Chapter 2

41 3 0
                                    

Yasmine's POV

Naglalakad na ako sa daan ng biglang sumabay sakin si Aiman. "Nagugutom ako Yasmine. Tara kain tayo, ililibre kita..." sabi niya kaya napangiwi lang ako.

"Ayokong gumastos tsaka ba't mo pako isasama? pede ka namang kumain mag isa ah?" sabi ko pa.

"Haist! wag kang mag-alala sa gastos kasi ililibre naman kita"

Tumanggi ako pero sobrang kulit niya kaya pumayag na ako, bahala siya di naman ako ang mababawasan ang pera eh.

"Ano ba gusto mo? Mang inasal o.... sakin ikasal?" nakangising ani niya, akala naman niya kinagwapo niya ang pagngisi eh mukha nga siyang tinolang manok.

"Can't you just be silent for a few minutes? your lame pick-up lines are annoying" I said.

"Sungit talaga... pero okay lang, crush pa rin kita hehe" he said while pulling my wrist towards the restaurant. I just slapped his hands because his grip is tight, at saka kadiri ang hawak niya, malay mo nangulangot siya kanina.

Siya na rin ang nagpresintang umorder at kumain lang ako. Naka limang unli rice pa nga ako eh tas sa kanya apat lang.

I used the tissue to wipe out the chicken oil residue on my mouth when Aiman leaned towards me and patted my head. I just slapped his hands and kicked his knee below the table.

"Ouch.... hehehehe, sorry di ko mapigilan. Ang cute mo eh!" sabi pa niya.

"Kung sikmuraan kaya kita? baka di ko din mapigilan" sarkastikong sabi ko and he chuckled.

"Ang tapang mo naman masyado, para kang gangster sa school eh hahahahhaha. Kung maglakad ka para kang siga, hahahahhaha..." tawa pa niya.

"Pake mo? atleast di kagaya ng sayo parang bading..." pangiinis ko naman.

"Ano!? sinong bading ha? nakikita mo ba tong biceps ko ha?" tanong niya na tinaas pa ang braso.

Napatingin ako sa paligid at andaming nakatingin sa kanya, jusko, di manlang nahihiya ang mokong.

"Oh? wala kang masabi di ba? sige, ipakita ko nalang sayo ang abs k---" nagtataas na siya ng t shirt ng pigilan ko siya. "Tss, tara na" pag aaya ko pa kaya tumayo na din siya. Di manlang nahihiya ang baluga.

"Ahhhhh...." disappointed na sabi ng mga babae sa restaurant, malalandi ang mga to.

"Ahhhh, so gusto mo solo mo ako?"

"Sikmuraan kaya kita?" banta ko at napangiwi naman siya. Bumulong pa siya ng 'amazona' kaya sinipa ko siya sa tuhod.

Lumabas nako sa restaurant at saka naglakad. "Ho-Hoy! Yasmine!" hinabol pa niya ako habang nasigaw kasi di ako natigil sa paglalakad, baket importante siya?

"Siguro may inoffer sayo ang principal noh? I think, dapat mo nang tanggapin ang offer besides, wala ka na din naman mapapasukang school dito diba?" nakangiting aniya.

Pano niya nalaman yon? I'm certain na ang sinabi ko lang sa kanya ay 'I'm expelled', weird.

"How did you know that?" I curiously asked.

"Ang alin?" takang tanong naman niya.

"That the principal offered another school for me..."

"Ano yon? wala naman ako sinabe ah?!" tanggi niya pa. Tss, walang kwentang kausap.

"Nevermind..." sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. "Ho-Hoy! ano nga yung sinasabi mo kanina? anong pano ko nalaman?" walang tigil pang tanong niya. Sinabi na ngang nevermind, jusq, hina ng utak neto.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now