Chapter 6

31 3 0
                                    

Yasmine's POV

Naglakad na ako patungo sa F-406 matapos naming mag-usap ni Mr. Kalmin.
Naweweird-an pa rin talaga ako sa kanila kasi sino nga ba ang hindi? kung bigla ka nalang makakakita ng kung ano-ano? ano sila avengers?

I inserted the key on the keyhole and I opened the door. Well, I've already expected na maganda ang dorm kaya di na ako nagulat ng makita ko ang loob.

Parang condo siya ni Aiman, ganon. Kulay white nga lang ang pader tapos yung sahig ay yung tiles na wood? basta kahoy ang itsura niya pero di literal na kahoy talaga kasi kapag inapakan mo, yung ang tunog ay kapag umapak ka ng tiles? basta, bahala kayo mag imagine, pinapahirapan niyo pa ako.

May hagdan siya na siguro mga 8 steps lang tapos kapag dumiretso ka don ay may makikita kang dalawang pinto, kwarto siguro. The other one seems occupied, since there are signs and cardboards on the door that says 'Stay out of my room', 'Don't enter' at kung ano ano pa... para namang papasukin ko yon...

Pumasok na ako sa isang kwarto na mukhang para sakin at saka inilagay ang mga gamit sa gilid.

May king sized bed na kama at sobrang lambot niyon, shet! second time ko tong mahiga sa gantong kama ah? ang pang una ay sa condo ni Aiman.

Inilagay ko na muna ang mga damit ko sa walk in closet, oh diba? ang sosyal, dati aparador lang sakin eh.

Habang naglalagay ng mga damit ay napansin ko ang 3 pares ng school uniform, isang pe na uniform at saka isang uniform na medyo kakaiba.

Ang itsura ng school uniform namen ay color black na blazer tapos may white na pangloob na may collar. Naka necktie din kami na kulay blue, black and white atsaka may nakaengrave na logo ng school sa may bandang katapat ng puso sa blazer. Above the knee yung palda at color gray siya.

Tapos yung PE uniform naman ay jogging pants na kulay white na may line sa gilid na black, tapos t-shirt na kulay royal blue at may logo din siya sa may bandang katapat ng puso.

Yung isang damit na sinasabi kong kakaiba ay kulay navy blue naman, tapos blazer rin siya, meron ding kulay white na pangloob na may collar. Yung pangbaba niya ay skirt ulet, na above the knee tapos kulay white na may navy blue na horizontal line na kasing taba ng ruler sa laylayan pero di talaga sa dulo mismo.

Napansin ko pa ang isang box sa may tabi kaya pinulot ko iyon at nakita ang badge? at saka name plate, at logo? yung style niya ay yung kinakabit, naka pin...

Yung logo namen ay may phoenix sa background, meron ding korona sa taas nung phoenix tapos may nakalagay na 'MA' sa gitna, kulay blue, white at black ang logo, pero kulay gold yung mismong pin, tapos hugis shield siya.

Yung badge ay pabilog naman tapos may nakaengrave don na phoenix, pero iba ang style niya kaysa don sa logo. Color red at yellow siya.

Syempre yung name plate ay pangalan ko ang nakasulat tapos pa-rectangle siya. Dinidikit siya na parang pardible pero mas sosyal pa sa pardible? basta intindihin niyo na lang, tapos color gold den siya. Siyempre medyo maliit lang silang lahat.

May napansin pa akong maliit na nakatuping note sa sulok ng kahon kaya binasa ko iyon....

Note:

Your school uniform will be the black blazer, your PE uniform will be the royal blue t-shirt and your uniform in your upcoming missions will be the navy blue blazer.

You should always wear the name plate and the badge whenever you are wearing your school uniform. In PE uniform, I am not requiring you to wear the name plate and the badge because there is a possibility that you might drop it off while training... but when you are on your mission, you should always wear the logo of the school and the badge.

Magia AcademiaWhere stories live. Discover now