Yasmine's POV
I must say that I'm kinda impressed by Aiman's empire. Sobrang laki niya, promise.
May bakod na mataas na nakapalibot sa empire nila tapos malaki din yung gate pag papasok. May ilang bantay sa may gate at may dala rin silang mga armas.
Pagpasok mo ay bubungad sayo ang parang bayan... pero may mga bahay rin. Alam niyo yun? yung may mga bahay bahay pero may tindahan rin ng kung ano ano gaya ng mga weapons, libro, etc.
Sa gitna ay mapapansin mo agad ang isang malaking castle. Naka-elevate siya ng kaunti at ang ganda ng design niya. Simple but elegant, kumbaga...
"Welcome back, Prince Aiman" sabi nung sundalo sa may gate tapos sumaludo pa kay Aiman. Aiman just smiled in return and continued walking. Siyempre si Aiman ang nangunguna tapos nakasunod lang kami.
Nadaanan namin ang mga tindahan at ang weird ng mga tinda, may nakalagay don na libro about sa witchcraft, tas mga gayuma, ganon pero di naman about sa pangkukulam lahat... meron ding mga normal na paninda gaya ng pagkain.
Binati siya ng iba pang mga mamamayan at tumango lang at ngumiti ito bilang ganti.
Naglakad na kami patungo sa castle at may hagdan don pataas, tapos may mga halaman rin na disenyo sa gilid nung hagdan. May red carpet din na nakalatag, and I felt uncomfortable... this red carpet just reminds me of how poor I am.
Sinalubong kami ng isang middle age woman sa may pintuan at napangiti naman agad ito ng makita sila... "Oh? Baby Aiman, anong ginagawa mo dito? di ba may pasok kayo?" tanong nito kay Aiman.
She's the queen and I am certain of that... from the luxurious clothes she's wearing up to her royal crown. She is also emitting that royal highness vibes, that's why I presume that she's Aiman's mother and also the queen of the Haven Empire.
"Mom? di ba sabi ko sayo wag mo akong tatawaging baby sa harap nila?" nakangusong tanong ni Aiman. Napatawa nalang ang iba sa kasamahan namin dahil sa sobrang childish ni Aiman.
"Baby? pero di ba okay lang naman sayo ah? grabe, parang tinatakwil mo na ako a---" napailing nalang ako dahil alam ko na kung san nagmana si Aiman.
"Mom? di kita tinatakwil ah? sabi ko lang wag mo na akong tawaging baby kapag kaharap sila pero pag wala naman, okay lang hehehehe"
"Hehehehe, di mo talaga matiis si mommy noh?! halika nga dito... namiss ko ang baby ko eh, hahahhahaa" sabi pa nung babae at saka niyakap si Aiman.
Like mother like son? both of them are so childish... Pero to be honest, di mo maiisip na nanay na yung mommy ni Aiman kasi bata pa ang itsura niya.
"Namiss kita, mom!!" masayang sabi ni Aiman matapos humiwalay sa yakap nila.
"O siya sige, pasok na muna kayo sa loob... alam kong pagod na kayo eh... halata sa itsura niyo, hahahhaa"
Nahiya ako kasi ako lang ata ang di niya kilala pero pakipasok ako... shet, nakakahiya talaga.
Pumasok na kami sa castle at mamamangha ka talaga sa design ng loob nito. Mabango sa loob tas nakared carpet pa, at puro mga painting ang nakalagay sa pader. May mga vase pa at mga artifacts na nakalagay sa mga sulok sulok at may chandelier pang malaki sa taas.
YOU ARE READING
Magia Academia
Fantasy"Maybe, it's not a coincidence that I was brought here. It is fate that binded me within this academy which paved the way to maintain peace and glory" She's Yasmine Raven Lois, a student from a peculiar academy. An academy which enhances the student...