She's really serious!

"Care to tell me what happened? Your Mom was worried" Anito na nakatingin pa ng matiim sa akin

Pilit ko namang hinahalukay ang isip ko para sana i-analisa ang pangyayari ngunit natigilan ako nang may na-realized at naalala

Damn it! It hurts like hell. Shit parang binibiyak talaga ito sa sobrang sakit!

"How old are you?" Mom asked me kaya natigilan ako na parang pati ang sakit ng ulo ko ay tumigil din bigla dahil sa obvious nitong tanong

Pinakatitigan ko muna si Mommy kung nagbibiro ba siya bago ko ito sinagot. Because I have no idea why she's asking eh alam naman niya "17 po" Sagot ko at biglang akong napayuko

"Anong taon ang pagiging legal age?" Kinabahan naman ako. Shit! I don't like this feeling, pakiramdam ko kasi may nagawa akong hindi pa akma sa edad ko

My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon