Episode 17

562 21 4
                                    

Nakatitig sya sa akin habang hinahabol ang kanyang malalim  na paghinga at
nakatitig lang din ako sa kanya habang hawak ang bote ng mineral water na ininum ko.

Paanong nakahabol agad si Marlou sa akin?, it will take time bago nya pa malaman na nawawala ang ecstacy nya, atsaka miski malaman nya agad hindi nya mahahabol ang elevator na ito miski gamitin nya pa ang stair.

"Anong kailangan mo?", sabi ko pero tinitignan nya lang ako habang humihinga ng malalim. "Kung wala kang sasabihin lubayan mo na ako", sabi ko at pinindot ko na ang close button ng elevator.

Habang unting-unting nagsasara ang elevator ay napansin ko na ngumiti sya sa akin.

Medyo kinilabutan ako dahil sobrang creepy ng facial expression nya habang nakangiti, abot tenga ang ngiti nya tapos yung mga mata nya parang luluwa na sa sobrang laki.

Ilang sandali pa ay umandar na muli ang Elevator, ngunit bigla nanaman itong nagbukas sa kasunod na floor na 5th floor.

Pagkabukas ay bumungad nanaman sa akin si  Marlou, ganun parin malalim ang paghinga na parang hinahapo, at may creepy na ngiti at facial expression pero sa pagkakataon na ito ay tumutulo na ang laway nya na parang natatakam  sa isang pagkain.

Paano nya nahabol ang Elevator ng napakabilis?, siguro ay tinakbo nya ito pababa kasi hingal na hingal sya eh.

"Para kang Tanga Marlou!, wag muna pahirapan ang sarili mo, di ka na nga makahinga sa kakatakbo mo, tulo pa laway mo, nakakahiya ka, wag muna akong habuling adik ka", sabi ko at muli ay agad ko'ng pinundot ang close button ng Elevator.

4th floor  ⬇️
3rd floor ⬇️ "hay buti naman at di na huminto".
2nd floor ↔️ (biglang tumigil).

"Hay nako, pag eto si Marlou padin masasampal ko na talaga sya".

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng Elevator ay walang bumungad na Marlou sa harap dahil naroon sya sa dulo ng hallway.

Bigla akong kinilabutan dahil aking napag-tanto na hindi na ito normal dahil kung sya talaga ang nagbukas ng Elevator bakit sya nasa dulong bahagi ng hallway kahit na maabutan nya ang Elevator hindi nya kaya takbuhin agad ang dulo para lang tumayo dun.

Tsaka lang nag sink-in sa utak ko ang mga creepy na kinikilos ni Marlou, kaya naman para makasigurado ay kinurot ko ang aking sarili at wala akong maramdaman.

Paano nangyari ito, paano ako napunta dito, hindi dapat ako mapunta dito dahil hindi naman ako natulog.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansin na naglalakad na pala papalapit sa akin si Marlou.

Pilit ko pinipindot ang close button pero hindi ito nagsasara kaya naman sa sobrang panic ay tumakbo ako palabas at kumanan papuntang stairway.

Tatakbo sana ako pababa ngunit laking gulat ko dahil nakaharang na dun si Marlou, kaya naman kumaripas ako sa pagtakbo pataas hanggang sa makarating ako sa rooftop.

Pagdating ko ng rooftop ay wala na akong matakbuhan or miski matataguan dahil open space ito.

Ano ang gagawin ko ilang sandali lang ay masusundan nya na ako dito.

Pumunta ako sa gilid ng building at tumingin sa ibaba, sobrang nakakalula, mamatay ako pag tumulon ako dito.

Pero isang lang itong panaginip, hindi ako nasaktan ng kurutin ko ang aking sarili, marahil ganun din ang mangyari kung tatalon ako dito.

Sa kalagitnaan ng aking pagdadalawang isip ay bigla na lamang lumabas si Marlou sa pinto ng Rooftop at naglalakad sya ngayon papunta sakin.

Nagpapabalik-balik ako ng tingin sa nakakalulang tanawin at kay Marlou na papalapit sa akin.

Walang ano-anoy tumalon ako mula sa rooftop ng Building.

To be continued....

AUTHOR: HI GUYS, SORRY NOW LANG NAKA-UD, NGAYON LANG NAGKATIME EH 😊, SO ANO SA TINGIN NYO TAMA BA ANG TEORYA NI CRISLYN NA HINDI SYA MASASAKTAN PAG TUMALON SYA? ANONG SA TINGIN NYO? COMMENT DOWN BELOW 😊




Ghost Club: Chapter 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon