Sino ba si Kaira at bakit siya natawag?.
Gustuhin ko man sagutin ang tawag nya ngunit wala ako'ng data dahil kakaexpayrd lang ng load ko.
Kaya naman ni chat ko nalang siya ng "BAKIT PO?", ngunit bago ko pa man maisend ang message ay nag waiting for other network pa ang signal ko kaya hindi nagsend ang message ko.
Binaliwala ko nalang muna ang tawag at ibinulsa ang phone ko sabay tingin kina Phoebet , Hazel at Chrislyn na kasalukuyan din na nakatitig sa akin.
"Sino yung tumawag?", sabi ni Chrislyn.
"Hindi ko din alam eh".
"Hays kala ko pa naman may tutulong na sa atin, bwisit kasi na App yan bakit pa kasi natin naisipan laruin yun".
"Kung alamin kaya natin kung sino yung Developer ng App?, siya kasi gumawa nun marahil alam nya kung paano ito kokontrahin", sabi ni Hazel.
"Ginawa ko na yan kagabi, pero hindi ko mahanap sa Game Store yung App na yun", sabi ko.
"Ha? Paanong wala eh trending nga yon di ba?, miski sa newsfeed ko puro Challenge Momo App ang nalabas na nilalaro ng mga fb friends ko", sabi ni Chrislyn.
"Challenge Momo nga ang trend pero hindi yun yung nilaro natin nung gabi na yun", sabi ko.
"Sa pagkakatanda ko yung App na nilaro natin eh Call Momo", sabi ni Hazel.
"Oo miski sa umpisa mula sa nakunan ko'ng video ay ilang beses natin nabanggit ang Call Momo na nilalaro natin", sabi ni Phoebet.
"Kung yung Challenge Momo yung trend., ano yung Call Momo?", sabi ni Chrislyn.
"Tanging si Krissy lang ang makakasagot nyan dahil sa phone nya naka-install ang App", sabi ko.
"Kung hiramin kaya natin yung phone ni Krissy sa Mommy nya?", sabi ni Phoebet.
"Nope, galing kami ni Chrislyn sa burol ni Krissy kagabi , at sobrang bitter ng Mommy nya sa amin, ni hindi kami kinakausap", sabi ni Hazel.
"Magkakilala kasi ang Mommy ni Estre at ang Mommy ni Krissy kaya siguro nahawaan at malamang tayo ang sinisisi nila sa pagkamatay ng mga Anak nila", sabi ni Chrislyn.
"Kailangan makuha natin yung phone nya, isa ang App na yun sa mga susi sa mga nangyayari na ito", sabi ko.
"Ako na ang bahala sa phone, bigyan nyo lang ako ng dalawang araw para makuha ang phone", sabi ni Hazel.
"Paano mo gagawin yun di ba galit nga sa atin ang Mommy ni Krissy?", sabi Phoebet.
"Yung Pinsan ni Krissy na si Diego, matagal ng nanliligaw sa akin yun, magagamit ko siya para makuha ang phone".
"Dalawang araw?, baka may mabiktima nanaman sa atin ngayong gabi or bukas kung papaabutin pa natin toh ng 22?", sabi ni Chrislyn.
"Ka chat ko si Diego nasa Davao sya ngayon pero uuwi sya sa ika 22 ng March, 4am ng madaling araw ang flight nya siguro makakauwi sya dito ng mga 6am, and then papakuha ko agad sa kanya yung phone", sabi ni Hazel.
"Hmmpf!, so kailangan pa natin masurvive ang dalawang gabi na darating ng walang namamatay ganun ba?", sabi ni Chrislyn.
"We have no choice wala naman tayong access sa family at house nila Krissy alangan namang pasukin natin yung bahay nila makuha lang yung phone!, si Diego lang talaga ang pag-asa natin para makuha yun".
"Then goodluck sa atin", sabi ni Chrislyn sabay walk out.
"Teka saan ka pupunta?", sabi ni Phoebet.
"Hayaan muna siya Cuz, intindihin mo nalang siya tulad natin, takot lang din sya", sabi ko.
"Uuwi nalang din muna ako, hindi muna ako papasok ngayong araw tutal wala naman ginagawa at puro clearances lang naman ang inaasikaso, goodluck Girls keep safe", sabi ni Hazel at umalis nadin ito.
Matapos ang araw ay umuwi na kami ni Phoebet sa aming bahay.
Sa bahay...
March 20, 9:45 PM
Nasa Show room lang kami ni Phoebet habang nagmomovie marathon, iwas antok at iwas tulog.
"Kaya ba natin hindi matulog ng magdamag? Or ng dalawang araw?", sabi ni Phoebet habang humihigop ng mainit na kape.
"Hindi ko din alam".
"Kung magbantayan nalang kaya tayo?".
"Anong ibig mo'ng sabihin Phoeb?".
"Babantayan kitang matulog ng dalawa na oras and then kung napapansin ko'ng binabangungot ka gigisingin kita agad at ganun din gagawin mo sa akin pag ako naman ang natutulog".
"Hindi ba delikado what if hindi tayo magising?".
"Makakatulong kasi kung makakatulog tayo kahit idlip lang ng tig dadalawang oras kahit ngayon gabi lang para bukas ng gabi eh matiis natin ang di matulog".
Medyo tama si Phoeb doon, kase kung lalabanan namin ang antok ngayong gabi mahihirapan kaming labanan ang antok sa pangalawang gabe, kaya importante na may tulog kame kahit idlip lang or kahit paputol putol para sa 2nd night ay medyo malabanan pa namin ang antok.
Kahit na medyo delikado ay ginawa padin namin, ako ang unang natulog at si Phoebet ang unang nagbantay.
Humiga ako sa kanyang hita at pumikit.
Ang liny ng mga character sa t.v ang huli ko'ng naririnig habang papasok sa pagtulog.
Biglang tumahimik ang buong paligid at tumunog ang nakakabinging tining kaya naman napadilat at napatayo ako.
Pag-bangon ko ay wala na si Phoebet sa aking tabi kaya naman agad ako'ng nagpanic.
Tumingin ako sa buong paligid wala talaga siya.
Tumingin ako sa itaas sa 2nd floor at napansin ko na nakabukas ang pinto ng kwarto namin, marahil ay naroon siya kaya naman sumigaw ako ng..
"Phoebet!", sigaw ko.
"Bakit Cuz?", sabi nya na tila nasa loob ng banyo dito sa 1st floor.
"Andyan ka lang pala kala ko nawala kana".
"Relax Cuz nagtoothbrush lang ako saglet".
"Okay ang ingay eh kaya nagising ako sa tining".
agad ko'ng hinanap ang pinanggagalingan ng tining.
At nanggagaling yun sa t.v na may mga ibat ibang kulay na linya na kasing lapad ng ruler.
Dinampot ko ang remote at pinatay ang t.v.
Pagkapatay ko ng t.v ay laking gulat ko ng makita sa repleksyon ng black screen ang natutulog ko'ng katawan habang nakahiga at nakakandong ang ulo ko sa hita nang natutulog na si Phoebet.
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 3
TerrorNapagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito totoo at wala silang matatawag, pwes akala lang pala nila yon.