Chapter 8

929 106 6
                                    

Shane's Point Of View

Lunch break na kaya nandito na ako sa canteen together with Lie and Celes. I'm not comfortable about Lie's plan, masyadong agaw-pansin at childish pero mas lalong nakakahiya iyon sa side ni Kian kapag nagkataon dahil parang feeling ko matatapakan ang ego niya sa gagawin ni Lie.

We can't stop her naman because she's too stubborn kaya bahala na si Tito at Tita sa kaniya

Hinihintay nalang namin yung grupo nila Kian na dumating. Hindi na din kami tutulong dito sa plano ni Lie, okay lang iyon sa kaniya pero may konting tampo pa rin sa kaniya dahil hindi kami sumasabay sa trip niya

Sampung minuto pa ang hinintay namin at nakita na naming papasok na sila ng canteen. Si Kian, Ella, Justin, Erick at si Oliver

Kumalabog agad ang puso ko sa mangyayari. Oh my badness, nakakahiya ito. Oh crap! Nilingon ko si Lie at napansin ko na ngiting tagumpay na agad siya kahit wala pa naman siyang ginagawa

Nilingon ko naman si Celes na magulo ang dereksiyon ng kaniyang mga mata. Halatang hindi rin siya mapakali sa gagawing pagpapahiya ni Lie maya-maya. Hindi kasi kami sanay sa ganito, ngayon lang. Ngayon lang talaga

Kung mangbu-bully man kasi si Lie ay through words lang at wala sa ganitong actions kaya naman nakakapanibago talaga iyon sa amin

Hindi ko alam kung papatulan ba ni Kian 'to because just like what Celes said, hindi ganun si Kian, at yun din ang pagkakaalam ko

Lumingon naman ako banda kila Kian na nakaupo na at handa nang pumila para bumili ng pagkain. Napansin ko din ang ngiting nakabalandra sa mukha nila lalo na si Kian na maya-maya lang ang mawawala sa kaniyang mukha.

Nakita ko naman si Oliver na nakatingin at nakikipagharutan sa mga babaeng tili ng tili simula nung dumating sila. I'm suddenly pissed. I don't freaking know why. Tinignan ko naman yung mga babaeng sobrang kakapal ng mukha, este ng mga make up. Tsk mga walang fashion, walang taste hmft

Nilingon ko si Oliver at nakatingin na siya sa akin. Landi mong lalaki ka, bakit pa ba kasi nage-exist sa mundo ang ganitong klaseng tao? Mga pasakit lang sa buhay, maging sa mundo tsk.

Naramdaman kong tumayo si Celes kaya lumingon ako sa kaniya at nakita kong nakatayo na si Lie na hindi ko manlang namamalayan. Nakapila na pala si Kian nang wala akong kamuwang-muwang dahil kanina pa pala nakatuon ang paningin ko sa mga kabute na iyon

°

Nathalie Chanell's Point Of View

Nasa unahan na ng pila si pangit nung nakita ko siya. Hihintayin ko nalang siyang dumaan para maisagawa ko na ang aking napakagandang plano. I saw him carrying something on his hands. Lumapit ako para makita ko kung ano ito. And there, spaghetti, fries, burger, and juice in left side of the tray while adobo, water and rice naman sa right side nito

Hmmm nice food to throw!

Lumapit ako sa kaniya at ngumisi ng nakakaloko. Huminto siya nung napansin niyang humarang ako sa dadaanan niya

"What is it again?" Wala manlang akong ekspresyon na nakita sa kaniya. Blanko ito at mahirap basahin gaya nang lagi niyang ipinapakita sa kaniyang mukha. Tumingin pa ito sa akin na parang inip na inip na kahit ang totoo ay wala pa naman siyang sampung segundong huminto sa kinatatayuan niya

"Nothing, I just want to see what's your order" Kunwari ko pa itong tinignan isa-isa hanggang sa napahinto ang mata ko sa iisang banda

"Oh look! Patingin nga nitong spaghetti, there's a buhok there oh" Tugon ko. Tinignan naman niya ito at umiling

My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon