Chapter 1

154 7 11
                                    

Yasmine's POV

"Oopss! sorry kiddo!"

A girl just bumped on me this morning but lucky for her, I have a lot of patience.

I ignored her and continued walking on the corridor of our school.

I am just silently walking, not minding other people's stare at me. Nang biglang may lumipad sa ere na bote ng pepsi, yung nasa lata?

I immediately turn around and kicked it, tapos tumama pabalik yung bote sa tiyan nung babaeng naghagis nito.

I stared at her, pokerface, and she just rolled her eyes saka pinulot ang lata at umalis. Ay? attitude, mukha namang index card.

Hindi ko alam kung bakit pero andami talagang nambubully sakin. Siguro dahil lapit ng lapit sakin ang mga sikat na lalaki dito sa school pero di naman ako ang lumalapit, kaya anong kinagagalit nila? ni hindi ko nga sila pinapansin.

Just like this one, pahamak din tong mokong na to eh.

"Hi Yas! akin na ang bag mo!" masiglang bungad niya.

Napansin ko ang bahagyang inggit ng mga babae sa paligid ko. Kaya siguro nila ako binubully, kasi nilalapitan ako ni 'Aiman', the heartthrob and the most famous guy in Meridian High.

"Tss, ako na magbibitbit. Baka mamaya lagyan nila ng fire extinguisher ang bag ko sa sobrang inggit..." sarkastikong sabi ko pa. Pano ba naman? lagyan ba naman ng paso ang bag ko?

Medyo malaki pa man din ang bag ko, tapos medyo maliit yung paso. Naiuwi ko tuloy yung pasong yon, pero okay lang, kadali naman itapon.

"Hahahahha! sige pero sabay na tayo ah?" tumango nalang ako dahil alam kong kahit tumanggi ako sasabay pa rin yan sakin. Nagiinsist kasi siya na iyon daw ang ginagawa ng 'manliligaw' sa kanyang nililigawan.

Kahit di naman ako pumayag eh, kusa niyang ginagawa yon, makulit ang mokong na to eh. Tsaka isa pa magkaklase kami, kaya lagi din niya akong inaabangan kada umaga.

To be honest, di ko siya bestfriend, kahit nga kaclose eh. For me, he's just an acquiantance since I don't have any friends here in school.

I entered the room and as usual nagtilian na naman ang mga malalandi kong kaklase. Not because of me but because of Aiman who looks like a nailcutter.

"Wafuuuu!" sabi nung isa kong baklang kaklase.

"Uy! bes, sila na ba? lagi silang magkasama tuwing umaga eh!" sabi nung isang babae sa katabi niya. Baka gusto niyang hinaan ang boses niya? rinig na rinig ko eh.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa upuan ko sa likuran na part pero di pa rin natigil sa pag uusap ang dalawa, ayaw mag pa awat sa mga chismis?

"Bes, baka nga? pero base kay Yasmine, mukhang wala pa siyang planong magjowa!"

"Eh? bakit lagi silang sabay? kahit kakain sabay lagi sila pati pag pasok tas pag uuwi hinahatid siya ni Aiman?"

"Shhhh! hinaan mo boses mo rinig ata tayo ni Yasmine eh. Nakatingin sa atin..." pahina ng pahina na sabi nung isa, maigi naman at nakita niya ako.

"Pero bes baka nga sila na, malay mo may tinatago palang kalandian sa loob loob niyan si Yasm----" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla akong pumunit ng papel sa notebook ko saka ibinato iyon sa kanya.

"Sige, pag-usapan niyo pako" sarkastikong sabi ko. Natahimik naman sila sa takot saka nagbasa nalang ng libro.

Di naman talaga ako masyadong masama, kaya lang ayoko talaga ng pinagchichismisan ako tsaka nabadtrip ako kanina eh.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now