Episode 1

1K 36 6
                                    

March 16

Hating gabi na ngunit gising parin kami ng aking mga barkada na sila Chrislyn, Hazel, Estre, Krissy at ng pinsan ko na si
Phoebet dito sa condo na syang pagmamay-ari ni Hazel.

Buong gabi kasi kaming nagku-kwentuhan at nagkukulitan.

Madalas kaming ganito lalo na kapag walang pasok kinabukasan.

Minsan Girls Night Out, or Movie Marathon ang trip namin every Friday night, pero sleep over ang trip namin ngayon, andito lang kami sa condo at nagkukwentuhan.

Sharing ng mga saddest, funniest, awkwardiest at kilig moments namin sa buhay.

Spin the bottle, kung sino ang tapatan ng bote, sya ang mag babahagi ng kwento.

"Ok next topic naman tayo, tutal hating gabi naman na, horror stories naman ang pag-usapan naten", sabi ni Krissy.

"Sige game ako dyan?, marami akong maikukwento dyan, ano paikutin ko na ba?", sabi ni Hazel habang pinu-posisyon na ang bote para paikutin.

"Paikutin mo na Besh", sabi ni Chrislyn.

At pinaikot na nga ni Hazel ang bote, at tumapat yon kay Estre.

"Estrelita, ikaw ang napili ng mahiwagang bote, may maishe-share kb sa amin?", biro ni Krissy.

"Sige, pero bata pa ako ng nangyari to, siguro mga 1st year or 2nd year highschool palang ako nun, nasa kwarto ako, nirerecord ko yung pagkanta ko, gamit yung voice recorder ng phone ko, tapos nung pinakinggan ko sya, dun sa kalagitnaan ng kanta may nagsalita, maliit na boses, ang sabi nya UY BATA, kinilabutan ako nun kasi ako lang naman ang mag-isa nun sa kwarto, atsaka paanong may nakasinget na boses dun sa nirecord ko, pinarinig ko rin yun sa mga Parents ko maging sila tumaas din balahibo", kwento ni Estre.

"Tapos ano ang nangyari?", seryosong pagkakasabi ni Hazel.

"Ayun pina-delete nila sakin yung voice record, tapos nilagnat din ako nun kinagabihan".

"Shemss Besh, kakatakot naman next topic na nga tayo, baka hindi ako makatulog eh", sabi ni Chrislyn.

"Wag ka ngang KJ", sabi ni Hazel at pinaikot muli ang bote at tumapat yun sa akin.

"Pam, Finally, kanina pa hindi tumatama sayo yung bote eh, haha", sabi ni Phoebet.

"Sige first of all hindi ito masyadong nakakatakot, kasi tungkol lang toh sa panaginip, familiar ba kayo sa sleep paralysis?", sabi ko.

"Oo yung hindi ka makagalaw kahit gising na yung isip mo?, yun ba yun?", sabi ni Hazel.

"Right, pero iba yung nangyayari saken everytime na matutulog ako, alam mo yung natulog ka, then gumising ka, bumangon ka, naglakad ka and then marerealize mo na hindi ka pa pala gising".

"Hindi ko magets punto mo Pamela, ang ibig mo ba'ng sabihin nag sleep walk ka?", sabi ni Krissy.

"Hindi ko rin alam, kasi everytime na matutulog ako laging sa panaginip ko naglalakad ako sa buong paligid, pero parang totoo sya na nangyari, parang totoo na naglakad nga ako ng mga oras na yun, pero sanay na naman na ako everytime na mangyayare yun".

"Hay nako Pamela, hindi ka namin ma gets, spin na nga ulit yung bottle", sabi ni Chrislyn.

"Wait Girls wag na spin the bottle, may naisip ako na pwede nating laruin, trending ito ngayon, itong apps na Call Momo", sabi ni Krissy.

"Ayan ba yung apps na napabalita na may namatay na Bata?, hindi ba delikado yan?", sabi ko.

"Duh?, rumors lang yun noh?, atsaka imposible naman na makatawag ng multo ang apps na ginawa ng tao diba?, ginawa ito to entertain the users, kaya wala naman masama kung susubukan natin diba?", sabi ni Krissy at sumang-ayon ang lahat at sinubukan namin ang apps.

Sinunod namin ang apps.

Una gamit ang chalk ay gumuhit kami ng malaking bilog sa sahig na may simbolo na pentagram.

Pangalawa magsindi ng itim na kandila sa tapat ng bawat magpapartisipa at patayin ang ilaw.

Pangatlo ay pumikit at bigkasin ang orasyon ng tatlong beses.

ESPIRITO! ESPIRITO
IKAW BA'Y NARIRITO
ESPIRITO! ESPIRITO
PAKINGGAN MO AKO!
ESPIRITO! ESPIRITO
LAPITAN MO AKO!
AKING BINUBUKSAN PINTUAN NG KABILANG BUHAY!

Matapos namin bigkasin ng tatlong beses ang orasyon ay tumahimik kami at naghantay ng susunod na mangyayari.

30secs din kaming nanahimik hanggang sa bigla na lamang tumawa si Krissy at gumaya na kaming lahat.

"Hahahaha, ang lakas ng trip naten noh?", sabi ni Chrislyn.

"Itigil na nga natin ito, at matulog na tayo", sabi ni Hazel at matapos namin magligpit ay natulog na kaming lahat.

(Time check 3:00 AM).

<<<<<<<

Bumangon ako sa aking hinihigaan.

Nakita ko'ng natutulog ang lahat, at nakita ko rin na natutulog ang aking sarili.

Eto nanaman yung sinasabi ko'ng panaginip na parang totoo.

Hindi normal ang paligid, napaka dilim at napaka tahimik ni hindi ko marinig ang tunog ng maingay na electric fan.

"Bingi na ba ako?", sabi ko sa aking isip ng biglang makarinig ako ng mga yabag mula sa labas na sa tingin ko ay nanggagaling sa hallway.

Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa butas ng pinto.

Pagsilip ko ay nakita ko ang isang tao at nakatayo siya sa harap ng pinto ng Unit.

Bigla ako'ng kinilabutan dahil walang mukha ang tao na ito.

Walang mata, walang ilong at bibig.

Para siyang Manikin.

Kahit na wala siyang mata ay alam ko na nakatingin siya sa akin na para ba'ng alam nya na nakasilip ako.

Ding! Dong!
Ding! Dong!

Paulit-ulit nyang pinipindot ang doorbell na parang gusto nyang pagbuksan siya.

Maya-maya pa ay dumating si Estre.

"Estre may nakakatakot na tao sa labas", sabi ko pero parang hindi ako naririnig ni Estre at patuloy siya sa paglalakad.

Tinanggal nya ang lock ng pinto at hahawakan nya na sana ang door knob ng pinto pero pinigilan ko siya.

"Anong ginagawa mo Estre?", sabi ko at tinapik nya aking kamay at binuksan nya ang pinto.

Pag-bukas nya ng pinto ay bigla na lamang dinakma ng napakaitim na kamay na may mahahabang daliri at kuko ang mukha ni Estre at hinatak siya nito palabas ng Unit.


Ghost Club: Chapter 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon