Yasmine's POV
Hindi ko alam kung bakit pero mukha talaga silang tanga, ampapanget ng itsura. Imagine, pagtingin ko sa kanila ay nakapose sila, siyempre maliban kina Hugho at Levi.
Nakaharap sila at nakatingin sa akin na naka-pose? parang minomodel nila yung weapon nila, ganon.
Yung iba ay naka-fierce pa lalo na si Talia at mukha talaga siyang doorknob. As in, seryoso yung expression niya na nakataas pa ang isang kilay tapos nakanguso ng slight. Diba? mukhang tanga?
Si Aiman naman, nakataas yung dalawang weapon niya at nakachin-up pa, parang siya yung nasa commercial ng bonakid, yung bata.
Si Minne at Quinn, ayos lang naman ang pose nila pero mukha silang sanga ng puno.
Si Thea, nakatutok pa sakin yung staff niya na parang hahampasin ako, siya kaya diyan ang hampasin ko?
Si Levi ay normal lang, hawak lang niya yung weapon niya at nakangiti... pero mukha siyang hintuturo sa paa.
Si Hugho? mukha siyang kurtina pero wala siyang hawak na weapon, I just don't know why.
"Ano, Yasmine? ayos ba ang pose namin?" nakangiting tanong ni Talia.
"Ayos na sana, kaso andiyan ka"
"Huhuhuhu, ang bad mo sakin Yasmine... isusumbong kita kay papa, huhuhuhu. Charot!!!" madramang sabi pa niya.
"Babe, wag ka naman masyadong tumingin sa biceps ko... kitang kita kong muntik mo nang ilabas ang cp mo para picture-an ako eh" Aiman said confidently.
"Wala nga akong dalang cellphone ngayon eh"
"Pero kung may dala ka, pipicture-an mo pa ren ako?" tanong niya habang nagpupuppy eyes.
"Ba't naman kita pipicture-an? sa panget mong yan..."
"Grabe anong panget sa mukhang to, ha?" tanong niya na hinawakan pa ang mukha niya na parang ipinasusuri sa akin. "Ayan ngang si Talia, crush na crush ako, ayaw na ayaw niyan na di nakikita ang mukhang to... tapos ikaw, sasa---"
"Di naman ako si Talia kaya bakit ko gugustuhing makita yang mukha mo?" I asked.
"H-Hoy?! ba't nadamay ako diyan? atsaka anong sinasabi mo diyan, Aiman?! di ko kaya ginugusto na makita ang mukha mo!!! ang kapal, ah?" Talia said while rolling her eyes.
"Wag ka nang magdeny, Talia... alam kong may crush ka saken" pang-aasar pa nito.
"Kapal mo naman, ano namang macucrush-an ko sayo? kung si Levi, pwede pa"
"Ayieeeee, #TaVi!!!!" sabat pa ni Thea.
"HAHAHAHHAHA, kinikilig si Levi!" pang-aasar pa ni Minne.
"No, I'm not..."
"Naku, Levi wag ka nang tumanggi pa... namumula ka oh?" pang-aasar din ni Quinn.
"Tch, bakit napunta naman sakin? tease Hugho instead"
"Ayoko baka masampal ako niyan, HAHAHAHHAHA" natatawang ani ni Quinn.
Hugho just looked at them blankly before shifting his gaze again. "See? wala pa nga akong ginagawa, natingnan agad ako" nakangusong sabi ni Quinn.
"HAHAHAHHAHAHAHA, pero parang may chemistry sa kanila ni Yasmine" singit ni Thea. Napalingon pa ako dito at nag-peace sign lang siya sakin.
"HAHAHAHAHAHAHHA oo nga noh? kay Hugho at Yasmine?" natatawang ani pa ni Talia. I just looked at her and I can't really understand what's funny about that.
YOU ARE READING
Magia Academia
Fantasy"Maybe, it's not a coincidence that I was brought here. It is fate that binded me within this academy which paved the way to maintain peace and glory" She's Yasmine Raven Lois, a student from a peculiar academy. An academy which enhances the student...