Episode 7

610 22 1
                                    

(Pamela POV)

March 19, 6:41 pm

Tapos na ang klase at pauwi na kami ng pinsan ko na si Phoebet.

Sa kotse..

"Grabe ang traffic almost 1hr na tayo dito sa Edsa", sabi ni Phoebet habang nakahawak sa manubela.

"Monday kasi eh tapos rush hour pa", sabi ko.

"Kaya nga eh, siya nga pala Cuz ano ba ang ginawa mo kanina?, bakit hindi ka nakapasok sa last subject naten?".

"May pinuntahan lang ako'ng importante Phoeb, bakit hinanap ba ako ni Mam?".

"Oo sinabi ko nalang na masakit ang ulo mo kaya hindi ka naka-attend ng klase, pero sana next time magtext or tumawag ka naman sa akin, tiyak ako ang papagalitan ni Tita nyan pag may nangyaring masama sayo".

Oo nga nakalimutan ko'ng magsabi kay Phoebet sa sobrang abala ko sa pagbabasa at pakikinig kay Joey patungkol sa panaginip.

"Sorry  Phoeb, sige next time magsasabi na ako promise".

"So, saan ka nga ba nagpunta kanina?, ikaw ha baka may hindi ka sinasabi sa akin, siguro may boyfriend ka na noh? Ayhee 😍".

"Uy Phoebet ha issue yan ha".

"Eh manliligaw?".

"Ano ka ba andyan lang ako sa Library Cuz, may gusto kasi ako'ng aralin".

"Aralin?, may pinapaaral ba sa atin?, anong subject yun Cuz?".

"Wala naman".

"Oh eh ano yung inaral mo dun sa Library? At inabot ka pa ng tatlong oras dun?".

"About sa mga panagip lang Cuz".

"Hulaan ko, tungkol nanaman yan sa panaginip mo na naglalakad ka sa buong paligid na parang totoo?, or di naman kaya yung nilalang na nakita mo sa panaginip mo na maybe or just maybe dahilan ng pagkamatay ni Estre tama ba?".

"Oo eh".

"Sabi na eh, My God Cuz ilang ulit ko ba sasabihin sayo na Sudden Arrythmitic Death Syndrome or Bangungot ang kinamatay nya", sabi ni Phoebet at bigla na lamang nag-ring ang Phone nya. "Pasagot nga muna Cuz nag-dadrive kasi ako baka mahuli tayo", sabi nya at sinagot ko ang tawag.

"Hello Phoebet", sabi ni Chrislyn habang umiiyak.

"Chrislyn?, si Pamela ito, nagdadrive kasi si Phoebe kaya ako ang sumagot, bakit ka naiyak?, may nangyari ba?, pupuntahan ka namin, nasaan ka ba", sabi ko at patuloy siya sa pag-iyak.

"Si Krissy huhuhu patay na siya", sabi ni Chrislyn.

"Ha!, baket ano ang nangyari!", sabi ko at nagsimula narin ako sa pag-iyak.

"Hindi ko rin alam, ang sabi ng friend ko na nagwowork sa Gym bigla nalang daw tumumba si Krissy dun huhuhu otw nako dun sa gym sinabihan ko na din si Hazel", sabi ni Crislyn.

"Sige magkita nalang tayo dun", sabi ko at pinatay ko na ang tawag.

"Phoeb!", sabi ko ngunit bago ko pa man ituloy ang aking sasabihin ay nagsalita na siya.

"Narinig ko ang usapan, huwag na tayo pumunta dun Cuz", sabi nya.

"Ha bakit naman?".

"Ayoko ng makakita pa ng kaibigan na wala ng buhay Cuz, ayoko na!", sabi ni Phoebet sabay tungo sa manubela at umiyak.

Hindi nalang ako nagsalita, dahil tama naman siya hindi pa nga kami nakakamove-on sa pagkamatay ni Estre tapos ngayon si Krissy naman, hindi pa kami handang makita ang walang buhay nyang katawan, baka sumabog na ang dib-dib namin sa sobrang sikip.

Pinunasan ni Phoebet ang mga mata nya ng tissue at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami ng bahay.

Ghost Club: Chapter 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon