EPISODE 18

511 17 4
                                    

(KAIRO POV)
I.P.I HEADQUARTERS MANILA BRANCH:
MARCH 21, 12:21 PM....

Abala ako sa pagsasalsik tungkol sa kasong paranormal na tinututukan ko ng biglang mag ring ang aking telepono sa opisina.

"Hello".

"Hello Kuya Kairo".

"Kaira? Bakit ka napatawag?".

"Bakit masama bang tawagan ang napakabait, napakagwapo kong Kuya".

"Nambobola ka pa, ano nanaman kailangan mo kakapadala ko lng ng pera sa inyo ng katapusan ah, kamusta na nga pala dyan sa bahay".

"Okay naman Kuya, maiba ako may hihingiin sana akong pabor sayo Kuya".

"Oh sige ano ba yun?".

"May pinasa akong video sa email mo Kuya".

"Ok wait tignan ko", sabi ko at pinanood ko ang video na sinend nya.

Sa Video ay naroon ang magkakabarkada na naglalaro ng App.

Tinapos ko ang video at binalikan si Kaira sa telepono.

"Napanuod ko na ang video, so ano ang problema, ginugulo ba sila ng mga espiritong natawag nila?".

"Hindi lang espirito dahil nakatawag din sila ng Etnidad, isang Bangungot".

"Mukang masama nga yan, Oo kaya ka ba napatawag dahil gusto mong tulungan ko sila?".

"Oo sana Kuya, 2 na sa kanila ang pinatay ng Etnidad".

"Kahit hindi mo na ipagpabor Kaira, talagang tutulungan ko sila, dahil ito ang sinumpaang tungkulin bilang isang Paranormal Agent, pero hindi ko maipapangako kung papayagan ako ng nakatataas, Hayaan mo gagawan ko ito ng paraan, pag-aralan ko rin muna ito, at pupuntahan ko agad sila".

"Hindi na kailangan Kuya dahil napag-aralan ko na, ipapasa ko nalang sayo sa email mo, basahin mo nalang, naroon na ang lahat ng detalye miski ang mga tao na involve dito".

"Sige ako na bahala, wag ka mag-alala tutulungan ko sila at kukumbinsihin ko ang mga nakatataas".

"Maraming salamat Kuya".

"Sige ikamusta mo nalang ako sa mga Tao dyan sa bahay ingat kayo palagi, bye".

"Ok Kuya, ingat din kayo ni Lolo dyan", sabi ni Kaira at ibinaba ko na ang telepono at binasa ang mga impormasyon na binigay sa akin ng nakababata kong kapatid na si Kaira.

Matapos ko magbasa ay pumunta ako sa silid ng mga High Elder upang magpaalam.

NARRATOR: SA LOOB NG KWARTO AY MAY LAMESA NA MAY LOGO NA PUTING HALO SA GITNA AT SA PALIGID NAMAN NG LAMESA AY MAY 12 NA UPUAN AT BAWAT UPUAN AY MAY NAKA-UPO NA TINATAWAG NILANG MGA HIGH-ELDERS. ANG MGA HIGH ELDERS  AY ANG MGA PINAKAMATAAS NA  OFFICIAL SA WHITE CIRCLE AT ANG  SIYANG NAGPAPATAKBO  NG I.P.I OR INTERNATIONAL PARANORMAL INVESTIGATION.
LAHAT NG UTOS AT AKTIBIDAD AY KAILANGAN MANGGALING SA KANILA.

lumuhod ako at binati ang mga High-Elder "Magandang Gabi po mga nakatataas".

"Tumayo ka Anak", sabi ni Giodan isa sa mga High Elders.

"Anong kailangan mo sa amin", sabi ni Bethantia isa sa mga High Elders.

"Nais ko lang po ipagpaalam ang isang kaso na dapat bigyan ng kaagarang aksyon".

"At ano naman ang kaso na yun", sabi ni Bethania.

"Hayaan nyong ipakita ko sa inyo", sabi ko at sinalpak ko ang USB sa computer at ipinanuod sa kanila ang video.

"Dahil sa paglalaro nila sa isang App ay ginugulo sila ngayon ng isang Etnidad", sabi ko.

"Isa lang yang normal na kaso , paano mo nasabing kailangan ito bigyan ng agarang aksyon, kung may mas importante pang kaso na dapat bigyan prioridad kesa dyan", sabi Ni Vladimir.

"Tama ka Vlad, atsaka hindi tayo pwede mag-aksaya ng panahon at magpadala ng Agent dyan, mas maraming kaso ang kelangan unahin bukod dyan", sabi ni Giodan.

"Ako na po mismo ang nagbubuluntaryo tumutok sa kaso na ito".

"Hindi mo ba maintindihan ang sinasabi ni Vlad at Giodan, itong kaso na ito ay minor lamang, at kaya pang makapaghantay, lahat ay kailangan dumaan sa proseso ihuli ang dapat ihuli, at ang dapat pag-ukulan ng pansin ay ang mga major na kaso, hindi itong mga Batang ito na pinaglaruan ang Ritual, atsaka hindi ikaw ang magpapasya ng dapat mong gawin at puntahan, hindi ba't nakatutok ka ngayon sa isang mabigat na kaso bakit hindi nalang yun ang pagtuunan mo ng pansin", sabi ni Bethania.

"Ang kaso na pinahawak nyo sakin ay abot kamay ng mareresolba at makakapaghantay pa, pero ito ay kailangan tutukan at bigyan ng pansin dahil dito", sabi ko at ni-pause ko ang video sa logo ng App na may letrang V na may infinite sign sa gitna.

"Ang logo ni Vicini", sabi  ni Giodan.

"Paano ka nakakasiguro na totoo yan at hindi isang huwad?, si Vicini at ang kulto nya ay matagal ng nagapi ilang libong taon na ang nakalilipas, sila ay nawaksi na ng ating mga Ninuno", sabi ni Vladimir.

"Maari rin isa itong diversion upang mabaling ang tingin natin sa iba, kaya hindi muna ito dapat bigyan ng pansin", sabi ni Lucian.

"Ngunit dalawa na sa kanila ang namamatay, at baka ganun din ang mangyari sa iba , kung ihahanay ito sa proseso baka maging huli na ang lahat para sa kanila", sabi ko.

"Teka maari mo bang  ulitin ang video at i-pause doon sa Babaeng naka-itim", sabi ni Kairino (ang Lolo namin Kaira at isa ring High-Elder).

"Sige po", sabi ko at sinunod ko si Lolo.

"Yung Babaeng naka-itim meron syang matingkad na berdeng Aura", sabi ni Kairino.

"Oo nga nakikita ko rin yun, isa syang Gifted at may kakayahan sya mag Astral Project ", sabi ni Bethania at tila nagulat ang lahat sa sinabi nya.

"Isa lamang sa isang bilyong tao ang nabibiyaan ng ganyang kakayahan, sayang naman kung mawawala sya", sabi ni Lolo.

"Kung gayon marapat nga lang bigyan ng prioridad ang kaso na ito, bubuksan ko na ang botohan", sabi ni Carlos (High Elder).

Nag-usap-usap ang mga High Elders at ang kanilang desisyon ay...

"Masyado tayong nakatutok sa iisang kalaban, bagamat may maliit na tyansa na may sumibol na panibagong kalaban ay nararapat padin ito bigyan ng pansin para sa nakakahigit na kaligtasan, maliban pa dun ang Babae na si Pamela ay kailangan iligtas dahil sa kanyang natatanging kakayahan kaya ang boto ng mga High Elders ay  9 na Oo at 3 na Hindi, mas pabor ang Oo kaya naman pinapayagan na bigyan ng Prioridad ang kaso na ito", sabi ni Emilio (High Elder).

"Kailan mo balak umalis", sabi ni Bethania.

"Ngayon din po mismo mga nakatataas", sabi ko

"Kailangan mo ba ng kasama sa kaso na ito".

"Kahit hindi na po, sanay po ako mag-isa sa kaso".

"Kung gayon , maari ka nang umalis".

"Marami pong salamat", sabi ko at lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa aking opisina upang ayusin ang mga kailangan ko.

"Nakasisiguro ka ba na kaya mo ito mag-isa", sabi ni Lolo sa akin.

"Oo naman Lo, marami nakong nawaksi na masasamang espirito at Etnidad kayang-kaya ko toh, atsaka ipinakiusap sa akin ito ni Kaira".

"Si Kaira ang nagbigay ng kaso na ito sayo?".

"Oo Lo".

"Sige kung ganon mag-iingat ka Apo".

"Opo Lo" , sabi ko at umalis na ako.



Ghost Club: Chapter 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon