Chapter 3

43 3 0
                                    

Yasmine's POV

We are now heading to Meridian High to give the letter on the principal. May form kasi na kasama dun sa letter.

Ang laman lang niya ay yung biography mo ganon, so finill up-an ko lang siya.

"I'm sure Yasmine, matutuwa ka don!" masayang ani ni Aiman.

"Ba't ba tuwang tuwa ka don sa school na yon? nakapunta ka na ba don?" tanong ko nang nakakunot ang kilay.

Nakakairita na, kanina pang nagsasabi na maganda daw don, tas pag tinatanong ko kung pano niya nasabi bigla nalang tatawa at mag sasabi ng 'secret!', ang sarap ibalibag eh, pasalamat siya pinatuloy niya ako sa condo niya kaya di ko yun ginagawa.

"Hahahaha, ba't ba naiinis ka? sinasabi ko lang naman na maganda..." nakapout na sabi niya, tss, kala'y cute eh.

Di ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang papasok sa Meridian High.

I knocked on the door three times and Ms. Melanie spoke, "Come in, Ms. Lois!"

Pumasok na ako and a thought suddenly crossed my mind...

HOW THE HECK DID SHE KNOW THAT I'M THE ONE BEHIND THE DOOR?!

Wala namang salamin ah? tsaka di naman ako nagsasalita habang papunta dito so she can't recognize my voice. Detective ba siya?

"Take a seat, ija..." sabi niya. Sana'y itatanong ko iyon sa kanya pero pinili kong wag nalang, tinatamad ako eh.

"Sooooo... ano? did you accept the offer?" malamang di naman ako babalik dito kung di ko tinanggap, tss.

I just nodded as an answer at pumalakpak naman siya. "Nice!" nakangiting sabi niya.

Kinuha ko nalang ang letter mula sa bag na dala ko saka iniabot sa kanya. Binuklat pa niya iyon saka binasa at ngumiti ulit, showing her dimples.

"All right! then, just wait for a day, ija! Bukas na bukas rin ay susunduin ka na ng service mo. So, magready ka na ngayon palang!" she said.

"Okay?" medyo patanong na sagot ko. Pano ba naman kase, sobrang weird nila. Ba't ba tuwang tuwa sila na lilipat nako?

"Hayyyy! Yasmine, ba't mo naman ako iniwan?" tanong ni Aiman na kabubukas palang ng pinto. Nakikipag-usap pa kase siya don sa mga teachers na nakasalubong niya kanina, eh ako'y dumiretso na.

"May sinabi ka bang hintayin kita?" takang tanong ko.

"Haist! syempre matic na yon!" nakangiwing ani niya, na parang di makapaniwala.

"Shhhh! Mr. Haven, don't shout. Di kayo magkalayo..." sita ni Ms. Melanie.

"Sorry po, Ma'am!" paumanhin naman ng gunggong. Nagtinginan pa sila at saka nangngitian, ano yon? nagkaintindihan na agad sila sa tingin palang?

"Mr. Haven, si Yasmine ha? alagaan mo? kung maari sa condo mo muna siya patirahin hanggang bukas ng umaga. Bukas na kasi siya susunduin..."

"Ok po, Ma'am..." magalang na ani nito na nagbow pa. "Oh? Yasmine, rinig mo yon ha? dun ka na muna matulog sa condo ko, wag kang mag alala wala akong gagawing masama sayo" nakangising ani niya. Tss, para namang aalis ako don? wala akong balak noh... siyempre tsaka lang ako aalis pag dumating na yung sundo daw.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now