Chapter 13

19 1 0
                                    

Yasmine's POV

"Don't you dare hurt my comrade, you filthy bitch..."

Bigla nalang may lumabas na yelo sa paanan nung papatay sana sakin at parang gumapang yung yelo pataas kaya nagyelo na rin yung hawak niyang espada at ang kanyang leeg, bale itinira lang yung ulo niya.

Sakto, ah? pero kahit naman di siya dumating iiwas pa ren ako...

A fire sword appeared at his hand at saka niya itinutok iyon sa ulo nung babae.

"W-Who are you? let me go!" inis na sabi pa nung nakayelo kay Hugho.

"Tanga ka ba? kaya nga kita niyelo para di ka makagalaw tapos papakawalan kita?" sarkastikong sabi pa niya.

Nagalit naman ang babae saka gumalaw galaw pero walang nangyari. Para siyang daga na inilagay sa chest freezer.

"Damn you! kayo! atakihin niyo siya!" tumingin pa ito sa kasamahan niya at nginuso pa si Hugho.

Tila natauhan naman ang mga iyon at saka sabay sabay na sumugod patungo kay Hugho.

"Enchant: Ice Age" umapak lang siya sa sahig at nagyelo ito. Elsa ka ghorl?

Parang nagapang din yung yelo papunta sa kanila at nang magkaroon sila ng contact sa yelo ay nagyeyelo na rin sila gaya ng nangyari sa babae.

"Enchant: Shackles!" cast nung isa at biglang may lumitaw sa likod ni Hugho na Chain, binalot pa nito si Hugho sa buong katawan at napangisi yung lalaki.

"Is this your magus?" tanong ni Hugho na parang nandidiri pa.

"It's weak..." dugsong pa niya at mukhang nainsulto naman yung lalaki.

Nagsummon pa siya ng sobrang daming chains at binalot nito si Hugho. As in balot na balot talaga, yung di mo na siya makikita tapos ilang layer pa yung chains, sobrang kapal eh.

"Elfire..." bulong nung nasa loob at bigla na lamang nag-apoy yung chains. Nalusaw yung mga kadena at tumambad naman sa amin ang nakangiwing mukha ni Hugho na parang sobrang nandidiri pa. Grabe naman...

"That's all you've got?" nang-iinsulto pang ani niya.

"W-What the heck? he-he's a hybrid magoi?!" sabi pa nung isa.

"Just attack him!" utos naman nung babae na nakayelo. Utos ng utos, ano ka reyna?

Tumayo na ako at saka tinitigan yung mukha nung babae, nanlilisik ang mata niya at mukha siyang kwago.

"Do you mind if I take your eyeballs out?" takang tanong ko. Gusto ko lang naman i-try, ang laki kasi ng mata niya eh.

"What the heck?! you stupid girl!"

"Don't worry, I'll return it back later..."

"Tanga ka ba?! pano mo maibabalik?! intayin mo lang na makawala ako dito, papatayin na talaga kita!" inis na inis na sabi nung babae.

"Ba't ka nagagalit? nagpaalam na nga..." sabi ko pa. Masama ba yon? tatanggalin ko lang pero ibabalik ko din... tss, gusto ko lang i-try eh.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now