Chapter 12

21 2 0
                                    

Yasmine's POV

Nahiga muna ako sa kama pagpasok ko sa kwarto. Mamaya ko na muna ihahanda ang mga gagamitin ko.

Kapapasok ko palang, mission na agad?

Nahiga ako ng ilang minuto bago ko napagdesisyunang bumangon. Nagugutom ako eh... kaya pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref.

I saw an ice cream, vanilla ang flavor... kay Phoebe kaya to? pero hayaan na, gutom nako eh.

Kinuha ko yung ice cream atsaka yung cake sa ref at saka dinala yon sa sala. Kung kay Phoebe man tong mga pagkain na to, pabayaan na... aba, ang selfish naman niya kung ayaw niya ishare saken.

Binuksan ko ang TV at anime ang palabas. Meron din pala nito sa magic world?

Pinanood ko pa rin yung anime na yon kahit napanood ko na yon dati.

Nang matapos ang palabas ay pinatay ko na ito saka umakyat sa kwarto. Ihahanda ko na ang susuotin at ang mga kailangang dalhin bukas, para makatulog ako ng maaga.

Nagdala lang ako ng ilang mga damit at backpack lang ang gagamitin ko, OA masyado pag naka-maleta, di naman ako si Daniela Mondragon.

Inilabas ko na rin yung isang uniform na ginagamit pang missions at isinampay iyon sa may bintana para madali na ang pagbibihis ko. Naglabas na din ako ng hoodie kase baka malamig.

Now, that everything's ready... I immediately drifted into sleep...

🌹🌹🌹🌹🌹

I woke up and noticed that it is already 3 am.

Antagal ko palang nakatulog? halos 1:30 pm palang nung natulog ako kahapon eh.

Bumangon na ako at saka naligo. Sinuot ko na rin yung uniform namen, at saka ako bumaba sa kusina.

Tulog pa si Phoebe kaya nagluto na ako ng pagkain ko. Nagluto ako ng itlog at pancit canton. Nagtimpla na rin ako ng gatas at saka kumuha ng cereal. Gutom na gutom ako, di na ako nakapaghapunan eh.

Kakaiba nga rin ang taste ko sa pagkain pero ayos lang basta busog.

4:30 pa naman ang call time namen kaya matagal tagal pa ang oras ko. Nagpakabusog muna ako bago naupo sa sala. I checked my cp at naglaro na rin upang malibang habang naghihintay.

Nung mga 4:13 ay umalis na ako sa dorm dala dala ang backpack... nagsuot rin ako ng hoodie at saklob.

Tahimik sa hallway at walang estudyante ang naglalakad, malamang mga tulog pa ang mga yon.

Nang makarating ako sa gate ay nadatnan ko don si Minne, Quinn, Hugho at Levi.

"Ang ganda natin ah?" biro ni Minne saken.

"Ako lang, di ikaw..." sabi ko pa. Napatawa naman si Minne at saka bumulong ng, "Ikaw na nga, hahahaha"

Nag-intay pa kame ng ilang minuto bago dumating si Aiman...

"Wow? ang aga niyo ah?" sabi pa nito bago makalapit samin.

"Late kalang..." sabi ni Quinn.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now