(Krissy P.O.V)
March 19, 6:01 pm
matapos ng klase ay nagpunta ako sa Gym para mag work-out.
Sayang at wala na ang aking gym buddy na si Estre, siya lang kasi ang palagi kong kasama na magpunta dito dahil parehas naman namin gusto maging fit at magka abs.
Nilagay ko ang headset sa aking magkabilang tenga at sinimulan ko na ang pag tetreadmill para magpapawis.
Matapos ko sa treadmill ay sinimulan ko na ang aking killer abs routine.
Sit-up, Lying Leg Raise, Jack Knife Sit-up, Leg Pull-In, Toe Touches at Crunches. Lahat tag 30 kaya sobrang nakakahingal.
Matapos ng aking Routine ay nagpahinga muna ako at umupo sa bench, kinuha ko ang tumblr sa aking bag at uminum ako ng tubig dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nilapag ko ang tumblr sa aking tabi at pinanuod mag work out ang isa sa mga babae sa Gym.
Ang ganda ng katawan nya, kailan ko kaya maachieve ang ganyang body napangiti ako at nangarap.
<<<<<<
Pag-ako nagkaroon ng ganyang katawan, walang lalake ang hindi titingin sa akin, maganda na seksi pa, and then may makakadiscover sa akin na talent manager magiging artista ako, makaka tambalan ko si Daniel, Enrique or James, hays ang sarap mangarap.
Sa kalagitnaan ng aking DayDream ay napansin ko na parang humina or nabawasan ata ang mga ilaw sa buong Gym, magsasarado na ba ang Gym? pero napaka-aga pa?.
Nagtaka ako at kumawala ako mula sa pagkatulala sa pagdi-DayDream. Tumingin ako sa buong paligid at nawala ang lahat ng Tao maliban sa Babae na gumagamit ng Treadmill, bukod sa aming dalawa ay wala na talagang ibang tao sa buong Gym, paano nangyari yun mga 30seconds ago sobrang daming tao dito tapos natulala lang ako ng ilang sandali bigla na lang silang naglaho, hindi naman ako bulag para hindi sila makita na nag-alisan, unless nalang sobrang lalim ng DayDream ko.
Gulong gulo na talaga ako kaya naman sumigaw ako sa Babae.
"Miss anong nangyare dito?, kanina lang sobrang dami ng tao dito tapos bigla silang nawala?, sigaw ko pero patuloy parin siya sa pag-takbo sa tread-mill.
Marahil hindi nya ako marinig dahil sa kanyang headset kaya naman nilapitan ko siya.
Habang papalapit ako sa kanya ay parang nagiging pamilyar ang katawan nya sa akin, parang kilala ko siya.
Pony hair, pink headset, pink sports bra, gray jog pants, white Nike rubber shoes.
"Estrelita?", sabi ko at pinatay nya ang Treadmill at huminto siya sa pagtakbo.
Sa araw-araw na nakakasama ko siya dito sa Gym walang duda siya nga si Estre.
Pero paano nangyari yun?, patay na si Estre?, andun ako nung sinabi ng Doctor yun.
Kahit na medyo nakakaramdam nako ng kaba ay nagsalita padin ako kase half of me ay nag-iisip na baka buhay pa naman talaga tong si Estre at baka na good time lang kame ng Doctor at ng Mommy nya, sa pagka-kakilala ko din kasi kay Estre ay isa siyang Prankster.
"So palabas lang pala lahat ng nangyayare?", sabi ko ngunit hindi siya nagsasalita.
"Enough wag muna ako takutin dahil hindi ako natutuwa!, talagang nag effort ka pa at ang mga tao dito! pwes hindi magandang Prank ito! Hindi tama ang ginawa mo Estre, nasaktan kaming lahat kasi akala namin patay kana!", sabi ko ngunit hindi talaga siya nagsasalita.
Lalapitan ko sana siya ngunit muntik na ako'ng madulas dahil basa pala ang sahig.
Pag-tingin ko sa lapag ay may tumatagas na pulang likido sa sahig na mistulang dugo na nanggagaling sa Treadmill nya.
At ang mistulang dugo na yun ay nakita ko'ng umaagos at tumutulo rin sa jog pants ni Estre.
Napatigil ako sa pag-hakbang at sinabing "Okay ka lang ba Estre?". Pero hindi talaga siya nasagot.
Hindi na ako nagsalita, nakatitig lang ako sa kanya.
Habang tini-titigan ko siya ay nabaling ang mata ko sa Transparent na salamin na nasa tapat nya at sa repleksyon non ay nakita ko ang itsura nya.
Dahan-dahan akong napaatras sa aking nakita at ng malayo na ako sa kanya ay napagpasyahan ko ng tumakbo ngunit pagkaharap na pagkaharap ko mula sa pagkatalikod ay bumungad sa harap ko ang duguan at wasak na mukha ni Estre kaya naman napasigaw ako.
"Miss okay ka lang bigla ka nalang sumisigaw dyan habang natutulog sa bench?", sabi nung lalaki sa akin.
Tumingin ako sa buong paligid at nagbalikan na ang mga tao.
"Sorry nanaginip lang kasi ako ng masama", sabi ko.
"Ah ganun ba, marami ka sigurong iniisip, na bubully ka siguro sa School nyo, hayaan mo papayat kadin", sabi nya.
Ano ba ang pinag-sasabi ng lalaki na ito, fit na fit naman ang katawan ko ah?.
Tumayo ako at parang napaka bigat ng aking buong katawan.
Sa aking pagtayo ay agad akong tumingin sa salamin at nagulat ako dahil sobrang napaka-taba ko.
"Hinde!, hindi totoo ito!", sigaw ko at bigla na lamang ako pinagkumpulan ng mga tao sa gym habang sumisigaw sila ng Baboy, Mataba at Pangit.
"Tumigil kayo! Hindi totoo ito!, hindi ako mataba!, wag nyo kong tawanan!", sigaw ko at tinakpan ko ang aking magkabilang tenga pumikit ako at napaupo.
Maya-maya pa ay tumahimik na bigla ang buong paligid.
Dinilat ko ang aking mga mata, wala na ako sa Gym, nasa isang madilim na kwarto na ako na may spotlight sa akin.
Tumayo ako, ano ba talaga ang nangyayari?, nasaan na ba ako?, base sa tiles ng sahig malamang ay nasa Comfort Room ako ngunit paano ako napunta dito?.
Bigla na lamang kumati ang aking ulo kaya naman kinamot ko ito.
Sa aking pagkamot sa ulo ay naramdaman ko ang pag-gapang ng mga ipis sa aking kamay na tila nanggagaling sa aking ulo.
Agad ko'ng pinagpagan ang aking ulo at nagsi-laglagan ang napakaraming ipis sa sahig.
Nagti-tili ako habang pina-pagpagan ang aking ulo dahil meron akong Entomophobia or takot sa mga insekto lalo na sa mga ipis at gagamba.
Umiyak nako at nanginginig dahil walang tigil ang pagbagsak ng mga ipis sa sahig mula sa aking ulo.
Ilang sandali lang ang lumipas ay napuno na ng ipis ang buong sahig at ang iba dito ay gumagapang na sa akin.
Patuloy ang pagdami ng mga ipis na parang baha na hanggang bewang na umaagos sa buong paligid.
Narrator: Unti-unting lumulubog si Krissy sa napakaraming mga ipis na parang kumunoy, patuloy sya sa pag-sigaw ngunit natigil yun ng pasukin ng mga ipis ang kanyang bunganga, ilong at miski ang kanyang tenga. Maya-maya pa ay tuluyan ng lumubog si Krissy sa kumunoy ng mga Ipis.
>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 3
HorrorNapagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito totoo at wala silang matatawag, pwes akala lang pala nila yon.