Kinaumagahan before kami pumasok ay nagkita kaming apat sa isang Kubo na nasa Garden ng Campus at pinakita namin kay Hazel at Chrislyn ang video na nakunan ni Phoebet.
March 20, 7:05 AM
"Sino ang mga tao na yan, Gosh ang creepy ah!", sabi ni Chrislyn.
"Ang creepy talaga kasi tayo lang namang anim ang tao doon sa Condo ko during that oration diba?", sabi ni Hazel.
"Yung App na nilaro natin ng gabi na yun, hindi lang yun basta App kundi isang Spell. Isang Spell or Oration na nakakapagtawag ng kaluluwa, may natawag tayo na hindi dapat matawag at isa na dun ang Etnidad na kung tawagin ay bangungot", sabi ko.
"Bangungot?, as in Nightmare or masamang panaginip ganun ba?", sabi ni Chrislyn.
Paano ko kaya maipapaliwanag sa kanila ang tungkol sa Etnidad na ito.
"Sige para mas maintindihan nyo dun muna tayo sa bangungot na alam nyo, ano ba ang kahulugan ng bangungot para sa inyo?", sabi ko.
"Yung kapag natulog ka tapos hindi ka nagising or may napanaginipan kang masama tama ba?", sabi ni Phoebet.
"Yup yun ang bangungot na alam nating lahat pero ang bangungot na tinutukoy ko ay may pisikal na anyo, isang Etnidad na sa panaginip lamang makikita, at ang Etnidad din na ito marahil ang dahilan ng pagkamatay ni Estre at Krissy", sabi ko.
"What but how?", sabi ni Hazel.
"Gaya ng sabi ko makikita lamang sila sa panaginip, kumakain sila ng kaluluwa ng mga Dreamers sa pamamagitan ng takot".
"Oh my gosh kaya pala madalas akong managinip ng masama nito lang", sabi ni Chrislyn.
"Maging ako madalas din managinip ng masama simula ng gabi na yun", sabi ni Phoebet.
"Wait!, tumataas na ang balahibo ko Girls!, kase ako madalas din managinip ng masama lately!", sabi ni Hazel.
"Sa libro na nabasa ko pinaglalaruan muna nila ang isang Dreamer bago kainin, binibigyan ng Etnidad na ito ang isang Dreamer ng mga nakakatakot na senaryo at karanasan sa loob ng panaginip hanggang sa malaman nya ang pinaka-kinatatakutan ng Dreamer, and then saka nya ito kakainin, tanging takot lamang ang nalalasahan at naamoy nila kaya ganun, samantala ang tanging nakikita at nadidinig naman nila ay ang mga Dreamers na may heart problem".
"Heart problem wala naman tayong heart problem diba?", sabi ni Chrislyn.
"Oo wala nga pero si Estre at Krissy wala ding heart problem pero nabiktima sila ng Etnidad na ito, marahil nag-eexist na tayong anim sa paningin at pang amoy ng Etnidad na ito at nagsimula yun ng gawin natin yung Orasyon".
"Ano na ang gagawin natin para mapigilan ito?, marahil tayo na ang isunod ng Etnidad na tinutukoy mo", sabi ni Chrislyn.
"Sa totoo lang hindi ko din alam kung ano gagawin para mapigilan ang Etnidad na ito, kase expect na natin na sa tuwing matutulog tayo ay aatakihin nya tayo sa panaginip gaya ng ginawa nya kay Estre", sabi ko.
"Kung hindi kaya tayo matulog?", sabi ni Chrislyn.
"Naisip ko din yan pero mahirap pigilan ang antok, atsaka pala-isipan padin sa akin ang pagkamatay ni Krissy, hindi naman sya tulog ng mamatay siya", sabi ko.
"Oh my! ayoko pa'ng mamatay!", sigaw ni Chrislyn at nagtinginan sa amin ang iba pa'ng studyante na nasa kabilang Kubo sa Garden ng Campus.
"Wala'ng mamamatay manghihinge tayo ng tulong", sabi ko.
"Pero kanino naman?", sabi ni Hazel.
"Hindi ko pa alam pero maghahanap tayo ng pwedeng tumulong sa atin", sabi ko at bigla na lamang tumunog ang phone ko.
May tumatawag sa messenger ko.
INCOMING CALL FROM KAIRA..
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 3
HorrorNapagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito totoo at wala silang matatawag, pwes akala lang pala nila yon.