Hazel P.O.V
Tumawag sa akin si Pamela kaninang tanghali at pinapapunta nya ako sa aking Condo sa Alabang dahil may alam na daw sya na paraan para mahinto ang lahat ng kababalaghan na ito.
Nagsabi ako kay Pamela na mga 3 oras lng ay makakarating na ako sa Condo ngunit hindi yun natupad dahil sobrang napaka trapik sa SLEX.
MARCH 20, 5:04 PM
Tumawag sa akin si Pamela, at tinanong nya ang address ni Chrislyn at ibinigay ko naman ang eksaktong address sa kanya.
March 20, 6:45 PM
Nakarating na ako ng Condo ng biglang tawagin ng isa sa mga Tenant ang aking pangalan.
"Ay eyan na pala ang hinahanap nimo, ayan si Hazel", sabi ng matanda.
"Bakit po?", sabi ko.
"Maari ba kita makausap", sabi ng lalake na naghahanap sa akin.
Sino ang Lalake na ito, naka puting Tshirt, nakaitim na coat, at naka slacks, may itim na buhok, matangos ang ilong, matangkad at may itsura, siguro ay kasing edad ko lamang din siya?.
"Bakit mo ako hinahanap?".
"Hindi ba't ginagambala kayo ng isang Etnidad?, andito ako para tumulong".
Usually hindi ako agad nagtitiwala sa ibang Tao, lalo na sa mga hindi ko kakilala, pero ang isang ito, ramdam ko ang sensiridad at pag-aalala sa kanyang pananalita kaya naman pinapasok ko agad sya sa aking Condo.
"Amuy na amuy ko ang negative energy sa kwarto na ito", sabi nya.
Ano ba ang sinasabi nito?, wala naman akong naamoy ah?.
"Uhmmm pasensya na kung mabaho , ilang araw din kasi ako nawala dito, sya nga pala Sino ka nga ulet?", sabi ko.
"Ako si Kairo, pinadala ako dito para tulungan kayo", sabi nya habang sumisinghot-singhot na parang aso sa paligid.
"Ah okay?, anong ginagawa mo?".
"Hinahanap ko ang amoy ng sentro ng Ritwal, maari mo ba sabihin kung saan nyo ginawa ang Ritual?".
"Doon sa may kwarto", sabi ko at itinuro ko sa kanya ang kwarto at agad syang nagtungo doon.
Papasok na sana sya ng kwarto ng bigla syang huminto.
Suminghot sya at sinabing,"Andito sya".
"Sinong siya?".
"Ang Etnidad", sabi nya habang nakatitig sa kisame ng kwarto.
Ilang sandali lang ay nagpatay sindi na ang mga ilaw, hanggang sa tuluyan na itong nagsimatayan dahilan upang maging madilim ang buong paligid.
Sa sobrang dilim ay wala akong makita, mabuti na lamang at nagsindi ng lighter si Kairo.
"Ano ang nangyayari?", sabi ko.
"Shsssh", sabi nya at itinuro nya ang kisame.
Tinitigan ko ang kisame ngunit wala naman akong makita doon, hanggang sa makadinig ako na parang may humihinga sa madilim na parte ng kisame.
Bigla akong nakaramdam ng takot dahil hindi ganun ang tunog ng paghinga ng isang Tao, hindi ko maexplain ang paghinga nya, pero mahahalintulad yun sa paghinga ng mga halimaw na napapanuod ko sa telebisyon, talagang nakakapanindig balahibo kung iyong madidinig.
Napahawak ako sa braso ni Kairo at sinabing "Ano yun".
"Kung gayon ay naririnig mo sya, dahil sa dilim ay lumakas ang negative energy sa paligid, dahilan upang maramdaman at madinig mo ang prensensya nya", sabi ni Kairo.
Dumukot si Kairo sa kanyang coat at inilabas ang isang container na may laman na asin at isinaboy nya yun sa kisame.
Pagkasaboy na pagkasaboy nya ng asin ay dinig na dinig ko ang ungol ng halimaw na para bang nasaktan sya sa ginawa ni Kairo.
Ilang sandali lang ang lumipas ay nabuhay na ulit ang ilan sa mga ilaw at lumiwanag na ng bahagya ang buong paligid.
"Natalo mo ba ang halimaw?", sabi ko.
"Hindi ko sya tinalo, sa halip ay pinalayas ko lamang sya sa pagitan, nagbalik lamang sya sa mundo ng panaginip, pero anumang oras ay pwede sya makabalik, hanggat hindi naisasara ang orasyon".
7:15 PM
Dahil sa nasaksihan ko ay agad kong tinawagan si Pamela.
Hello Pamela asan na kayo?", sabi ko.
"Paalis palang kami ng San Jose Del Monte".
"Asan na si Chrislyn?".
"Wala si Chrislyn pero alam ko kung saan sya papunta, pupunta sya sa ex nya na si Marlou para dumiskarte ng drugs", sabi ni Pamela at bigla na lamang inagaw ni Kairo ang aking cellphone.
"Hindi makakatulong ang drugs sa kanya, sa halip magbibigay pa ito ng halluccinations , sabi ni Kairo.
"Teka sino ka naman?", sabi ni Pamela.
"Sya si Kairo, andito sya para tumulong", sabi ko.
"Ikaw ba yung sinasabi ni Kaira na tutulong sa amin?".
"Oo kapatid nya ako, wala na tayong oras kailangan mapigilan agad si Chrislyn dahil malaki ang chance na makapasok ang Etnidad sa haluccination once na mag take ng drugs si Chrislyn, pag hindi agad sya napigilan ay maaring matulad sya kay Krissy".
"Nasabi nadin sa akin ni Kaira ang tungkol kay Krissy na sa Day Dream sya inataki ng Etnidad",.
Kinuha ko muli kay Kairo ang cellphone at sinabing
"Ang mabuti pa siguro puntahan na namin si Chrislyn", ."Sige alam mo naman kung saan ang Condo ni Marlou diba?, dun nalang tayo magkita", sabi ni Pam.
"Sige ingat kayo", sabi ko at binaba ko na ang phone.
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 3
HororNapagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito totoo at wala silang matatawag, pwes akala lang pala nila yon.