"Astral Projection? , ngayon ko lang narinig or parang naririnig ko na yan pero hindi ko alam ang ibig sabihin", sabi ko.
"Oo ang Astral Projection ay ang kakayahang humiwalay ang Astral Body sa Physical Body, ang Astral Body na ito ay malayang nakakapaglakad at nakakapunta sa ibang dimensyon, pero bibihira lang ang mga meron nito at ang may mga kakayahan na makontrol yun, kaya masasabi ko na maswerte ka Pamela dahil isa ka sa mga nakakakontrol ng ganitong kakayahan", sabi ni Joey.
Labis akong naliwanagan sa sinabi nya at parang lahat ng kasagutan sa tanong ko ay nasagot nya na.
"Ano namang dimensyon ang napupuntahan ko? Pag nangyayari ito?", sabi ko.
"May nabasa ako dito sa Libro na hinihiram mo na sinulat ni Dr.Godwin isang sikat na Oneirologist na nakakaranas din ng ganyan, ang sabi nya napupunta daw sya sa ibang dimensyon na tinatawag nya na Between Dimensions or Pagitan, ang dimensyon daw na ito ay pinag-gigitnaan ng Mundo ng mga tao at Mundo ng mga Sumakabilang buhay. Isa itong mundo ng walang ibang kulay kundi black and white, at ang lahat ng bagay , tao at hayop ay gumagalaw na parang time lapse dahil iba ang oras doon kumpara sa tunay na mundo ang isang minuto doon ay katumbas ng kalahating oras sa tunay na mundo, napakabagal ng takbo ng oras doon at wala ka'ng ibang maririnig kundi ang sarili mo at ang mga nilalang na naroroon".
"Nilalang?, Anong klaseng mga nilalang ito?".
"Karamihan mga ligaw na Kaluluwa mga Espiritu na hindi pa makatawid sa kabilang buhay, at mga Entidad or Entity na hindi maipaliwanag ang itsura".
"Marahil isang Entidad yung nakita ko noong gabi na yun".
"Ang ibig mo'ng sabihin naka encounter ka ng isang Entidad?".
"Oo yung sinasabi ko sayo na nakita ko sa panaginip ko, isang nilalang na walang mukha may itim na mga balat at may mahahabang daliri at matatalas na kuko, sya din ang kumuha kay Estre".
"Teka parang nadinig ko na yan, teka check ko", sabi ni Joey at tinignan nya muli ang libro ni Dr.Godwin. "Eto ba yun?", sabi nya at itinuro nya sa akin ang isang litrato mula sa libro na kahawig na kahawig ng nakita ko ng gabing yon.
"Oo ayan nga yun".
"Ang mga nilalang na ito ay tinatawag na Bangungot, basahin mo", sabi ni Joey at binasa ko ang libro.
"Maraming nilalang ang makikita sa Between Dimensions isa na dito ang mga Bangungot or Nightmare the cousin of Death, isang Etnidad na parang tao ang katawan at may mga itim na balahibo at balat at walang mukha, maihaha-lintulad ang pisikal nila na anyo sa mga Gorilya ngunit ang behavior nila ay mahihintulad sa isang mabangis na tigre, meron din silang mahahaba at matutulis na kuko, ang mga Etnidad na ito ay matatalino at kumakain sila ng mga kaluluwa ng mga Dreamer or mga taong nasa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog, kumakain sila sa pamamagitan ng pagpasok at pag-manipula ng panaginip ng mga Dreamer, wala silang ilong at bibig ngunit may isang bagay sila na naamoy at nalalasahan at yun ay ang takot, pumapasok sila sa panaginip ng iba upang manipulahin ito at magbigay ng mga nakakatakot na karanasan at senaryo sa isang Dreamer. Kadalasan pinaglalaruan muna nila ang Isip ng Dreamer hanggang sa mahanap nito ang Bagay na pinaka-kitatakutan ng Dreamer, tapos tsaka nya ito kakainin, pero sa aking teorya ang mga kadalasan na nabibiktima ng mga Bangungot ay ang mga Dreamer na may mga mahihinang lifeforce tulad ng mga taong may mga heart condition, wala silang mga mata pero kitang kita nila ang mga Dreamer na may mahihinang Life force para biktimahin",sabi ko at tinapos ko na ang pag-babasa.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 3
TerrorNapagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito totoo at wala silang matatawag, pwes akala lang pala nila yon.