Episode 24

504 19 0
                                    

Sa Madilim na mundo at kwarto na ito ay aking nakita ang natutulog ko'ng katawan.

Hindi lang ang aking katawan pati nadin ang katawan ni Hazel na mahimbing na natutulog sa sofa at ang katawan ni Phoebete na nakahiga sa  kama ng Ospital.

"Ang nakikita mo ay ang mga Pisikal na katawan nyo sa tunay na mundo, kung visible pa sa mundo na ito ang mga pisikal na katawan ng dalawa, it means buhay pa sila", sabi ni Kairo.

"Kairo mabuti at nakasunod ka agad", sabi ko.

"Oo dahil normal nalang na gawain sa aming mga Paranormal Agents ang gamitin ang orasyon, madalas ko gamitin ito pag may gusto akong kausaping kaluluwa na nasa paligid, atsaka sa tingin ko kailangan mo din ng aking gabay dito sa mundo ng pagitan".

"Salamat pero pwede ba ako magtanong, paano nangyayari ang lahat  ng ito, hindi lang talaga ako makapaniwala na may ganito pala, gusto kong mas maliwanagan pa sa lahat ng ito".

"Sige  siguro bago tayo magsimula, ay nararapat lamang na sabihin ko sayo ang tungkol sa lahat ng ito,pati narin kung paano gumagana ang iyong kakayahan".

"Nakikinig ako".

"Siguro naman ay alam mo na, na tayo ay nasa mundo ng pagitan na pinag-gigitnaan ng  Tunay na mundo at ng mundo ng mga namayapa, sa madaling salita eto ang nagsisilbing tulay ng dalawang mundo na pinagsama sa iisang dimensyon, kung saay, makikita ang hindi makita ng ordinaryong mga mata, madidinig at maamoy ang hindi madinig at maamoy ng ordinaryong tenga at ilong, lahat ng kababalaghan na nangyayare sa Tunay na mundo ay dito nanggagaling sa Pagitan".

"Isang dimensyon kung saay pinagsama ang dalawang mundo?, lahat ba ng mga makikitang nilalang dito ay nag eexist din sa tunay na mundo ngunit sa tunay na mundo ay hindi iyon makikita  ng ordinaryong mga mata?", sabi ko.

"Uhmm parang ganun na nga".

"Pero paanong yung ibang mga multo ay nakakapagpakita sa tunay mundo?".

"May mga antas at lebel ang isang espirito, at nakabase yun sa negative energy na nasa kanila".

"Negative energy?".

"Takot, Lungkot, Pagsisisi at Galit ang pinagkukunan ng negative energy ng isang kaluluwang namayapa na, hindi ko na ipapaliwanag isa-isa kung paanong ang mga emosyon na ito ay nakakalikha ng level 2 hanggang level 4 na Bad Spirit , pero as long na nag-uumapaw ang apat na emosyon na yan sa isang Bad Spirit, magkakaroon at magkakaroon sya ng link papunta sa tunay na buhay".

"Naiintindihan ko".

"Pero hindi yan ang dapat mong malaman, wala na tayong oras kaya sana maintindihan mo ang mga susunod ko na ipapaliwanag  sayo".

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para intindihin".

"Bweno magsimula na tayo, kanina ay binanggit ko sayo ang tatlong mundo, ngayon naman ay ipapaliwanag ko ang tatlong katawan, ang Physical Body, Astral Body at Spiritual Body. Una ang Physical Body ay ang katawan natin sa Tunay na mundo, ang katawan  mong nakikita na natutulog ngayon at nakahiga, yan ang ating Pisikal Body, or kung tawagin ay isang container".

"Container?, bakit container?".

"Container dahil nakapaloob dito ang life force or buhay ng isang tao, ang life force ay dumadaloy at nagpapatakbo ng buong sistema ng katawan magmula sa pagtibok ng puso or pagdaloy ng dugo, miski ang pag-gamit ng utak  sa pag-iisip lahat ay dahil sa life force".

"Okay naiintindihan ko".

"Pangalawa ay ang Astral Body, ang Astral Body ay nakalink sa Physical Body at Spiritual Body, at eto yun, eto ang ating mga Astral Body, kung nararamdaman mo na may magnetic force sa buo mong katawan yan ay dahil sa hinatak ng iyong Physical Body ang iyong Life force Body pabalik".

"Masama ba yun?, na humiwalay sa aking Physical Body?".

"Hindi naman dahil naka link naman ang tatlong body sa isat-isa, pero ang Astral body ay nakakaramdam padin ng sakit dito sa mundo ng pagitan, kaya ano man maging pinsala ng iyong Lifeforce body ay  makakaapekto sa iyong Physical Body, pag namatay ang iyong Astral Body dito mamatay din ang Physical Body mo sa tunay na mundo".

"Ganun ba kailangan pala mag-doble ingat".

"Mapunta naman tayo sa  Spiritual Body or ang Resurection Body, ang Spiritual Body ay humihiwalay na sa Physical Body kapag ang lifeforce ay nawala na".

"Ano ang mangyayari sa Spiritual Body kapag humiwalay na sa Physical Body?".

"Uhmm kung ang Spirit mo ay pure ay diretso kana agad doon ☝️, pero kung hindi naman ay mananatili ka sa pagitan ng 40 days, at sa 40days na yun ay pwede kang makalikom ng negative energy para magstay or pwede ding positive energy naman para magstay or makatawid na sa kabilang buhay".

"Sige, naiintindihan ko naman lahat ng sinabi mo, kailangan kong mag-doble ingat dahil pag namatay ako dito ay mamatay nadin ako sa tunay na mundo tama ba?".

"Tama pero wag ka mag-alala mas puro ang life force energy mo kesa sa iba, it means dito sa pagitan hindi ka pwede galawin, dahil para nadin silang humawak ng apoy paghinawakan ka nila, at isa pa may kakayahan kang maglakbay papasok  at palabas ng pagitan at mga dimensyon dahil kotrolado mo ang iyong Astral Body na parang Physical Body mo, pero kailangan mo padin mag ingat para sa sigurado".

"May tanong ako paano ako makakabalik sa Tunay na mundo?".

"Kung sa amin kelangan pa ng orasyon, sayo hindi na, pumunta ka lang sa direksyon ng Physical Body mo at  hawakan mo lang , at kusa kanang magigising at makakabalik sa tunay na mundo".

"Paano naman ako makakapasok sa dimensyon?".

"Kapag may nakita kang portal, hawakan mo lang yun at mapupunta ka sa ibang dimensyon".

"Sige".

"Okay na?, malinaw na ba sayo ang lahat?".

"Oo, salamat".

"Sige simulan na natin ang paghahanap sa portal".

Naghuloghog kami ni Kairo sa buong kwarto ngunit hindi namin mahanap ang portal.

"Wala dito ang portal marahil ay nasa labas yun ng unit na ito", sabi ni Kairo.

"Oo naalala ko, kinuha ng Etnidad si Estre palabas, tapos bigla sila nawala", sabi ko at dali-dali ako tumakbo palabas.

Pagkalabas na pagkalabas ay nakita namin sa ding-ding ang isang portal na parang isang maliit na alimpuyo na kulay itim.

"Ano na ang gagawin ko? Hahawakan ko na ba?", sabi ko.

"Mag-iingat ka, Pamela", sabi ni Kairo at hinawakan ko na ang portal.

Ghost Club: Chapter 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon