Agad ako'ng lumabas upang tulungan si Estre ngunit pag-labas ko ng Pinto ay wala na siya pati ang nakakatakot na halimaw.
"Estre!, Estre!", sigaw ko.
>>>>>>>>>Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ng pinsan ko na si Phoebete.
"Cuz Pam, gumising ka", sabi ni Phoebete habang tinatapik ang aking balikat.
Pagdilat ko ay nanumbalik na sa normal ang lahat, ang kulay at ingay ng buong paligid ay nanumbalik din.
Agad ako'ng bumangon.
"Si Estre!, si Estre kinuha siya ng halimaw", sabi ko.
"Relax ka lang Cuz, panaginip lang yun, binabanggit mo kasi ang pangalan ni Estre habang natutulog ka, kaya ginising ka namin".
"Geez Pam, ayan si Estre oh, ang sarap pa nga ng tulog", sabi ni Chrislyn.
"Hindi nyo ako naiintindihan sa panaginip ko kinuha sya ng nakakatakot na halimaw na walang mukha".
"Okay Cuz, para mapanatag ka, Hazel pwedeng paki-gising si Estre?".
"Hey Estre, wake up", sabi ni Hazel habang tinatapik si Estre. "Oh my gosh girls hindi siya nagigising".
"Huh?, hindi nga?", sabi ni Krissy at nilapitan nya si Estre at nicheck ang pulso nito."Mahina ang pulso at hearbeat nya tumawag kayo ng Ambulansya!".
Isinugod sa Ospital si Estre at dinala sa ER.
Tinawagan din namin ang Parents nya para pumunta ng Ospital.
Sa Ospital..
Lahat kami ay nag-aabang sa labas ng ER, para alamin ang resulta ng kundisyon ni Estre.
At maya-maya pa ay lumabas na ang Doktor at ang Parents ni Estre sa ER.
"Kamusta po si Estre Tita?, okay na po ba siya?", sabi ni Hazel.
"Huwag mo ako'ng matawag-tawag na Tita!, kayong lahat!, pinagkatiwalaan ko kayo!, pero pinabayaan nyo siya!, pinabayaan nyo ang Anak ko! Huhuhu", sabi ng Mommy ni Estre habang humahagulgol sa pag-iyak.
"Ano po'ng ibig nyong sabihin?", sabi ni Hazel.
"Tama na Ochie, walang kasalanan ang mga Bata sa nangyari", sabi ng Daddy ni Estre.
"Sudden Arrythmitic Death Syndrome or Bangungot kung tawagin usually nangyayari sa may mga heart condition or heart disease", sabi ng Doctor.
Lahat kami ay nagulat at nasaktan dahil patay na ang kaibigan naming si Estre.
Matapos nun ay umuwi na kame.
Sumabay ako sa kotse ni Phoebete pauwe.
(Sa Kotse..)
"I just can't believe na wala na si Estre, parang kagabi lang ang saya-saya pa nating lahat tapos ngayon eto tayo nagluluksa", sabi ni Phoebete habang nagmamaneho.
"Hindi siya namatay, pinatay sya ng halimaw na kumuha sa kanya sa panaginip ko", sabi ko.
"Baka naman premonition mo lang yun na may mangyayaring masama sa kanya".
"Sa tingen ko hinde, sabi ng Doktor bangungot ang kinamatay nya at usually nangyayari sa may mga sakit sa puso".
"Yep yun ang sabi sa diagnosis".
"Phoeb, si Estre ang pinaka athletic sa ating lahat, lahat ng sports nilalaro nyan, kaya paano sya magkakaroon ng heart problem kung active sya sa mga yan".
"Hindi ko din alam Cuz, wala akong masabe".
"Yung Apps na nilaro natin kagabe?, what if may natawag tayo na hindi naman dapat?, what if yun pala ang kumuha at pumatay kay Estre".
"My God Cuz stop that!", sabi nya at hindi na ako nagsalita pa.
NARRATOR: GANITO ANG NANGYARI SA BANGUNGOT NI ESTRE.
<<<<<<<<
Estre Dream..
"Estre!, Estre!", tinig na nanggagaling sa labas.
Bumangon si Estre at sinabing..
"Joey?".(ang Ulimate crush ni Estre sa Campus).
Pumunta sya sa labas at pinag-buksan ng pinto ang nag dodoorbell na si Joey.
"Joey?, bakit ka narito?".
"Narito ako para imbitahin ka na kumaen sa labas".
"Hindi nga?, sige ba, magbibihis lang ako".
"Hindi na kailangan Estre",sabi ni Joey at maya-maya pa ay bigla na lamang silang nalipat ng lugar, Sa isang mamahalin na restaurant.
"Maupo ka Estre".
"How romantic of you naman Joey, kung panaginip lang ito ayoko ng magising".
"Ako din Estre", sabi ni Joey at nilapit nya ang mukha nya kay Estre at hinalikan nya ito.
Napapikit si Estre habang gigil na hinahalikan si Joey.
Pagmulat ng kanyang Mata ay hindi na si Joey ang kahalikan nya, kundi isang matandang lalaki na kulubot ang balat.
Maging ang buong paligid ay nag-iba din, ang kaninang restaurant ay naging madilim na lugar na.
Napasigaw si Estre at nagpupumiglas ngunit hindi siya makaalis dahil yakap-yakap sya ng matandang lalake habang dinidilaan sya sa kanyang leeg.
"Bitawan mo ako!", sabi ni Estre.
Bigla na lamang ngumiti ang matanda at kinagat sa mukha si Estre.
Halos mapunit ang mukha ni Estre sa pagkagat ng lalake.
Habang ang nalapnos na balat naman kay Estre ay nginuya at nilunok ng Lalake.
At pinagpatuloy nya ang paglapa sa mukha ni Estre na parang asong gutom at nilapa nya ito hanggang sa mamatay.
>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 3
HorrorNapagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito totoo at wala silang matatawag, pwes akala lang pala nila yon.