Episode 16

624 27 3
                                    

(Chrislyn P.O.V)

March 20, 11:41 PM.

Isang Gabi na ako na walang Tulog, hindi ko alam kung makakayanan ko pang labanan ang antok ko ngayong gabi, dahil sobrang hinahanap na ng katawan at isip ko ang pahinga, sana makaya ko, dahil ayoko pang mamatay, marami pa akong gustong gawin at matupad sa buhay ko.

Ayokong matulad sa sinapit ni Estre at ni Krissy, kaya naman nagtungo ako sa Condo ng ex-nobyo ko na si Marlou upang doon kunwari magpalipas ng gabi, dahil meron sya ng bagay na makakatulong sa akin.

"Knock! Knock", katok ko sa pinto at agad akong pinag-buksan ni Marlou.

"Chrislyn?, ano ang ginagawa mo dito?".

"Pwede ba akong magpalipas ng Gabi dito, kahit ngayong gabi lang".

Tinignan nya ako mula Ulo hanggang Paa at sinabing "Sige tuloy ka".

Pag-pasok namin sa loob ay, aligaga syang nagligpit ng mga kalat sa buong paligid.

Mga balat ng chihirya, mga empty bottles ng alak, at mga upos ng sigarilyo na nagkalat sa buong paligid.

"Pag-pasensyahan mo na kung magulo, hindi pa kasi ako nakakapaglinis, sige maupo ka muna", sabi ni Marlou.

Kunwari pa sya, alam ko naman na burara itong Lalaki na ito kaya nga nakipag hiwalay ako sa mokong na ito eh, pero kailangan ko makipag plastikan dahil may kailangan ako sa kanya.

"Sige salamat, Marl", sabi ko.

"May gusto ka bang kainin, or inumin?, ikukuha kita".

"Sige wag na, thank you nalang", sabi ko.

"Sure ka?".

Makulit tong mokong na ito, sinabi ng wala eh, pero what if magpakuha ako sa kanya ng foods at drinks, yung matagal kuhain, para magkaroon ako ng time para hanapin at makuha yung bagay na kailangan ko.

"Uhmm, actually meron ka ba dyan  Pancit Canton?, nagugutom kasi ako eh", sabi ko.

"Oo meron, anong flavor ba gusto mo, Sweet and Spicy, Calamansi or Original?".

"Sweet and Spicy nalang".

"Sige wait lang, lutuin ko lang ha", sabi nya at pumunta sya ng kusina.

Wala akong sinayang na Oras at agad akong tumayo at hinanap ang bagay na kailangan ko.

Sinimulan ko sa sofa, sa table, sa Cabinet at sa mga gilid gilid na pwedeng nyang pag-singitan ngunit wala akong nakita.

Marahil ay nakatago yun sa kwarto nya.

Sinilip ko sya sa kusina, at abala parin sya sa pagluluto, pero ilang minuto na lang ay matatapos na sya doon , kaya kailangan mahanap ko na yun.

Nagtungo ako sa kwarto nya at muli ay nag-halughog ako mula sa kanyang kama, ilalim ng mga unan, foam at miski sa kanyang drower, ngunit hindi ko parin iyon makita.

Noong kami pa, madalas ko yung nakikita sa...

Napatingin ako sa Teddy Bear na nasa upuan at binuksan ang zipper nito sa likuran.

Tama ako dito nya yun tinatago.

Kinuha ko yun at lumabas na ako ng kwarto at bumalik sa aking kina-uupuan.

"Eto na ang Pancit Canton", sabi ni Marlou.

"Im sorry Marlou, kailangan ko na palang umalis, emergency lang".

"Huh?, pero kala ko ba dito ka matutulog?".

"Sorry talaga, pero emergency ito", sabi ko at binitbit ko ang Bag ko at tumayo, palabas na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Alam mo, ang labo mo Chrislyn!, pinag-lalaruan mo nanaman ba ako!, lahat naman ginawa ko para sayo ah!, lahat binigay ko!", sabi nya.

Piniglas ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak nya at sinabing "Sorry pero wala akong future sa isang katulad mo, kaya lang naman kita sinagot dati kasi marami kang pera, atsaka hindi ko na matiis yang bisyo mo, alak at yosi ok pa sana eh, pero drugs? , sobrang nakaka turn off na, ayokong malaman ng iba na may Boyfriend akong Adik!".

"So ginamit mo lang pala ako", malungkot na pagkakasabi nya.

"Correction, nag-gamitan lang tayo, wag ka mag-paka victim dahil napakinabangan mo din ako, alam ko naman na girlfriend material lang ang tingin mo sa akin na nagampanan ko naman na mas mataas pa sa expectation mo".

"Pero minahal kita Chrislyn".

"Then natalo ka the moment na may naramdaman ka  na para sa akin, kbye sabi ko at lumabas na ako ng Condo nya.

Narrator: Pagkalabas ni Chrislyn ay naiwan si Marlou na nakatulala sa loob , dahil ngayon pa lang nag sisink in sa  kanya ang katotohan, ang katotohanan na ginamit at niloko lang sya ni Chrislyn.

"Feelingero talaga yung Lalake na yun, akala nya siguro makikipag balikan ako kaya ako nagpunta dun pero ang hindi nya alam eto ang pakay ko", sabi ko habang hawak-hawak ang isang maliit na garapon na may laman na ecstasy.

May nakapag sabi kasi sa akin na kapag uminom ka daw nito, hindi ka makakatulog ng ilang oras.

Eto ang solusyon para maka survive ako.

Muli ay inalagay ko sa aking Bag ang garapon at sumakay ng Elevator.

Mula sa 14th floor ay nakatitig lang ako sa screen kung saay makikita kung nasaang palapag kana.

13th floor ⬇️
12th floor ⬇️
11th floor ⬇️

Nakakaramdam na ako ng antok kaya naman sinubukan ko na ang ecstasy.

Kumuha ako ng isang tablet at nilunok ko sabay lagok ng mineral water.

10th floor ⬇️
9th   floor ⬇️
8th   floor ⬇️

Bigla na lamang akong nahilo na para bang gumagalaw ang buong paligid na parang alon ng dagat.

7th floor ⬇️
6th floor ↔️

Kahit na sa ground floor pa ako  dapat  bumaba ay bigla na lamang huminto ang Elevator sa 6th floor.

"Hmm alas dose pasado na, ang alam ko madalang na may gumamit ng Elevator ng ganitong oras", sabi ko.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng Elevator ay bumungad sa akin si Marlou, nanlilisik ang kanyang mga mata, pawisan at pilit na hinabol ang kanyang paghinga.





Ghost Club: Chapter 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon