Episode 12

546 20 3
                                    

"Ngayon alam mo na, sorry kung kinailangan ko pang ipa-alala sayo iyon", sabi ko habang dinadampian ng daliri ang mga tumulong luha sa pisngi ni Phoebet. "Huwag ka mag-alala gagawa ako ng paraan para makalabas dito".

"Makalabas saan?", tanong ni Phoebet. Siguro ay hindi pa nya narerealize na kasalukuyan kaming nasa mundo ng panaginip ngayon.

"Andito tayo ngayon sa Mundo ng panaginip".

"Oh my gosh Cuz, you mean nakatulog din ako?, im sorry Cuz, sorry! sorry! sorry!, ang huling na-aalala ko lang eh nasa bath tub ako ".

"Huwag muna isipin yun ang mahalaga kailangan natin makaalis dito, bago pa nya mahalatang may alam tayo".

"Bago pa mahalata nino?".

"Anak, ok  na ba yang Pizza, nagugutom na ako", sabi ni Tito na tila pababa na papunta dito.

Nagkatitigan kami ni Phoebet, na para bang alam nya na kung Sino ang tinutukoy ko.

Halata sa mukha ni Phoebet ang pangamba kaya naman hinawakan ko ang dib-dib nya kasabay nang pag-iling na ang ibig sabihin ay wag syang kabahan.

Kailangan naming sakyan ang Impostor na ito, kailangan namin makalabas ng bahay agad-agad.

Kinuha ko ang Pizza at tinapon ang apat na hiwa sa basurahan, upang palabasin na tapos na kami kumain.

"Oh bakit andyan pa kayo, asan na yung Pizza", sabi ni Tito.

"Okay na Tito, tapos na kami, eto tinirahan ka pa namin ng apat pa na hiwa", sabi ko.

"Ang daya nyo naman hindi nyo ako hinintay".

Ayos napaniwala namin sya, ang kailangan nalang ngayon ay makaalis kami sa radar nya upang makapag-usap at makapag-plano agad kami ni Phoebet kung paano makakalabas dito, paano kaya kung kunwari bibili kame sa labas?, kaso mukang hindi nya kame papayagan, aha alam ko na.

"Sige Tito mauna na po ako sa kwarto, inaantok na ako", sabi ko at tumingin ako kay Phoebet dahil inaasahan ko na ganun din ang gagawin nya, ngayon pa't alam nya na rin ang lahat.

"Ako rin Daddy, mauna na rin ako sa taas, sobrang inaantok na talaga din ako, wala pa kaming tulog eh, Goodnight Daddy", sabi ni Phoebet sabay halik sa pisngi ni Tito.

Magaling ang ginawa ni Phoebet, sinakyan nya rin ang Etnidad at kinausap na para bang tunay nyang Ama ang impostor na ito.

Ngayon ano kaya ang magiging reaksyon ng Etnidad.

"Sige Goodnight din sa inyo", sabi nya at nagpunta na kami sa aming kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ay dali-dali ko'ng isinara at nilock ang pinto.

"Ano na ang gagawin natin ngayon Cuz!", sabi ni Phoebet.

"Sa totoo lang hindi ko din alam Phoeb, siguro kailangan nalang muna natin makalabas ng bahay  na ito at makalayo sa kanya", sabi ko at binuksan ko ang bintana at laking gulat ko dahil sobrang dilim sa labas na para bang kawalan. "Masama ito".

"Bakit Cuz?", sabi ni Phoebet.

Tok! Tok! (Katok mula sa pinto).

"Gising pa ba kayo" sabi ni Tito.

"Oh my gosh Cuz andyan na sya, sa bintana nalang kaya tayo lumabas", bulong ni Phoebet.

"Walang anumang nasa labas, sobrang napakadilim".

Tumayo si Phoebet at sumilip sa bintana.

"Anong wala at kadiliman ka dyan, eh andito nga yung puno na inaakyatan natin".

"Huh di nga", sabi ko at muli ay sumilip ako sa labas at bahagyang nadagdagan ang detalye ng buong paligid, nagkaroon na ng puno,bakuran, kalsada at mga bahay sa labas. "Paano nangyari yun?, kanina ng dumungaw ako wala akong anumang nakita dyan kundi kadiliman.

"Baka namalik-mata ka lang Cuz".

"Anak?, gising pa ba kayo, may gusto lang ako sabihin, itatanong ko lang kung bakit may Pizza dun sa basurahan".

"Alam nya na Cuz!".

"Dali kunin natin yung mga kumot, pagdugtungin natin para humaba, at yun ang gagamitin natin pababa", sabi ko.

BLAG! BLAG! BLAG! (kalampag mula sa pinto)

"Alam ko na naririnig nyo ako!, hindi nyo ba alam na masama magsayang ng pagkain!, buksan nyo ito!", sabi ni Tito na patuloy sa paghampas sa Pinto.

Ilang sandali lang ang lumipas at bigla na lamang syang tumahimik.

"Wala na ata sya  Cuz, baka akala nya tulog na tayo".

CRACH! (tunog ng palakol na bumaon at tumagos sa pinto).

"Ang gusto ko lang naman ay kumain ng masarap at mainit na Pizza!, hindi nyo ba alam na gutom na gutom na ako!", sabi ni Tito habang sinisira ang pinto gamit ang palakol.

"Okay na ito, sapat na ang haba nito", sabi ko at tinali ko ang dulo sa bakal at inihagis naman ang kabilang dulo palabas ng bintana.

"Bilis mauna kana Phoebet", sabi ko at lumabas na si Phoebet pababa ng bintana.

At nung ako na yung bababa, ay bigla na lamang may humawak sa aking balikat.

>>>>>>>>>>>>>

"Pamela, gumising ka Pamela", sabi ni Tita habang hawak ang aking magkabilang balikat.

Agad akong napatayo at tumingin sa buong paligid.

"Gising na ba ako?".

"Oo gising kana Ano ka ba naman, bakit dito ka natulog sa Sofa, atsaka asan na ba si Phoebet?", sabi ni Tita.

"Si Phoebet!", sigaw ko at agad akong tumakbo papunta sa banyo kung saa'y naroon si Phoebet na nakapikit at nakahiga sa bath tub.










Ghost Club: Chapter 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon